Chapter 18
Pagpasok namin ni violet sa school ay mga bulungan nalang ng mga estudyante ang aming naririnig ni si ganito sino ba yung kumanta kahapon, ni ang ganda. Yung totoo? wala ba silang clue kung sino yun?
Hay bahala sila.
Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko si ethan kaya nagtago ako sa likod ni violet.
"Uy! Anong problema mo ha?" Pagrereklamo niya sa akin.
Kaya itinuro ko sa kanya si ethan.
Tiniaasan lang niya ako ng kilay at sinabing.
"Bakit ka kasi nag sinungaling sa kanya, edi bahala ka diyan" Eto talaga si vio parang hindi kaibigan eh. SInabi ko kasi sa kanya ang pinag usapan namin ni ethan kahapon, kinulit kasi niya ako ng kinulit kaya yun sinabi ko sa kanya.
nag umpisa a siyang maglakad pero pinigilan ko siya at nag puppy eyes ako, maawa ka naman sa akin.
Tinignan lang niya ako ng masama at saka niya ako hinigit sa kanyang gilid. Malalagpasan na sana namin si ethan ng biglang may umepal.
"JASMINE!" Si lany, dahil sa sigaw niya ay napahinto si ethan. Wow ang galing lang. Anong gagawin ko ngayon.
"Uy Jas" BAti sa akin ni ethan. Samantalang si lany naman ay nasa kabilang gilid ko at kinukulit ako kung ako ba yung kumanta kahapon, ang ingay nga niya kaya may nakakarinig na ng ibang estudyante. Kinawayan ko lang si ethan.
Iimik pa sana siya ng hilain ko yung dalawa palayo sa kanya.
Etong lany na to pahamak talaga.
-------------
(Ethan)
Anong problema niya? Napailing nalang ako habang natatawa dahil sa ginawa ni jasmine kahit kailan ang weird niya.
Nakausap ko kahapon ang kabanda ko na babawi ako sa kanila kaya mamayang awasan ay mag perperform na kami, natuwa naman sila at nag pagdisisyunan namin na baguhin na lang kung kanta, na wala nang ka duet absent parin si hannah ngayon.
Hindi ko pa siya nakakausap kaya mamaya pupuntahan ko siya sa bahay niya, yup totoo kaya yung sinabi ko kay jasmine na kakausapin ko si hannah. Tama siya, pati ayokong may kaaway ako at may galit sa akin. Baka nga marami nang galit sa akin dahil sa ginawa ko kahapon.
------------
(Jasmine)
Hindi ako makapag reklamo kay lany kaya si violet nalang ang pinagsalita ko.
"Ang aga aga ang ingay mo problema mo ba?" Tanong niya.
"Ikaw ba yung kumanta kahapon? Ikaw yun diba?" Pangungulit niya sa akin kaya tumango nalang ako sa kanya ang kulit eh.
"Saglit nga ba, parang may kakaiba sayo" Kinabahan ako dahil sa sinabi niya kaya napakamot ako sa aking ulo at saka tumakbo papalayo sa kanila.
Alam kong magagalit si violet dahil sa pagiwan ko sa kanya.
Napalingon ulit ako para tignan ang reaction ni violet nakakamao siya sa akin at ang sama ng tingin niya, nako patay ka mamaya.
Dahil nga ang sama ko eh may nabangga ako kaya yun umpog ang naabot ko. Ang sakit ng noo ko. Tinignan ko kung sino yung nabangga ko at si luis pala.
"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo eh" Pagrereklamo niya sa akin. Umimik ako pero walang lumabas na boses kaya napahawak ako sa bunganga ko dahil sa gulat pati siya kaya nilagpasan ko nalang siya ng bigla niyang hawakan ang aking braso.
"Anong sabi mo?" Nagtatakang tanong niya sa akin kaya umiling lang ako sa kanya at saka niya ako binitawan.
----------------
So okay lang naman wala masyadong nangyayari sa loob ng class room buti na lang gumawa ng dahilan si violet para hindi ako kulitin ni lany, si luis naman tahimik at walang tinatanong sa akin. So yung ginawa ko kay violet kanina pinatawag kaagad niya ako pero kailangan ko daw siya ilibre kaya yun, nilibre ko siya kaninang lunch. Ang swerte niya at may kaibigan siya na katulad ko.
Hay... Buti naman walang nagtatanong sa akin na teacher, iisang subject nalang at uwian na, eh mukhang wala na naman yung teacher namin.
"Jasmine" Tawag ng isa naming kaklase sa pangalan ko kaya napataas ang isa kong kilay.
"Tawag ka ni miss Q sa office niya" Sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kanya. So sa ganon na intindihan ko yung sinabi niya.
Bakit naman niya ako tawag?
Pumunta nalang ako, malapit na ako sa office niya ng may maalala ako kaya napatigil ako sa paglalakad. Sh*t Ano ngayon? Friday ba? Putek! Baki ko ba nakalimutan hala ka jas.
Ano gagawin mo ngayon? Bumalik ka nalang sa class room.
Pabalik na ako ng may tumawag sa pangalan ko kaya bumilis ang tibok ng puso ko at napapikit nalang habang dahan dahan lumingon para tingnan kung sino to, Minulat ko ang aking mata para tingnan kung sino ito.
Napataas nalang ang isa kong kilay dahil sa galit. Walang hiyang luis na iyan pinakaba niya tuloy ako akala ko pa naman si miss Q. Lumapit siya sa akin na mukhang may itatanong.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba may klase pa tayo" Sabi niya, eh ikaw nga dapat tanungin ko niya eh. Ah oo nga pala naalala ko na pinatawag nga pal siya ni miss Jc kanina. Saglit nga lang anong gagawin ko? Naghihintay siya ng sagot. Ay alam ko na hahahahhaha.
Nagkunwari akong nagulat kung anong nasa likod niya kaya napalingon siya tas sabay takbo naman ako heheheheh nice one jasmine kaso may nabangga nanaman ako.
tinignan ko kung sino at si miss Q na nakataas na ang dalawa niyang kilay sa akin, PAK-TAy ka jasmine.
"Miss galang kailan pa naging playground ang school?" Tanong niya sa akin pero hindi ako umiimik ng biglang ilahad niya ang kanyang kamay na aking pinag taka.
"Miss galang nasan na yung story mo? I almost forgot. Pasalamat ka at hindi mo na yan kailangan basahin sa unahan. ang kailangan mo lang ay ipasa sa akin kaya nasan na" Hindi niya tinataasan ang boses niya pero nararamdaman ko na galit siya sa akin.
Anong gagawin ko. So sa wala na akong maisip na paraan ay nag senyas nalang ako na parang nag praypray pero sorry talaga yun tas sumenyas na wala akong gawang story.
Kaya halata sa kanyang mukha ang pagtataka dahil sa ginagawa kong kalokohan. Ano ba yan.
Anong gagawin ko ngayon.
nagsenyas nalang ako sa kanya na dyan lang siya at saka ako umalis kaya narinig ko naman ang sigaw niya sa apelyido ko.
pagkakuha ko ng papel at ballpen ay bumalik na ako kay miss pero wala na siya, baka nasa office? Kung hindi ako mag papaliwanag magagalit siya sa akin kay pumunta nalang ako sa office niya para magpaliwanag.
"Buti naman miss galang at nag pakita ka pa" Yan na kaagad ang sinabi niya sa akin ng pagkapasok ko sa office niya.
>> To be Continue...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top