Chapter 24

(Ikuto)

Pambihira na eh wala naman palang tao, ano ba yan nag sayang lang ako ng oras.

Pabalik na ako ng makita ko siya sa playground. Pambihira na nandiyan lang pala siya eh. lalapitan ko na siya ng mapatigil ako. 

"Bakit nag sinungaling ka sa kuya ko!" Sigaw ko sa kanya kaya nagulat naman siya ng makita niya ako.

"Ikuto? Ka-kanina ka pa ba diyan?" Nauutal na tanong niya sa akin.

"BAKIT!" Sigaw ko ulit sa kanya.

Hindi siya makatingin sa akin. Bakit pala ako naiinis sa kanya, isa siyang sinungaling.

-----------------

(Jasmine)

Bakit nandito siya? Narinig niya... Wala na kailangan ko nang sabihin sa kanya.

"Sorry" sabi ko sa kanya pero kita sa kanyang mukha ang galit.

Bakit siya galit?

"Bakit?! bakit hindi mo sinabi kay kuya? Bakit? Alam mo ba lagi ka niya sinasabi sa akin na napakaganda daw ng boses mo pero bakit ganon BAKIT GANON! BAKIT NAGSINUNGALING KA SA KANYA BAKIT HINDI MO TINANGGAP ANG ALOK NIYA SAYO BAKIT!" Gulat na gulat ako sa sinabi niya kaya napalaki ang mga mata ko.

"Halos ikaw nalang lagi kahit ako yung nasa tabi niya at kasama sa pagtugtog pero ikaw parin. NAKAKAINIS LANG EH!" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"ANO HINDI KA NANAMAN MAKAIMIK? NAPIPI KA NANAMAN? O BAKIT AYAW MO GAMITIN YAN PAPEL AT BALLPEN MO!"

"SORRY NGA DIBA! AYOKO LANG NAMAY MADAMAY NANAMAN DAHIL SA AKIN!" sigaw ko sa kanya.

"Nagkunwari ako nawalan ng boses, dahil takot na akong may mawala nanaman sa aking mahalagang tao"

"Bakit nakakamatay ba yang boses mo ano yan may lumalabas na kutsilyo?" seryosong sabi niya sa akin.

"Hindi" Matipid na sabi ko sa kanya.

"O hindi naman pala eh bakit nag sinungaling ka kay kuya ha!" tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"Hindi lang naman ako sa kanya nag sinungaling ikuto, kahit sa mga kaibigan ko nag sinungaling ako. Alam mo ba yung pakiramdam na hindi ka makahingi ng tulong kahit may boses ka? diba hindi. Kaya pwede mag mong sasabihin sa kanya" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabi ko na sa kanya ang dahilan.

"Tanga ka ba ha bakit kinakawawa mo ang sarili mo? Siguro nga baliw ka" Nagulat ako sa sinabi niya.

"Hindi ko kinakawaawa sarili ko"

"Kung hindi mo kinakawawa sarili mo edi dapat hinaharap mo ng sarili mo ang problem mo hindi yang tumatakbo ka lang. Walang mangyayari sayo" 

"wala ka kasing alam" Sabi ko sa kanya.

"Ah oo nga wala hindi nga pala ita kilala sige sasabihin ko nalang kay kuya ang totoo" Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya nag lalakad na siya palayo kaya hinabol ko kaagad siya at pinigilan.

"Wag please" nagmamakaawa ko sa kanya.

"Bigyan mo ako ng dahilan para hindi ko sabihin sa kanya" Seryosong sabi niya sa akin. a-anong klaseng dahilan?

"Mas lalo niya akong kukulitin na maging vocalista at mag aalala lang siya sa akin gusto mo na noon ha?" Sagot ko a kanya.

"Ayoko pero kahit hindi ka pumayag walang tigil parin na ipagmalaki niya sa akin ikaw. Hindi yun sapat" Pinigilan ko uli siya na makaalis. hindi pwepwedeng malaman ni ikito.

"Alam ko na, ikwento mo nalang sa akin ang dahilan kung bakit nag panggap ka na walang boses" Seryoso ba siya? Napaisip ako ng saglit dahil sa sinabi niya. sasabihin ko ba sa kanya.

"Wala na bang ibang paraan? Hindi kaba naawa sa kuya mo pag nag alala yun sa akin?" Sabi ko sa kanya, baka kasi mag bago ang isip niya.

