Chapter 25

"Ang kabit ng papa ko" Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.

"H-ha?" Nabinggi ba siya?

"Ang sabi ko ang kabit ng papa ko" paguulit ko sa sinabi ko kanina.

"Ba-bakit?"

"Malaki kasi ang galit niya kay mama kahit ang totoo ay si mama dapat ang magalit sa kanya dahil inagaw niya ang lahat lahat sa mama ko. Alam mo ba ng susugudin ko sana yung babaeng yun sa pamamahay namin pero hindi duon nakatira si mama ha pinigilan niya ako at sinabing hindi naman siguro sinasadya. Para akong tanga na tawang tawa sa harapan niya at umiikot yung sinasabi niya sa aking utak kaya gumawa ako ng paraan para sa ospital niya"

"Eh ang papa mo bakit hindi mo sinabi sa kanya? Bakit hindi ka huminggi ng tulong sa kanya alam ba niya ang totoo nangyari sa mama mo?" Wow ha ang raming tanong. Kita sa kanyang mukah ang pagaalala at galit. Nagaalala pa pala siya.

"Hindi ako lumalapit sa kanya, ayokong lumapit sa taong may kasalanan bakit maghihirap si mama. Ayoko" galit na galit na sabi ko sa kanya. Pero kahit kailan hindi ko naiisip na umiyak dahil sa nangyari noon. Nalulungkot lang ako. Kahit namatay si mama hindi ako umiyak, minulat na kasi ako ni mama na wag kang umiyak dahil ang ibig sabihin noon ay mahina ako.

Ayaw niyang umiiyak ako ayaw niyang makita na may luha sa aking mga mata kaya nasanay na ako kaya noong namatay siya walang luha na pumapatak sa mata ko.

"Eh...anong nangyari sayo?"

"Yung huljng tugtog namin nahimatay ako dahil sa pagod. At paggising ko nasa ospital na pala ako, nakita ko si ikito na katabi ko kaya tinawag ko siya pero nagulat nalang ako ng walang boses na lumalabas sa bibig ko. Kaya nataranta ako at nagwala, pinipilit ko na umimik pinipilit ko na ilabas ang boses ko pero wala....wala talaga. At ang sabi niya sa akin na ma-matagal pa daw ako magkakaron ng boses. I-isang taon ako nag tiis. Nag tanong ako sa kanya noon ano nangyari sa kamember namin ang sabi niya na dinisband na daw niya kaya agad na pumasok sa utak ko na kasalanan ko kung hindi ako nagpilit noon edi sana...edi sana hindi masisira ng ganon ganon lang bandang pinaghirapan niya" Habang kinukwento ko sa kanya ay mas lalong humihigpit ang hawak ko sa tali ng swing.

"Tas... ilang araw lang ang lumipas ay kinuha na siya ng mga magulang ninyo"

"Edi mag isa ka lang noon?"

"Hindi...ang totoo niyang kay papa ako nakatira kasama ang kabit niya at ang mga anak nila. Kahit ayaw ko man duon tumira ay wala na akong magagawa, wala na kasi ako mapupuntahan. Ng umuwi si papa at nalaman ang nangyari sa kalagayan ko ay pina homestudy niya ako ayun daw ang gusto ni mama wag daw ako titigil sa pagaaral. Nagulat nga ako kung papaano niya nakausap si mama ang alam ko talaga nasa ibang bansa siya, tinanong ko kung papaano niya nakausap si mama pero hindi niya sinabi sa akin. Isang taon ako nag tiis sa bahay nakakulong. Hindi ko alam ang gagawin ko si ikito lang ang kaibigan ko. Naalala ko lagi ang mukha niya bago siya umalis, ngiting pilit lang. Siguro galit parin siya sa akin. Nagtanong nga ako sa kanya kung may balik pa ba siyang bumuo ng banda pero ang sabi niya pagiisipan pa daw niya"

"Bakit hindi manlang niya sinabi sa akin ang tungkol sa pagdisband niya ng banda?" Nagtatakang sabi niya sa akin.

"Baka ayaw niyang malaman ang totoo. Bakit ano bang sabi niya sayo?" Tanong ko sa kanya.

