Chapter 23

(Violet)

"HI!" Hala yan nanaman yung crush ni jas. Bakit ba kasi lagi nalang ata niyang hinahanap yung tao.

"Wala siya, may sakit" Sabi ko kaagad sa kanya at saka ko siya iniwanan pero sinundan parin  niya ako. Pambihira na.

"Ano nanaman ba yun ha!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Nakakainis natalaga eh, Alam ba niya na hindi na siya nakakatuwa.

"Nanaman?" Nagtaka ako sa sinabi.. at saka ko lang naalala na iyon din ang dinahilan ko sa kanya kahapon. ano ba gtingin niya sa mga taong nag kakasakit isang araw lang tas galing na kaagad sa susunod na araw. Okay lang ba siya.

"Ano nanaman? Syempre matagal pa siyang gagaling ano bang tingin mo sa kaibigan ko ha robot, pag sinabi mong gumaling ka na gagaling kaagad ha?" 

"Hindi naman nag kakasakit ang robot ah" Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Walang hiya to pinahiya pa ako. Bakit ba ako nag aaksaya ng oras sayo makaalis na nga lang.

Sinigaw niya pangalan ko pero hindi ko siya pinansin at nag patuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humarang nanaman sa akin.

"Hindi pa siya magaling, at saka kailan mo pa naging kaibigan yun tao ha? Eh pagkakaalam ko malaki ang galit noon sayo" hindi ko na hinintay pa na mag salita siya eh tatanungin nanaman niya kaibigan ko kaya inunahan ko na siya.

Sino ba kausap ko edi si luis.

"Ganon ba" Ha? Bakit ganan mukha niya? Malungkot ba siya dahil wala si jas? Talagang may tinatago sa akin yung babaeng yun. Tudas ka sa akin mamaya jas.

"Sige na papasok na ako sa class room ko" Pagpapaalam ko sa kanya at saka ako umalis.

saglit  nga lang bakit niya alam yung pangalan ko? Sino edi si ethan. HA? Alam ko na kung paano walang hiya ka talaga lany.

Nag aalala na nga ako kung anong nangyayari kay jas hindi kasi siya ganon i mean kahit anong problema na meron siya eh papasok parin siya. 

Alam ko naman na may problema siya pero hindi niya ito sinasabi sa akin, so bakit ako pumayag na umabsent siya kahit hindi ko alam ang dahilan. Dahil kailangan siguro muna niyang magpahinga.

Kung hindi naman ako makakatulong sa problema niya eh ayun nalang magagawa kong tulong sa kanya ang bigyan siya ng oras para magpahinga.

------------------

(Ikuto)

"Miss excuse me po alam po ba ninyo kung saan po itong address" Tanong ko sa nakasalubong kong babae.

"Ah.. Dumeretsyo ka lang tas pag kakita mo ng playground kumanan ka tas pang sampong bahay" 

"Okay po maraming salamat" Nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya at saka ako naglakad ulit.

Walang hiyang kapatid iyon, paano naman ba inutusan akong puntahan ko siya. Sino yung jacky niya. Tsk!

Okay lang ba siya baka nga wala siya sa bahay at nasa school pero dahil makulit siya at tinanong daw niya sa kaibigan daw noong jacky na iyon tas sabi aabsent daw.

Bakit ba kasing gustong gusto niya yung babaeng yun eh ni hindi nga nag sasalita at isa pa kahit ano pangungulit ni kuya ayaw parin noong babae. Kainia talaga yung kapatid na iyon.

--------------

(Jasmine)

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ang mga sinabi niya sa akin.

Flash Back

"Alam ba ni violet ang tungkol sa banda?" 

"Hindi, hindi ko sinasabi sa kanya nakasali ako sa banda noon. Ang ala lang niya kung bakit nag kaganito ako dahil sa desperada na ako na gumaling si mama eh kumakanta ako kung saan saan para lang makakita ng pera kaya dahil nga sa desperada ako eh nawalan ako ng malay at pagkagising ko nalang wala na akong boses at wala na din ang mama ko" Masakit man pero kailangan kong sabihin sa kanya.

