Chapter 17

Dahil sa sinabi niya i mean sa sinulat niya ay nahampas ko ng mahina ang kanyang ulo kaya nagulat siya.

"ANONG PROBLEMA MO HA!" Halata sa sulat niya na galit siya.

"Alam mo kasi bakit ginawa niya iyon ay dahil mahalaga ka sa kanya. Ganon kaya wag mong sabihin na malaki yung bunganga niya no!" Pagrereklamo ko sa kanya kaya napangiti nalang siya.

"Anyways ano na? Ano ba talaga nangyari sayo? So dahil nga ba sa pag bebreak ninyo bakit ka ganon kanina?" Ang rami nanaman niyang tanong.

"Hindi naman, ako kasi yung nakipag break sa kanya nakakainis lang at nakakasawa na alam mo kasi pag may kasalanan siya sa akin tas nagaway kami dahil duon eh ako pa susuyo sa kanya ilang beses ko sinuyo edi bati na kami tas away na naman tas yan nanaman ako nanaman lagi ang sjmusuyo kahit hindi naman ako yung may kasalanan nakakainis lang na ganun parang ewan! Tas dahil duon nagkaproblema sa banda kanina" pagkukwento ko sa kanya. Pero syempre hindi ako nakatingin sa kanya nakakahiya kaya no.

Hindi ko naman talaga siya close na close. Yung tipong kaibigan, kakilala lang ganun ang tingin ko sa kanya.

"Siguro.....First love mo ba siya?" Nagulat ako dahil sa nakasulat sa papel niya. Hindi ko pwedeng itanggi kaya umoo ako sa kanya.

"Eh bakit naman pala"

"Ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Eh bakit pala ganon ka kanina eh. Nasaktan ka kasi sa ginawa mo. Alam mo sa sarili mo na mali yung ginawa mo kaya naiinis ka pero mukhang pinagpipilitan mo na okay ka lang at kasalanan na naman niya bakit kayo naghiwalay. Ganon lang yun" hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Siguro nga tama siya.

"Pero wala naman akong magagawa ayoko nang maghabol pa diba pati okay na ako na ganito lang kami" bigla siyang nag sulat at ipinakita kaagad sa akin ang kanyang sinulat. Atat masyado?

"Na anong ganito lang? Yang ganan walang imikan? Uy! Boy may banda ka at maaaring masira yun kung hindi ka makipag ayos sa kanya in the way by being friend again. Ganon!" Siguro kung ang tao lang kayang umusok yung ilong kanina pa umuusok yung ilong niya dahil siguro proud na proud siya sa sarili niya dahil sa sinasabi niya sa akin.

Nag sulat ulit siya.

"Kaya mas magandang kausapin mo siya at sabihin kung ano mong sabihin. Alam mo kasi pag hindi mo yan nilabas yang gumugulo sa sarili mo sure akong guguluhin din niya ang buhay mo" wow ha may pananakot pa si ateng.

"Hindi ko alam.... pag iisipan ko pa kung kakausapin ko siya" sabi ko sa kanya pero sa langit na ako nakatingin.

"Makakapagsalita ka na ba bukas? Anong gamot mo para diyan? Hindi mo naman sinabi kaagad kanina edi hindi sana nangyari yan sayo" 

"Oo bukas makakapagsalita na ako. Kung hindi siguro ako pumayag kanina edi sana ganon ka pa rin hanggang ngayon. Tignan mo sinabi mo sa akin yung problema mo kaya kahit papaano guminhawa na pakiramdam mo i mean hindi na mabigat diba?" Nakangiti siya sa akin. Kaya nginitian ko nalang din siya dahil sa sinulat niya.

"My i ask something" ngumiti siya at tumango sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Bakit naging crush mo ako? Nagtataka lang kasi ako. Hindi naman tayo close tas biglang naging crush mo ako. Hindi ba parang ang weird lang" Nagtatakang sabi ko sa kanya. Totoo naman sinabi ko eh, hindi naman namin kilala ang isa't isa noon kaya bakit naging crush niya ako hindi ba parang ang weird siguro na gwapuhan siya sa akin. Gwapo ba ako? hahhahahah

"Baka nasa utak mo gawa ng gwapo ka kaya naging crush kita. Oo aaminin ko gwapo ka pero... hindi naman kasi ayun ang nagustuhan ko sayo kung hindi yung pagkanta mo na inlove ako sa pagkanta mo. Alam mo ba noon hindi mo ako fan, ang totoo nga ayaw na ayawko sayo noon hindi ko alam kung bakit pero noong makita itang kumata at yung pagkanta mo na parang may kakaiba sayo parang ang saya saya mo sa ginagawa mo duon, duon ako na inlove kaya naging crush kita"  Naramdaman ko ang pagpula ng aking dalawang tenga.

Napailing nalang ako sa kanya, tumayo na ako dahil masyado nang napahaba ang pag uusap namin ganon din siya at saka niya ibinigay ang jacket ko.

"Thank you" Nakangiting sabi ko sa kanya at saka ko ginulo ang buhok niya.

"Sige babalik na ako sa kabanda ko, ikaw din pumunta ka nasa kaibigan mo baka mamaya sa akin ka pa hanapin noon. Nakaktakot pa naman yung kaibigan mo na yun" Paalis na ako ng may ihabol ako sa kanya.

"Susubukan kong kausapin siya ngayon" Nakangiting sabi ko sa kanya at saka ako umalis.

------------

(Jasmine)

"Seryoso ka ha! Papasok ka ngayon? Pero jasmine!" Ang aga aga ang ingay nanaman niya, kung pwede lang sana akong sumigaw edi nagawa ko na. 

Tinignan ko siya ng masama at saka nag sulat.

"OO KAILANGAN KO NO! NAWALAN LANG NAMAN AKO NG BOSES HINDI BUHAY" Pagrereklamo ko sa kanya. Sapakin ko na kaya siya.

"Bakit kasi pinilit mong kumanta, kung alam mong anong mangyayari sayo ha!" Mataray na sabi niya sa akin.

"Hindi ko naman pinilit ang sarili ko ginusto ko kaya!" Sagot kosa kanya.

"Kasi alam mo na maririnig ng crush mo boses mo?"

"Hoy! Hindi no dahil gusto kong malaman niya na maalam akong kumanta" Pagrereklamo ko naman sa kanya. Kung nanduon sana siya edi alam niya sana yung feeling ko no. Pinahiya kaya ako ng crush ko sa ibang kasamahan niya.

Okay hindi ako galit sa crush ko pero sumombra na kasi siya kahapon kaya yun ipinakita ko lang sa kanya na kaya kong kumanta pero in the way na ipinakita ko na kaya ko hindi sa way na galit ako sa kanya ah oo kaunti lang pero pagkatapos noon nawala na. Pati 20% pag ka crush ko siya nawala noong araw na iyon pero nadagdagan naman ng 10% yung 80% Kaya 90% na bakit? gawa noong kausapin niya ako tungkol sa nangyari sa kanya. So yeah!

"Alam ba ni lany to?" umiling ako sa kanya.

"Hay nako, bakit kasi ayaw mong sabihin sa kanya ang nangyari sayo alam mo kahapon pa niya ako kinukulit kung anong nangyari sayo"  Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at bumaba nalang ako para kumain. Ayokong sabihin sa kanya dahil...parang kakaiba siya na hindi ko alam.

Basta parang may alam talaga siya sa akin na hindi ko alam, ay! ewan ko.

>> To be Continue...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top