Chapter 3

(Jasmine)

"Sakay kana" sh*t parang matutunaw na ako. Ang gwapo niya♡~♡

Crush bakit ganan ka sa akin.

"Ah eh.... nakakahiya naman eh" nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Jasmine matagal na natin kilala ang isa't isa ngayon ka pa ba mahihiya" sabi niya sa akin kaya yun sumakay na ako.

Yup!

Kilala na ako ni crush hehhehehwhhwhe how?

Ano kasi.....

Last year kasi si violet napakasalaw ba. Tinawag niya yung crush ko at magpapapicture daw kami eh ako naman etong walang kaalam alam na natutulog sa loob ng class room at pagkagising ko nasa tabi ko na siya.

Kaya yun epic yung mukha ko noong pinicturan kami. Hindi manlang sinabi ay, edi sana nakapagayos pa ako.

"Yuho.... Jasmine nandito na tayo" at saka ako nagising sa katotohanan na hindi niya ako crush. Ay ano bang pinag iisip ko.

Hindi ko manlang napansin na nakatulog ako. Agad akong bumaba ng sasakyan nila dahil sa ginawa kong katangahan.

"Hala....hala so-sorry. May tumulo bang laway" nahihiyang sabi ko sa kanya. Habang hindi ako mapakali.

"Ha? Wala ah" natatawang sabi niya sa akin kaya natawa nalang din ako. Ang cute niyang tumawa. Bago ako umalis ay nag pasalamat ako sa kanya at saka ako kumaripas ng takbo papunta sa office.

Hindi pwede to.

Dapat mauunahan ko siya. Takbo lang jasmine sige kaya mo yan.

Napatigil ako dahil nakalimutan ko kung nasaan ba yung office. Bat kasi ang laki laki ng school namin eh.

Saan nga ulit yung office.....

Ah sa kanan.....*bang*

Ang sakit! Yung pwet ko lumanding sa sahig.

"Bullsh*t!" Narinig ko na nagmura yung taong nabangga ko. Bat nabangga ko eh siya nga yung biglang bigla nagpakita.

"What's you're problem!" What the heck englishero ang nabangga ko. Tinignan ko siya ng masama habang hinihimas ko parin ang aking pwetan.

"What's you problem what's your problem" bulong ko sa aking sarili.

"Did you say something?" Ang taray naman ng isang to porket naka shades ang mokong. Wala naman araw ah. Hindi ko nalang siya pinansin at umalis nalang ng biglang may humawak sa braso ko at hinigit ako.

Nagulat ako ng malapit na yung mukha niya sa akin. Omg rape! Nirarape niya ako. Tulong!!!

Hinihigit ko yung braso ko para bitawan niya pero ang higpit.

"Bitawan mo ako!" Mataray na sabi ko sa kanya. Makuha ka sa isang salita.

"What if kung ayaw ko" tang*na maalam pala magtagalog.

Napalingalinga ako sa aming paligid. Ang rami nang nanunuod sa amin na mga estudyante. Nako patay ka talaga jas. Nako nako kasalanan niyang lalaking yan kung nanduon na si miss. Sipain ko na ba. Wag malaking gulo, kaya ang nagawa ko nalang ay tumungo para humingi ng sorry.

"Sorry na kaya pwede bitawan mo na ako. Please!" Nagmamakawang sabi ko sa kanya ng biglang inangat niya ang ulo ko. Sino nag sabi sa kanya na pwede niyang hawakan yung baba ko ha! Walang hiya to ah.

Bigla nalang gumuho ang mundo ko ng halikan niya ako. Dahil sa gulat ko sa kanyang ginawa ay sinipa ko siya say may tiyan kaya yun bagsak at binitawan na din niya ako.

"WALANG HIYA KA! ALAM MO BA HA! FIRST KISS KO YUN. TANG*NA MO GAGO KA!" Bago ako tuluyang makaalis ay tinignan ko siya ng masama. Mabuti nga sakanya, kahit hindi na siya bumangon.