Hindi naman kasi yun talaga ang nangyari, kung sana ganan nalang ginawa ko edi walang madadamay.

"Why don't you tell her about that?" napatingin ako sa kanya at napaisip...bakit nga ba?

"Dahil takot akong mawalan ulit ng kaibigan. Kung malalaman niya ang tungkol sa ginawa ko matatakot na siya sa akin kaya mas magandang itago ko nalang sa kanya" Sagot ko sa tanong niya.

"Sa tingin mo ba tama yang ginagawa mo? Kaibigan mo siya kaya dapat malaman niya yun pati ang mag kaibigan nag kakaintindihan isa pa diba sabi mo kanina duon kana nakatira sa kanila, kaya dapat alam niya" Hindi ako tumitingin sa kanya dahil mas naalala ko ang katangahan na ginawa ko noon sa kanya.

"Okay lang yun...Siguro"

"May dahilan naman siguro yung tao kung bakit siya umalis at hindi nagpaalam sayo. Alam mo marami ka pang makikilala na kaibigan diyan. Malalaman mo naman ang isang tao kung kaibigan ba talaga ang turing sayo kung hindi ka niya iiwanan kahit man may nagawa ka bang kasalanan"

"Tandaan mo hindi lahat ng mangiiwanan ay ayaw sayo kung hindi may dahilan sila" Ha? Mas nalilito ako sa sinasabi niya. Ano daw masasabi mo na kaibigan mo yung tao kung hindi ka iiwanan kahit ano man ang nagawa kasalanan? pero iniwanan ako ni oliver ah? tas sasabihin niya may dahilan siya?

"Nako nako, nalilito ka no? Hahahahaha may mong masyadong isipin yung sinabi ko dahil alam mo naman sa sarili mo yung sagot diba ayaw mo lang tanggapin" Nakangiting sabi niya sa akin. Bigla nalang siyang tumayo at ginulo ang aking buhok.

"Pagisipan mo yung sinabi ko sayo kanina" Sabi niya sa akin at saka siya umalis. Ha? Ang alin? Tungkol ba duon sa vocalist?

Okay lang ba siya? eh hindi nga ako makapagsalita ah tas gusto niya na maging vocalista ako ng banda niya, baliw na siguro yun.

pero...

End of Flashback 

Tinignan ko kung may tao ba sa paligid ng wala naman ay napa buntong hinanga nalang ulit ako. Ganito oras masarap...ilabas ang problema.

----------

(Luis)

"Sasabay ka ba?" Tanong ko kay zian.

"A-ay hindi may pupuntahan pa kasi ako. Sige uuna na ako" Mag sasalita pa sana ako pero nakaalis na siya. Saan nanaman kaya yun pupunta. 

Nakita ko si lany na palabas na ng school bago pa mahuli ang lahat at hindi nanaman ako makatulog ay tinawagan ko siya, napahinto naman siya at lumingon sa akin kaya lumapit kaagad ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Itatanong ko lang kung may balita ka ba kay jasmine?" Nakakahiyang mag tanong sa kanya pero wala akong magagawa eh siya lang naman yung pinakang close ni jasmine sa class room.

Tumingin muna siya sa akin yung tingin na ewan at saka siya umimik.

"Wala eh, sabi ni violet may sakit daw. sige na may gagawin pa kasi ako. Ge bye" Sabi niya sa akin kaya nag pasalamat ako sa kanya at saka siya umalis.

hay... ano kayang nangyayari sa kanya. Totoo kaya yun?

Hindi na kasi ako naniniwala sa sinasabi nila hindi naman sila nag sasabi ng totoo, bakit nga ba ako nag sasayang ng oras. Ano ba yan luis!

>>To be Continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top