Chapter 21

So nakilala ko ang lahat ng magiging katrabaho ko dito. Lahat naman sila mababait.

At napag alaman ko na tuwing 6 pa pala sila talaga nag uumpisa, pero 5 ay nag papasok na sila ng customer.

Yung ninang naman ni vio. Okay lang para sa akin yung ugali niya napagalaman ko kay nick na 32 palang pala ang ninang ni vio at Elza pala pangalan niya. Bagay sa kanya.

Pinagsuot pala niya ako ng black mask sa ganon daw alam ng mga customer na bawal ako mag salita. Nag taka nga ako papaano malalaman yun ang sabi nila matik na daw yun sa utak ng mga customer kaya hindi ko na daw kailangan mag alala.

Marami nang mga bandang dumadating

Naeexcited tuloy ako. Gusto ko na sila mag umpisa. Kinikilabutan na ako.

Habang abala ako sa paglilinis ng mga table, ay may kumulbit sa akin. Napatingin ako sa kanya.

Anong kaya kailangan niya?

"Ahm excuse me, jasmine right?" Tanong niya sa akin. Isang matangkad na lalaki na mukhang vocalista?

Tumango ako sa kanya. So dahil girls scout ako inalabas ko kaagad ang aking papel at ballpen.

"Ano po yun? May kailangan po ba kayo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nagulat at napangiti nalang siya sa akin. Hala! Anong problema niya?

"Sumunod ka sa akin" sabi niya at saka siya umalis. Wow ha hindi manlang hinintay yung sagot ko kung gusto ko ba pero sinundan ko lang siya.

Lumabas kami ng bar at dinala niya ako sa isang iskinita. Hala?! A-anong gagawin ko? Anong gusto niya sa akin? Ba-bakit ba ayaw tumigil ng mga paa ko na sundan siya.

Tumigil na siya kaya tumigil din ang paa ko. Lumingon siya sa akin at ngumiti nanaman.

"Wagkang mag alala may gusto lang makita ka" sabi niya sa akin at saka may nagpakita sa kanyang likod na isang lalaki.

"Long time no see" nakangiting sabi niya sa akin kaya nagulat ako.

Ba-bakit nandito siya?

"I-ikito?" Gulat na sabi ko sa kanya pero wala paring boses na lumalabas.

Sh*t saka ko lang napansin na hindi ko pala naisuot yung mask ko dahil uminom nga pala ako ng tubig. Bakit ko nakalimutan isuot?! Wahhhhh!!!

Hindi naman ako nananaginip diba? Kaya lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mukha para siguraduhin na totoo nga siya. Kaya ng ma confirm ko ay niyapos ko kaagad siya. Na miss ko siya. Ilang taon na din.

"Hey Jacky! Stop that i can not breath" Pagrereklamo niya sa akin kaya bumitaw na ako sa pagkakayapos ko sa kanya.

 "Sorry" sabi ko sa kanya. pero syempre sinulat ko na ngayon sa papel.

"Kailan kapa naka uwi pati paano mo nalaman na nandito ako?" Excited na tanong ko sa kanya.

"You can not still speak?" Tanong niya ako.

"Hindi nag ka problema lang kaya nawalan ako ng boses hehehehehehe saglit nga lang english ka ng english parang hindi ka taga dito ah" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Ahm sorry about that, hayss... nakalimutan ko na ba? Hindi ako taga dito jacky i'm from japan" Ay! bakit ko nga ba yun nakalimutan hehehehehhe.

"Sorry na, ano bang ginagawa ng isang magaling na leader dito?" hehehehehe pangaasar ko sa kanya kaya itinaas niya ang isa niyang kilay.

"Hindi ka parin nag babago. Pero ang laki mo na ah! May kailangang gawin mga parents namin dito kaya isinama na nila kami, but one month lang kami dito kaya babalik na kami sa japan kung saan talaga kami nakatira" Pagpapaliwanag niya sa akin. Kahit naman siya ang laki na ng pinag bago niya.

"Tumutugtog ka parin ba?" Tanong ko sa kanya. Kaya ngumiti siya sa akin.

"I'm still working" Nakangiting sabi niya sa akin. Kasalanan ko... Dahil sa akin... Bakit si-

"Hey don't be sad okay, nandito kami para mag perform i didn't expected na makikita kita" he's strong pero sa likod ng mga ngiti niya ay isang ikito na nag hihirap dahil sa akin. Kung hindi ko sana siya pinilit hindi masisira ang banda.

