Chapter 2

5 months later

(Jasmine)

Kanina ko pa napapansin ang pabalikbalik ni oliver dito sa class room ko. May problema ba siya.

At ng bumalik ulit siya dito ay tinawag ko na siya dahil naiinis na ako.

"Ano bang problema mo ha! Bat ba ayaw mo pang bumalik sa class room mo?" Tanong ko sa kanya.

Last month lang siya bumalik sa totoong class room niya. Pinalipat na kasi siya noong tunay niyang adviser.

"Ano kasi......jasmine" Ano kaya yun?

Ang akala ko pa naman makakatulog na ako dahil tahimik na dito class room walang tao pero yan si oliver at nanggugulo.

"Jasmine, i like you" ha? Ano daw.... parang nabingi ako ah.

Napatayo ako dahil sa sinabi niya.

"Ano?!" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Gusto kita, jasmine matagal na. Ba-bakit ako lumipat ng school dahil gusto kitang makita" Nangilabot nalang ako dahil sa sinabi niya.

Ano kasi.... hindi ako sanay na may umaamin saakin na ganang bagay. Tas kaybigan ko pa talaga ha! Bestfriend ko.

"Ah eh.... Oliver, alam mo ba yang sinasabi mo" nagtatakang sabi ko sa kanya.

"Oo jasmine. Bakit ayaw mo bang maniwala sa akin?" ngayon ko lang siyang nakita na ganan kung magsalita.

"Ano kasi....paano ba ito... Kaybigan lang kasi ang turing ko sayo kaya sorry talaga" sabi ko sa kanya. Sinabi ko lang naman yung totoo eh.

Napatungo nalang siya. Lalapit na sana ako sa kanya pero bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti ng napakapait.

So-sorry talaga oliver.....

Saglit na katahimikan.

"Jasmine!" Biglang umingay ang paligid dahil sa sigaw ng isa kong kaklase. Na agad pumasok sa loob at nag hi kay oliver ng lumagpas siya dito at bigla nalang akong hinigit palabas.

"YUNG CRUSH MO!!!! JASSSSS KUMAKANTA!" Sigaw niya sa akin. Bago tuluyan kaming makalabas ng class room ay lumingon ako sa kanya para tignan ko siya.

Umiiyak ba siya?

Hi-hindi ko naman sinasadya...

Hi-hindi ko naman alam...

--------

(Oliver)

Alam ko naman ang magiging sagot mo, pero sinubukan ko parin. Ayoko kasing iwanan ka na hindi mo alam yung nararamdaman ko. Angmahalaga ay nalaman mo na.

Masakit pero okay lang, makakalimutan din naman kita eh.

Alam ko din may crush ka pero sinubukan ko parin. Umasa na baka sakaling may pagasa ako.

Habang bumababa ako ay nakita kitang nakatingin sa taong nasa stage siya yung taong gusto mo diba?

Matagal ko nang alam dahil lagi ko nalang naririnig ang pangalan niya sa iyong bibig.

Hanggang dito nga sinundan mo parin siya. Kaya bakit pa nga ako umasa. Napangisi nalang ako.

Ano kayang nagustuhan niya sa taong iyon na wala sa akin?

--------

2 year's later

(Jasmine)

"Uy jas! Tulala ka nanaman" Napatingin nalang ako sa kanya.

"Bakit ba violet?!" Nagtatalang tanong ko sa kanya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Gabi na ah" sabi niya sa akin.

"Dito nalang ulit ako matutulog" sabi ko sa kanya.

"Bakit nanaman?" Tanong niya sa akin.

"Alam mo naman diba. Magtatanong ka pa" sabi ko sa kanya. At saka ko pinikit ang aking mata.

"Namiss mo na ba kaibigan mo?" Tanong niya sa akin. Naramdaman ko na humiga siya sa tabi ko.

"Oo naman, kahit umamin siya kaybigan ko parin siya. Hindi magbabago yung katotohanan na bestfriend ko siya at mamimiss ko siya" sabi ko sa kanya, alam niya ang tungkol kay oliver na umamin sa akin. Ikinuwento ko kasi sa kanya.

"Hay...... Jasmine, alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi niya. Hindi ko parin alam kung nasaan na ba siya ngayon. Pamula kasi ng umamin siya sa akin ay hindi na siya pumasok o nag pakita manlang sa akin.

Siguro galit na galit siya sa akin dahil sa pag reject ko sa kanya noon. Pero matalino siya para bagla nalang umalis dahil lang duon diba?

Bakit nga ba hindi kana nag pakita pa?

Kung kaybigan mo talaga ako mag sasabi ka sa akin kung saan ka pupunta. Ah oo nga pala noong una palang hindi ka na maalam mag paalam sa akin o mag sabi manlang kung saan ka pupunta kahit kaybigan mo ako.

Pero ang lagi mong pangako sa akin ay babalik ka... Kaya aasa ako na babalik ka.

---------

Noong bata kami....

"Ano pinagalitan ka nanaman ng tatay mo?" Tanong ko sa kanya.

"Lagi ka nalang naiyak eh. Siguro bakla ka no" pagjojoke ko sa kanya. Ayoko kasing makita siyang malungkot. Paminsan minsan ko na ngalang siya nakikita.

"Alam mo ba walang magagawa yang pagiyak mo. Hindi niyan kayang baguhin kung ano mang kasalanan ang nagawa mo kaya tumahan kana. Bili na!" Pagpupumilit ko sa kanya.

"Alam mo....nakita kita noong isang araw. Pinalabas ka ng nanay mo gabing gabi na noon pero hindi manlang kita nakitang umiyak. Hindi kaba maalam umiyak?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Kaylan yun? Hindi ko na kasi inaalala pa yung nakaraan.

"Hindi ko na tanda hehheheheh alam mo kasi hindi ko kasi alam ang salitang iyak" sabi ko sa kanya.

"Ha? May ganon bang tao? Alam mo ba ang tingin ko nga sa mga babae na katulad mo iyakin din. Yun pala mali ako" pagkwekwento niya sa akin.

"Nagmumukha pa pala akong babae hahahhaha" natatawang sabi niya sa akin.

"Tignan mo nakangiti kana" sabi ko sa kanya.

"Sana maging magkaybigan parin tayo ha, kahit anong mangyari"

Pangako natin yan, sana hindi mo parin makalimutan.

-----

(Luis)

"Master we have arived in the philippines" sabi sa akin ng aking bodyguard.

------

(Jasmine)

"Uy jas! Gising malalate na tayo!" Sigaw sa akin ni violet kaya napabangon kaagad ako. Pambihira na! Bawal akong malate napagalitan na ako ni miss noong isang araw nako patay ako nito.

Nagmadali na akong kumilos.

"Vio naman bat hindi mo ako ginising kaaagad" natatarantang sabi ko sa kanya.

Ilang oras nalang.

"Aba kanina pa kita inuuga diyan ayaw mo parin magising" sabi niya sa akin.

Hay nako!

"Vio uuna na ako ha!" Sigaw ko sa kanya at saka ako kumaripas ng takbo.

Sisigaw na sana siya pero hindi ko na pinakinggan pa. Hindi ko naman kasi siya kaklase at si lany ang kaklase ko. Yup siya nanaman.

Napatigil ako sa pagtakbo ko ng may tumigil na sasakyan sa unahan ko. Ang akala ko mababangga na ako. Tanga ba yung driver.

Nako wala akong oras na makipag away. Lalagpasan ko na sana ng biglang bumaba yung bintana noong backseat.

Napataas nalang ang kilay ko ng makita ko kung sino siya.

》To be Continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top