Chapter 20

"Hey Mia!" Bati noong lalaki kay violet. Sino siya?

Ngumiti lang si violet sa lalaki at saka niya ako hinigit palabas narinig ko na binanggit noong lalaki yung pangalan ni violet pero hindi siya tumigil. Anong problema niya?

ilang beses ko siya tinanong kung sino yung lalaki kanina sa bar. Pero ayaw niya akong sagutin kaya hindi ko nalang siya kinulit at iniba ko nalang yung tanong.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bar yung papasukan ko? Nako ka vio baka makulong ako ng d oras dahil sayo" naiinis na sabi ko sa kanya kaya napataas naman siya ng kilay. Nakauwi na pala kami, at nagluluto siya ngayon ng pagkain namin. Siya kasi naka assign ngayon.

"Ha? Nagpapatawa ka? Hindi yung bar na kung anong kalaswaan ang nasa utak mo no. Ang bar na yun eh panay mga banda ang nag peperform hindi mga babae o lalaki no hahahhahaha jasmine naman ano ba yang nasa utak mo. Ano tingin mo sa akin masamang kaibigan na ipapasok ka sa ganong bagay ha?" Natatawang sabi niya sa akin.

Aba malay ko ba, Eh ang alam ko kasi sa bar na ganon ang laman no.

"Muwang ko ba. Sorry hahahahah anyways baka naman gusto mo nang sabihin sa akin kung sino yung lalaki kanina" Baka kasi makalusot diba. Hahahahah

Tinignan lang niya ako ng masama at saka siya nag saita.

"Kababata ko lang siya" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko inakala na may kababata pala siya noon. wala kasi siyang kinukwento na may kababata pala siya.

"Weh? Di nga? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nagtatakag tanong ko sa kanya.

"Bakit pa ba kailangan mong malaman ha?" Nakangising tanong niya sa akin.

"Wala lang. Eh kung kababata mo siya bakit ganon nalang inasta mo kanian. May naamoy talaga ako sa inyong dalawa eh" Pagdududa ko. Parang hindi lang yun eh, parang may tinatago siya sa akin na kailangan kong malaman.

"Ah... Magkaaway kasi kami noon eh may tampo pa rin ako sa kanya hanggang ngayon" Ah bakit pala. Neh! hindi ko na itatanong kung anong pinag awayan nila no masyado na yun private.

Tapos na siyang mag luto kaya inayos ko na ang mga pinggan namin.

"Oo nga pala ma tanong ko okay ka lang ba sa schedule mo tuwing suterday? Hindi ba masyadong gabi na yun?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Kaya kinuha ko kaagad yung papel para sumagot sa kanya.

"Okay lang isang araw lang naman yun. Pati wala namang pasok sa susunod na araw ah" Sagot ko sa kanya.

----------------------

(Ethan)

Natuloy ang pagpeperform namin kanina sa stage pero wala si jasmine. Kahit anong hanap ko sa kanya kanina parang tinataguan niya ako na hindi ko alam. Ang weird nga eh, eh yun pa sana sasabihin ko sa kanya.

Papunta ako ngayon sa bahay n i hannah, nandito na nga ako sa tapat ng bahay niya. Sakto naman ang paglabas ng katulong nila.

"Ahm, may kailangan po ba kayo?....Ah! naalala ko na po sir ethan tama po ba?" Tanong niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Nandiyan ba si hannah?" tanong ko sa kanya kaya pinapasok na niya ako sa loob, dahil naintidan niya kaagad na si hannah ang kailangan ko. Paano niya ako nakilala? lagi naman kasi ako pumupunta dito sa bahay ni hannah at alam naman ng mgamagulang niya na kami pero sa school walang nakakaalam na kami except sa mga kabanda namin.

pero ngayon ex ko nalang siya, hindi ko nga alam kung ano sasabihin ng mga magulang ni hannah kaya bago pa makaalis yng yaya ni hannah ay tinanong kung nandiyan ba ang magulang niya. Kaya sabi naman niya ay wala daw.

Buti naman, hindi pa kasi ako handang harapin ang mga magulang niya at pag usapan ang nangyari sa amin.

Nagulat nalang ako sa nakita ko. Pababa na sila ng hagdanan at saka lang sila nagulat ng makita nila ako.

"Ethan, Ma-mali ang pagka intindi mo" Agad na sabi ni hannah sa akin.

"Anong mali duon? Hindi ako tanga. Nandito lang naman ako para sabihin sayo na sorry sa mga sinabi ko kahapon" Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko at tumingin muna ako kay jed na hindi makatingin sa akin. Alam ko naman na gusto niya si hannah, pero mali parin tong ginawa niya.

"Edi-" Pinutol ko na ang sasabihin niya ang akala niya siguro na babalik kami.

"Pero hindi parin mag babago na break na tayo. Mukhang okay ka na din kay jed. Jed ingatan mo tong si hannah" Huling sabi ko sa kanila at saka ako umalis. Pinigilan pa ako ni hannah pero mas malakas ako sa kanya para pigilan niya ako.

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nagalit sa kanila. Oo nagulat ako, dahil hindi ko iyon inasahan.

Pero sabi ko nga kanina na alam kong may gusto si jed kay hannah. Pero masyadong manhid ni hannah para hindi niya yun makita at siguro kinuha na ni jed ang pagkakataon na magkaaway kami para magkaigi sila.

Pero hindi niya siguro alam na break na kami. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila yung tungkol duon. Siguro alam na niya kasi kaharap na niya si hannah at siguro sinabi na ni hannah yun sa kanya.

Anyways i want to say to jasmine na nakausap ko na si hannah. At gumaan nga pakiramdam ko.

Maybe sa monday kakausapin ko siya.

-----------

(Jasmine)

Ang aga ko ata ah?

Nandito na kasi ako sa tapat ng bar ng ninang ni violet at parang sarado pa ata.

Kahit anong bukas ko sa pintuan ayaw mag bukas. Eh 4:30pm na kaya dapat bukas na ito, pati hindi naman sila nag bubukas tuwing gabi lang kasi pagkakaalam ko bukas may trabaho ako pero umaga yun.

Siguro...ano kayang madahilan hahhahahha ano ba yan nag dadahilan pa ako ay hahhahahaha okay ang weird ko na.

Napalingon ako dahil may biglang nag salita. Ah! Siya yung kababata ni vio.

"If i'm right ikaw yung babaeng kasama ni mia kagahapon? Tama ba ako?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako sa kanya.

"Ako nga pala si Nick and you are?" Tanong niya sa akin kaya agad kong sinulat sa papel ang pangalan ko at saka ko ipinakita sa kanya.

"Ah.... Oo nga pala muntikan ko nang makalimutan. Ikaw pala yung babaeng tinutukoy ni tita? Na may problema sa boses? Ayun kasi sabi sa amin. Itama mo ha kung mali man yung pagkakapaliwanag sa amin ni tita" umiling lang ako sa kanya.

"Oo nga pala bat sarado pa?" Tanong ko sa kanya.

"Nako! Kanina ka pa ba nag hihintay? Ako kasi magbubukas. Sorry ha" sabi niya sa akin kaya sinabi ko sa kanya na okay lang. Agad naman niyang binuksan.

》To be Continue....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top