Tang*na niya

Padabog kong binuksan ang pintuan ng office at saka ko sinarado ng malakas. Lahat sila ay napatingin sa akin, ganon na din si miss ang taong nag hihintay sa akin siguro kanina pa.

"Buti naman miss galang at nag pakita kapa. Ang akala ko pa naman ay absent ka. Alam mo naman ang pinagusapan natin dita" Mataray na sabi ni miss.

"Miss hindi ko naman kasalanan kung bakit ako late eh. May sira ulong bumangga sa akin..." Napatigil ako sa pagsasalita dahil nakataas na ang dalawa niyang kilay.

Hays....

Ano ba yan.

Mahinahon kong sinarado ang pintuan ng office.

Nakakainis, ano na ngayon isusulot ko sa 10 page na papel na hawak hawak ko.

Flashback

"Wag ka nang magpalusot miss galang" Seryosong sabi niya sa akin. Pero totoo naman na may bumangga sa akin kaya ako nalate tutuusin naman mas mauunahan ko pa dapat siya kung hindi lang ako nabangga noong lalaking yun.

May binigay siyang papel sa akin kaya nag taka naman ako.

"Ano pong gagawin ko dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yan ang magiging parusa mo. Make a story na kakasya sa 10 page, diyan mo isusulat back to back. Bibigyan lang kitang tatlong araw para matapos yan. At sa friday kaylangan mo ikwento iyan sa unahan ng klase. So yun lang pwepwede ka nang pumunta sa class room mo" napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Ano? Kwento? Seryoso ba siya? Eh hindi pa naman ako mahilig gumawa ng story.

Ano na gagawin ko.

"Yes? Bakit hindi ka pa naalis may sasabihin kapaba sa akin?" Tanong ni miss sa akin. Kaya umiling nalang ako sa kanya.

Kung mag rereklamo ako wala naman mangyayari. Ah!!!! Nakakainis!

Endof Flashback

Nakabisangot ang mukha ko pagpasok ng class room. Sumalubong naman sa akin si lany at nagtanong kung anong nangyari sa akin bakit parang nalugi ako.

"Lanyyyyyy! Pinapagawa niya ako ng story. Hindi pa naman ako maalam" Nakabisangot na sabi ko sa kanya.

"Ha? Ayun lang eh elem nga kayang gumawa ng ganan ikaw pa. Kayang kaya mo na yan" hindi manlang ako ginanahan sa sinabi niya. So hindi niya ako matutulungan.

"Hay....oo nalang" yan nalang ang sinabi ko sa kanya at saka ako umupo.

Nakakainis!

Bakit ba sa lahat ng parusa na matatanggap ko eh ang paggawa pa ng story.

Ano ba yan makatulog na ngalang at baka mamaya may maisip na ako.

--------

Noong bata pa ako, mahilig akong magdrawing at magsulat ng kung ano ano pero ngayon naglaho nalang na parang isang bula.

Hindi ko alam ang nangyari sa akin noon.

Hayyy....

Pati ba ang pagtulog hindi ko na magawa. Napabuntong hinanga nalang ako habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Guys! Yan na si miss" Sigaw ng isa namin kaklase kaya agad kaming tumayo para bumati ng good morning sa kanya at saka kami umupo.

"Magandang umaga rin sa inyong lahat. May ipapakilala ako sa inyo na magiging bago ninyong kaklase pamula ngayon" Sabi ni miss sa amin.

Tsk! Sino nanaman yan. Lagi nalang may bago kaming kaklase. Napaisip ako saglit dahil sa sinabi ko, ay hindi pala ngayon lang pala kami magkakaron ng bagong kaklase hahahhahah.

Saglit nga lang! Ba-baka si oliver?

Siya kaya yan. May posibilidad ba?

Bakit ko nga ba hinahanap yung taong wala na.

Dahan dahan nag bukas yung pintuan at may pumasok na isang demonyo.

"IKAW!" Sigaw ko at itinuro siya.

》 To be Continue.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top