Chapter 19
"Anong pinag susulat mo? Bat ayaw mo mag salita nalang ha?" Tanong sa akin ni miss ng mabasa niya yung sinulat ko kaya nag sulat ulit ako sa papel.
"Hindi po ako pwedeng mag salita dahil masakit po ang lalamunan ko po" Pagpapaliwanag ko. Napataas nalang siya ng kilay.
"Hay! Ms Galang what happen to you, dati sige ka lang ng sige pag may ipanapagawa akong story sayo para ipanlaban pero ngayon anong nangyari? Ilang taon ka na ba tumigil? Kaya yan wala tayong panlaban sa wattyaward" Ibinalik nanaman niya ang nakaraan.
Bakit ba kasi pinagpipilitan niya sa akin ang isang bagay na itinigil ko na ng napakahabang panahon.
"Sorry talaga miss. Hindi ko na hilig ang magsulat kaya kung okay lang po palitan nalang po ninyo ang parusa sa akin" Sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin papel ng ilang minuto at saka siya nag salita.
"I'm sorry Ms. Galang hindi ko pwepwedeng palitan pero bibigyan kita ng 2 month's para gawin ang story. If hindi mo ginawa kailangan kitang ibagsak sa isang mong subject" Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya iimik na sana ako pero wala nanamang lumabas na boses kaya nag sulat nalang ako.
"PERO MISS HINDI YUN MAARI ANG UNFAIR NAMAN NOON PARA SA AKIN AKO LANG ANG ESTUDYANTE NA PAPARUSAHAN MO NG GANON. MISS NAMAN TANGGAPIN NA NINYO NA HINDI NA AKO BABALIK DIYAN SA PAGSUSULAT. MATAGAL KO NA PO KASI YAN KINALIMUTAN" Halatang halata sa sulat ko na galit na ako pati sa expresion ng mukha ko ngayon.
Napailing nalang si miss sa akin.
"That's my decision. So get out of my office now miss galang!" Sigaw niya sa akin.
Anong gagawin ko ngayon? Hindi parin ako lumalabas at nag babakasakali na mag iba ang kanyang isip.
Siguro nga kailangan ko na ulit harapin ang pagsusulat. Malungkot akong lumabas ng office niya.
Pero hindi pa ako handa.
Bigla namang sumalubong sa akin si violet.
"Oy! Ano ba game kaba duon sa sinabi ko sayo kagahapon? Yung trabaho na sinasabi ko sayo? Ano tayo na? Awas nanaman tayo pati dala ko na yung bag mo" Nakangiting sabi niya sa akin kaya tumango nalang ako sa kanya. Hindi kami natuloy kahapon dahil sa nangyari sa akin. Kaya ang sabi niya kahapon ay ngayon na lang daw niya ako sasamahan.
"Anong problema mo?" Nabasag ang katahimikan ng bigla siyang magtanong sa akin habang naglalakad kami.
"Wala to"
"Hay... yan ka nanaman. Oo nga pala ilang araw ba bago ka makapag salita ulit?" Tanong niya sa akin.
"One month" Nakangiti ako sa kanya habang hawak hawak yung notebook. Napanganga naman siya sa akin.
"Ha? Seryoso ka ba? Ang tagal noon. Ang tagal! Sa tingin mo hindi nila malalaman yan kalagayan mo ha. ANO KA BA HA TANGA KA BA?" Makasigaw naman siya ang lala. Halos pinagtitinginan ng mga tao, dahil sa kanya.
Wala naman akong malubhang sakit ang oa naman niya, edi kung malalaman nila edi gumawa nalang ng dahilan. Ang dali lang naman mag sinungaling sa kanila.
Buti nga isang buwan dati umabot nga ng isang taon. Oo isang taon akong walang boses kaya pina home study ako ni papa, buti nga pumayag ako sa kanya.
Hindi ko pinapaalam kay violet ang tungkol duon ang alam lang kasi na bawal akong kumata dahil nawawalan ako ng boses and yung tungkol sa pagsusulat ko. Ayokong malaman niya kung ilang buwan ako nag tiis.
"Ay ewan ko sayo jasmine. Mababaliw ako ay" Sobrang oa na talaga niya.
"Bakit may sinabi ba ako sayong mabaliw ka diba wala. Kaya itigil mo na yan at baka mag sarado pa yung pupuntahan natin. Dali na" Napataas na lang siya ng kilay dahil sa nabasa niya.
"Hay ewan ko sayo nagaalala lang ako bilang kaibigan mo. Tayo na nga lang" Kahit galit siya sa akin alam ko na nakangiti parin siya kahit hindi niya pinapakita sa akin.
-------------
Nakarating na kami kung ano man ito. Panay dark ang kulay kahit yung design noong labas dark. Ano ba to shop for dark color's? hahahahha.
"Hi ninang!" Biglang bati ni violet sa isang magandang babae na parang kasing idad lang namin pero saglit bakit n inang? Ang tawag ni violet sa kanya ang ibig sabihin ba ay matanda siya EH? Seryoso matanda siya weh?! Hindi nga.
"Hey Mia What's up" May pag ka jeje pala ang ninang niya. Oo nga pala first name ni violet ay ma kaya hindi na ako nag taka na yun ang itinawag niya kay violet.
"So siya na ba tinutukoy mo?" tanong niya at itinuro ako. Siguro nakapag usap na sila tungkol sa trabaho.
"Pero nagkaproblema eh, Nawalan kasi siya ng boses kaya hindi siya makakapagsalita" Pagpapaliwanag niya sa ninang niya.
"Ah okay lang. Hindi naman kailangan ng pagsasalita sa trabaho niya" Mukhang mataray siya ah, Wala lang mukha kasi eh.
"Ano bang gagawin niya?" Tanong ni violet para sa alin.
"Her job is to clean this dark bar all around. May problema ba duon?" Biglang tanong niya sa akin kaya umiling ako sa kanya. Ako na nga yung bibigyan ng trabaho tas ako pa yung tatanggi. Nakakahiya kaya, baka nga sabihin niya na pabigat pa ako sa inaanak niya.
"Good, so monday to friday 4 to 5pm then saturday 5 to 12pm sunday 9 to 10 am. oh before i forget pwede ka naman mag serve sa mga customer. Sasabihin ko na din sa iba ang kundisyon mo, anyways kailan ka na pwede mag start?" So nag loading pa lang yung sinabi niya sa akin. Hindi ako makapaniwala ma 5 to 12 pm ako dito.
bar pala to bat hindi ko napansin? Anong klaseng barto? eto ba yung may sumasayaw? Hala ano ba tong pinasok ko si violet talaga.
Nagsulat ako sa papel para sumagot sa tanong niya habang kausap iya si violet.
"Bukas? Pwede po ba?" Ng tumingin siya sa akin ay saka siya ngumiti at tumango.
wala nang atrasan to, buti nga hindi ako yung sasayaw diba. At buti nalang ang awas namin lagi ay 3pm kaya may isang oras pa. Hindi naman pati malayo yung school ko dito pai yung bahay ni violet.
"Sige ninang aalis na po kami. Maraming salamat" Sabi niya kaya nag pasalamat din ako sa kanya at ngumiti nanaman siya sa akin.
Lalabas na sana kami ng biglang may pumasok at bumati kay violet.
>> To be Continue......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top