"Eh lagi naman yun nag aalala sayo kaya okay lang sa akin" nakangising sabi niya sa akin. Ano bang problema talaga ng isang to.

"Gusto mo bang malaman?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi ko naman talaga gustong malaman, pambayad mo lang naman yun sa akin para hindi ko sabihin sa kuya ko ang tungkol sayo"

"Hindi ka pala interesado. Iba nalang ipagawa mo sa akin" sabi ko sa kanya.

"Nope yun lang" ang kulit talaga niya.

Hay.....

Ano na gagawin ko?

--------

(Violet)

Ano kayang nangyayari sa kanya?

"Uy v kanina ka pa tulala" natauhan ako dahil sa sinabi niya.

"Sorry z" sabi ko sa kanya at saka ko kinain yung pagkain na inorder namin.

"Iniisip mo parin si jas?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako sa kanya.

Alam niya ang tungkol kay jas kung ano nga ba nangyayari sa kanya. Pero sabi ko sa kanya na wag niyang sasabihin kahit kanino na wala talagang sakit si jas kahit sa kaibigan niyang si luis.

"Nako v wag mo na siya masyadong isipin alam ko na okay na siya kaya ubusin mo na yan para makauwi na tayo" nakangiting sabi niya sa akin kaya ginawa ko nalang ang sinabi niya.

------------

(Jasmine)

"Kahit anong mangyari wala kang sasabihan ng ikwekwento ko sayo. Sekreto lang ha!" Sabi ko sa kanya.

Yup payag na akong sabihin ko sa kanya ang nakaraan ko kaya eto kami nakaupo sa swing tig isa kami.

"Oo... sige na mag umpisa kana" nakakainis talaga siya kung hindi lang sana niya sasabihin kay ikito hindi ko sa kanya sasabihin ang tungkol sa nakaraan ko.

"Si ikito ang unang nakakilala sa akin at sa boses ko. Ang sabi niya maganda daw kung sasali ako sa banda nila bilang isang vocalista" hindi ko natuloy ang sasabihin ko bigla siyang nag salita.

"Ha? Kailan yun. Bat hindi ko alam?"

"Hindi mo alam kasi hindi ka naman dito nakatira noon. 6 years na ang nakaraan. At nasa japan ka daw sabi saakin ni ikito. Ano okay na ba itutuloy ko pa ba?" Philosopong sabi ko sa kanya.

"Sige tuloy mo lang"

"Hindi ko inakala na papayag ako sa gusto niya kaya yun naging member na ako ng banda niya. Banda na ako pala ang makakasira. Masya ako at hindi ako nagsise na sumali ako pero... masyadong akong nilamon ng pagkanta. Nagkataan kasi na bangga ang mama ko eh kailangan ng pera ang papa ko wala hindi ko siya mahanap, hindi ko alam kung nasan siya kaya dahil sa desperada ako na maligtas ang mama ko ay ginamit ko ang banda. Pinipilit ko sila na tumugtog kahit saan kahit alam ko na pagod na sila pero ako patuloy lang kahit alam ko na pagod na din ako. Pinatigil ako ni ikito pero hindi ako tumigil at dahil duon sa ginawa ko iniwan nila ako pero si ikito... nanatili lang siya sa tabi ko kaya tinulungan niya ako hanggang sa isang araw na malapit na namin makompleto ang pera na kailangan para magamot si mama ay nabawian na siya dahil sa galit ko ay dimigaw ako ng sumigaw. Naulan noon habang nag wawala. Pinilit ko sila na kumanta kami sa isang bar, ayaw ni ikito pero napapayag ko din siya at duon na ang huling tugtog namin bilang isang banda" pagkwewkento ko sa kanya pero bigla naman siya nag tanong.

"Bakit hindi yung bumangga sa mama mo ang nag bayad sa ospital?" Napatingin ako sa kanya at nagdadalawang isip kung sasabihin ko din ba sa kanya yun. Wala na akong magagawa nasabi ko na din naman edi sabihin ko na sa kanya ang lahat lahat.

Gusto niyang malaman ang nakaraan ko diba edi ikuwento natin sa kanya.

"Kakilala namin yung nakabangga kay mama" pinutol ko ang sasabihin ko at tumingin ako sa kanya ng seryoso.

"Eh kakilala naman pala ninyo eh bakit hindi siya yung nag bayad?"

》To be Continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top