Chapter 5

"Uy! Uy! Jas naman eh" Nilingunan ko sila at tinaasan ng kilay.

"Bakit?" Tanong ko kay lany.

"San ka pupunta?"

"Class room iisip pa ako ng story" sabi ko sa kanya at saka ako nag lakad pabalik sa class room.

-----

(Violet)

"Ha? Anong story pinagsasabi noon?" Tanong ko kay lany.

"Ah...Hindi mo ba alam yun ang parusa na binigay ni miss sa kanya kanina dahil nalate siya" Dahil sa sinabi niya ay napaisip ako.

Story?

-------

(Jasmine)

Pagnakikita ko ang mukha niya nag iinit na ang buong katawan ko walang hiya talaga siya!

Gusto ko ulit siyang sipain eh!

"Hi! Jasmine" napalingon ako dahil may anghel na tumawag sa pangalan ko. Omg♡ ang crush ko. So okay na ako hindi na ako bad mood. Hehehehhehe

Ano kaya kaylangan niya?

Napapangiti nalang ako kapag kaharap ko siya hehehehhehe.

"Hi!" Bati ko naman sa kanya.

"May kaylangan kaba sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Ah.... Oo nga pala pinapatawag ka ni Miss Q sa office niya" ha? Ano nanaman ba kailangan niya sa akin? Hindi pa ba sapat yung parusang ibinigay niya sa akin. O baka babawiin na niya?

"Bakit daw?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam eh, basta ang sabi niya sa akin na papuntahin ka daw sa office niya mamayang awasan" Omg! Bakit parang ang init ata ngaypn ah.

"Sige alis na ako" pagpapaalam niya sa akin. Pero bago siya makalayo ay tinawag ko siya.

"Uy! Ethan maraming salamat pala kanina" nakangiting sabi ko sa kanya kaya ngumiti naman siya sa akin at sinabi niyang.

"Walang animan yun" kaya nag bye bye ako sa kanya. Wah! Ang cute talaga niya.

Biglang lumaki ang aking dalawang tenga dahil may narinig nanaman ako naang pinaguusapan ay ang pangalan ko.

"Nako yan nanaman sila. Siguro sila na no?" Sabi noong isang babae sa kasama niya. Hehehhehehe sana nga no

"Ha? Wow ha, ang layo kaya ng level nila no. Ang gwapo gwapo ni ethan tas ano sila noong babaeng hindi naman sikat ni hindi nga natin kilala noong babae eh" napataas nalang ang isa kong kilay dahil sa sinabi noong isang babae. Kaya dahil sa inis ko ay tinignan ko siya ng masama.

"A-eh ta-tayo na mukhang ang init na dito sa labas" Nauutal na sabi niya sa kasamahan niya at saka sila umalis. Walang hiya noon ah. Kala mo kung sino siyang maganda. Makapunta na nga sa class room, yan wala na good mood ko.

----------

(Luis)

Habang hinihintay ko si zian sa cr ay nakita ko nanaman siya na may kasama. Pinagmasdan ko lang silang dalawa na nakangiti.

Sana maalam din akong ngumiti katulad nila.

Oo alam ko yung ngiti at nagagawa ko yun pero iba yung kanila eh.

"Uy tayo na" Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si zian kung hindi sana siya mag sasalita ulit.

"Ah! Si Ethan yun. Sikat na sikat yan sa school natin. Number 1 yan sa mga babae" pagkwekwento niya sa akin. Tinatanong ko ba? Lol joke lang.

"Eh yung babae kilala mo ba?" Tanong ko sa kanya.

Tinignan niya ito ng maigi na parang inaalala kung kilala ba niya ito o hindi.

"Ah! Isa din siya sa mga babaeng patay na patay kay ethan" natawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

"May problema ba?" Nagtatakang tanong niya.

"Wala, tayo nang mamasyal" pagyaya ko sa kanya.

"Ha? Saan naman?"

"Ang akala ko ba ililibot mo ako dito. Kaya parang na mamasyal na" pagrereklamo ko sa kanya.

"Ah oo nga pala. Hahhahahaha muntik ko nang makalimutan" natatawang sabi niya sa akin. Ano ba yan ang makalimutin naman niya.

--------

(Jasmine)

Katulad ng sinabi ni ethan kanina kaya nandito ako ngayon sa office ni miss Q

Nagtaka ako dahil nagulat siya kung bakit daw ako nasa office niya ang sabi ko sa kanya na ipinapatawag niya ako sabi sa akin ni ethan. Kaya nagulat ako ng bigla siyang tumawa at umiling iling nalang.

May problema ba?

Nababaliw na siguro to. Hala!

"Miss binabawi na ba ninyo yung parusa na ibinigay ninyo sa akin kanina. Kaya pinatawag po ninyo ako?" Magalang na tanong ko sa kanya. Kaya saglit siyang napatingin sa akin at ayan nanaman siya sa tawa niya.

"Hindi, hindi" umiiling na sabi niya sa akin.

"Ho? Eh bat pinatawag po ninyo ako?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Akala ko pa naman. Ano ba yan.

"Saglit nga lang diba may klase pa kayo?" Biglang tanong niya sa akin.

"Opo, pero wala nanaman yung teacher namin at absent. Kaya pumunta na ako dito" sagot ko sa tanong niya.

"Ah ganon ba. Mamayang awasan ninyo pumunta ka sa practice room at may sasabihin sayo si ethan" Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Si.... si ethan may sasabihin sa akin?

Wahhhh!!!! Ano kaya yun. Omg! This is it na ba? Aamin ba siya sa akin na crush din niya ako.

"Ahm...Miss Galang!" At saka nalang ako nagising sa katotohanan na nasa unahan ko pa si miss at nasa loob pa ako ng office niya.

"Hehehhehe si-sige po, maraming salamat po" sabi ko sa kanya at saka ako lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ko ay napasigaw nalang ako dahil sa tuwa.

"Aray ko naman" nagulat ako dahil may biglang sumigaw. Ay nako si walanghiya nanaman. Ano nanaman kaylangna nito.

"PROBLEMA MO HA!" Naiinis na sabi ko sa kanya at saka ako umalis.

Okay lang yan jas wag kang ma bad mood, magkikita kayo ni crush mamaya. Be happy!

--------

Sabi ni miss nandito si ethan pero ako lang naman ang tao dito ah. Pinagloloko niya ba ako.

Ang dilim dilim pa.

Tinignan ko ang paligid ko baka kasi may tao hindi ko lang nakikita no hahahaha

Ng may makita akong isang papel kaya sinimot ko ito at saka ko binasa.

》 Sorry Jasmine, ethan to. Pwede favor pakiimis nalang noong mga gamit na gagamitin namin para bukas ng umaga. Alam mo nanaman diba yun. Thanks♡

Ha?! Ano?! Nangyari?!

Hay ano ba yan akala ko ba nandito si ethan sabi ni miss kanina. Pambihira na!

Naging katulong pa ata ako. Ay hayain na nandito na din naman ako eh edi gagawin ko nalang yung sinabi ng ethan ko♡

Ano bang gagamitin nila bukas?

Napaisip ako ng saglit at saka ko naalala. Oo nga pala may banda siya hindi katulad noong high school pa kami solo lang siya ngayon nakabuo na siya ng banda na binubuo ng limang meyembro.

Nakakaingit nga eh, sana isa ako sa member ng banda ni ethan edi sana lagi ko siyang kasama no.

Hayz....

Ano ba jasmine! Gawin mo na yung dapat mong gawin para makauwi kana. Iniwanan mo pa naman yung bag sa classroom. Ay! Nako!

》To be Continue......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top