"Nag sialisan daw kasi ka member niya. Yun ang sabi niya sa akin. Tas alam mo ba lagi kang kinukwento sa akin na ang galing mo daw na ganan ganan pero yang bagay na iyan hindi niya sinabi sa akin. Noong pinakilala niya ako sayo saka ko lang nalaman na hindi ka pala nakakaimik, at ang sabi sa akin ni kuya na paaso ka lang daw dahil sa ang galing mo daw kumanta eh lagi ka na daw kumakanta para sa mga tao. Tuwang tuwa siya pag ikaw nag kinukwento niya sa akin. Kaya alam mo ba nainggit ako sayo, hindi ako vocalista o magaling sa pagkanta pero nag aral ako, gusto ko kasing ipagmalaki din ako ng kuya ko sa ibang tao pero... hanggang ngayon ikaw parin ang magaling sa kanya" ingit? Siya sa akin. Bakit kasi ikinukwento ni ikito yung mga pinaggagawa ko yan nainggit yung kapatid niya. Alam kaya niya ang nararamdaman ni ikuto?

"Wag kang mainggit sa akin. Alam mo magaling ka wag kang susuko, dadating din ang araw na mapapansin ka din ng kapatid mo" sabi ko sa kanya para hindi naman siya ma down diba kaya palakasan natin siya kahit kaunti.

"Eh bakit nakatira ka sa bahay ng kaibigan mo? Si violet ba" Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya.

"Ha? Papaano mo nalaman? Na-nakausap mo ba siya? Pumunta ba siya sa bar?" Ang rami kong tanong no hahahhahha.

"Hindi, si kuya kasi tinanong kay elza kung saan ka nakatira tas ang sabi niya sa bahay daw ni violet. Kaya yun binigay niya kay kuya ang address tas pinapunta niya ako sayo para pilitin ka daw na maging vocalista ng banda niya" pagpapaliwanag niya sa akin. Pambihira! Si ikito.

"Maka elza ka naman parang close mo ah" natatawang sabi ko sa kanya.

"Ha? Oo nga pinsan namin siya" napanganga naman ako dahil sa sinbai niya.

"Weh? D ka nag jojoke?" Sabi ko sa kanya kaha umiling siya sa akin.

"Eh?! Edi ibig sabihin kilala ninyo si violet?" Nako patay kang bata ka.

"Hindi namin kilala, baka sa labilang side siya ng magulang ni elza" ah baka nga baka.

"Balik na nga tayo sa tanong ko bakit ka nga sa kaibigan mo nakatira?" Tanong ulit niya sa akin.

"Hindi naman talaga ako sa kanya nakatira nakikitulog lang noon pero ngayon sa kanya na ako nakatira. Hindi ko na kayang makasama sa iisang bahay ang taong pumatay sa mama ko"

"Ang sabi mo kanina wala kang mapupuntahan kaya sa papa mo ikaw tumira pero nandiyan naman pala yung kaibigan mo eh" nagtatakang sabi niya sa akin.

"Wala siya noon, kaya hindi niya alam ang nangyari sa akin. Pero sinabi ko sa kanya ang tungkol sa nangyari sa boses ko pero ibang dahilan. Ang dinahilan ko na desperada na akong gumaling si mama kaya kumanta ako kung saan saan hanggang sa nanghina na ako at pagkagising ko wala na akong boses. Ako lang at hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol kay ikito. Alam mo bakit nagkunwari akong nawalan ng boses dahil takot akong umalis ulit siya, alam ko kasi na hindi siya permanente dito at aalis siya ulit. Pagkasi may boses ako alam ko naman na wala din naman akong magagawa kaya mas maganda nalang na tumahimik nalang ako"

"Ha? Ganon ganon nalang napaniwala mo siya na walan ka ng boses? Ano bang ginawa mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Kumanta ulit ako, at ang sarap sa pakiramdam pero... bumalik sa akin ang lahat lahat ang nangyari sa akin noon kaya yun bigla nalang umatras yung boses ko at ayaw nang lumabas, totoo yun ha pero isang araw lang at bumalik na yung boses ko, pero nag sinungaling ako sa kaibigan ko na magtatagal ng one month"

》 To be Continu....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top