"Kuya, mag stastart na" Parehas kaming napatingin duon sa nag salita. Ah! siya yung lalaking lumapit sa akin ah.... EH?! KUYA?

Napatingin ako ka ikito dahil sa gulat. May kapatid siya?

"I explain later" Mukhang nabasa niya ang nasa utak ko, at saka niya ako iniwanan. Kaya bumalik na ako sa loob.

Buti nalang hindi napansin ng niang ni vio ang pagkawala ko kanina. 

Ilang oras ang lumipas ng mapatingin ako sa stage para tignan kung sinong nag perperform, EH! Ikito? Saglit nga lang parang kilala ko vicalista nila ah! Sabi na siya yung lalaking lumapit sa akin kanina na sabi ko mukhang vocalista at vocalista nga siya at siya yung kapatid ata ni ikito?

Ang galing niya ah, mukhang papaano okay na si ikito.

Naalala ko tuloy ang nakaraan ko at si mama. Paano ko ba nakakayanan na makapasok sa ganitong lugar kung ang lahat lahat naman ay kasalanan ko?

Paano nga ba? Siguro salamat nalang kay ethan, dahil sa kanya nakayanan ko ulit tumungtong sa ganitong lugar.

At alalahanin kung ano ako noon.

-----------------

Dahil mabait ang boss ko hehehhe yup yun na ang tawag ko sa ninang ni vio.

Boss

Hehhehehhe

Okay back to what i'm saying. Dahil nga sa mabait siya at kilala pala niya si ikito ay ibinigay nalang niya sa akin yung natitira kong oras dito para makausap ko si ikito.

"Why you're wearing a mask?" Tanong niya sa akin. Grabe naman siya kakaupo ko lang ha nag tanong kaagad siya tas english pa.

Hindi kasi ako sa kanya na ganon kung mag salita.

Diba japan yun eh bakit panay english siya ng english. Anla jas ano gusto mo may japan language siya diyan edi mas lalong hindi mo naintindihan.

Tinanggal ko na ang mask ko mukhang na bobother siya hehehehhehe hindi lang siguro sanay.

"So whats up? Anong nang nangyari sayo?" Buti naman at nag tagalog na siya. Tinignan ko lang siya ng seryoso at saka lang pumasok sa utak ko kaya isinulat ko na kaagad sa papel..

"Saglit nga lang sino ba yung lalaki kanina? Yung tumawag sayong kuya? Kapatid mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Sabi niya kasi kanina ipapaliwanag niya sa akin eh baka nakalimutan na niya kaya ipinapaalala ko lang sa kanya.

"Oh.... He's my little brother" eh???? Kapatid nga niya. Ba-bakit hindi niya kamukha?

"Weh? D nga?" Hahhahahaha parang walang tiwala sa kanya. Tinignan naman niya ako ng masama at saka niya tinawagan yung kapatid niya na hindi gaano kalayo sa amin.

"Ano yun?"

"He's name is ikuto, ikuto meet jacky my old friend" pagpapakilala niya kaya nag hi naman ako sa kapatid niya. Bakit parang iba na yung mood niya kanina ang saya niya tas ngayon parang ano....boring na siya o wala nang gana.

Tignan mo hindi maalam mag hi at bigla nalang umalis. Tsk! Suplado, bakit hindi manlang nag mana yung ugali niya kay ikito. Tsk! Tsk! Tsk!

"Pagpasyensahan mo na yun. Ganon talaga yun pag natatapos na mag perform ang banda namin mamaya lang at babalik na yun sa kanyang orehinal na ugali" wow..... miss ko na ang pagtatagalog niya.

"Hindi ko naikwekwento sayo dati dahil hindi naman ganon kahalaga malaman mo kung may kapatid ba ako pati nasa japan siya noon. Tas noong kinuha na nila ako ay siya naman ang pinadala dito. Sa ganon daw ay maalam manlang siyang mag tagalog at umasta ng maayos. Pasaway kasi yan dati, pero ngayon kahit papaano nag bago na siya" Bakit ganon masaya niyang ikinukwento ang nakaraan niya kahit na magkalayo sila.

Kita sa mukha niya ang pagaalala at kasiyahan.

Bigla naman siya tumingin sa akin at tinanong "ikaw ba kamusta ka na ba noong nawala ako?" Kamusta nga ba ako noon?

》To be Continue....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top