Chapter 16
(Ethan)
Masyado akong nadala sa sarili kong emosyon.
Nakakainis, hindi ko naman yun sinasadya.
Nasan ako ngayon? Hinahanap ko lang si jasmine gusto kong mag sorry sa kanya dahil sa ginawa ko.
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa ipinakita niyang emosyon kanina sa akin bago siya bumaba.
Hingal na hingal ako habang hinahanap siya. Takbo diyan takbo duon. Nasaan ba siya? Ang bilis naman niyang mag lakad.
Napalingon ako at yun nakita ko din siya kaso may kausap siya. Ayun nanamang kaibigan niya na may galit ata sa akin.
Nagtago muna ako sa isang nakaharang na poste baka makita nila ako eh. Saglit nga lang bakit ba ako nag tatago? Bakit takot ba ako sa kaibigan niya?
Na mukhang nag susumbong na si jasmine sa ginawa ko sa kanya. Nako patay ako nito.
Pero kailangan kong harapin ang ginawa kong problema at kailang ko solusyonan ito.
Nilapitan ko sila, pero parang may pinagaabalahan sila na mukhang hindi manlang nila ako naramdaman na nasa tabi na nila ako ng biglang natumba si jasmine.
Kaya yun nataranta na ako.
"JASMINE!" Sigaw ng kaibigan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumawag nalang ako ng biglang sinabi ng kaibigan ni jasmine na kumuha daw ako ng hindi malamig na tubig kaya ginawa ko kaagad.
Ibinigay ko sa kaibigan ni jasmine yun tubig na pinapakuha niya sa akin agad niya itong pinainom kay jasmine na may malay na.
Anong nangyari sa kanya.
"Okay na ba siya?" Nagaalalang tanong ko sa kaibigan ni jasmine pero hindi niya ako pinansin.
Nakaupo sila ngayon sa lapag. Bakit ba ayaw nilang umupo sa malapit na bench chair, nakapalda pa naman sila.
"O-okay ka na ba jasmine?" Nagaalalang tanong ng kaibigan niya sa kanya.
Napansin ko na sumenyas si jasmine na parang panulat na ewan kaya may kinuha naman yung kaibigan niya sa bag niya. Papel at ballpen, anong gagawin nila sa papel at ballpen. Ibinigay niya ito kay jasmine.
Ano naman yung sinusulat niya. Pagkatapos niyang mag sulat ay ipinakita niya ito sa kanyang kaibigan at tumingin nalang sa akin ng masama kaya napaatras naman ako.
A-anong problema?
"Umalis ka na nga!" Sigaw niya sa akin na mukhang gigil na gigil na. Ganon ba niya ayaw sa akin? Yung totoo may ginawa ba akong masama sa kanya pero hindi ko manlang naalala kung ano yun?
"Sa-saglit lang bago mo ipagtulakan na umalis pwede bang makausap si jasmine kahit saglit lang" pakikiusap ko sa kanya. Sana pagbigyan niya ako.
Parehas kaming napatingin kay jasmine na tumapik sa balikat ng kaibigan niya at tumango.
Anong sinesenyas niya sa kanyang kaibigan.
"Sure kaba?" Nagaalalang tanong noong kaibigan niya kaya tumango ulit si jasmine.
Bigla naman tumingin ng masama yjng kaibigan ni jasmine at mukhang aalis na siya pero bago siya umalis ay binigyan muna ako ng masamang tingin.
Ng kami nang dalawa ni jasmine ay kaagad akong nag sorry sa kanya.
"Sorry sa inasta ko kanina. Hindi ko talaga yun sinasadya" Paghihingi ko ng tawad sa kanya sana hindi siya galit sa akin nagulat ako ng bigla nanaman siyang mag sulat kaya nag hintay naman ako.
"Hindi okay lang yun ^^ okay ka na ba?" Yun ang nakasulat sa papel.
"Saglit lang. Ba-bakit ka ba nag susulat? Naririnig naman kita eh, pati nakakaimik ka ah" Nagtatakang sabi ko sa kanya. Pero ayan nanaman siya nag susulat nanaman siya.
"Pwede bang maghanap tayo ng pwesto na walang tao. May gusto kasi akong sabihin sayo na hindi ko pwedeng sabihin dito may mga tao kasi eh" Basa ko sa sjnulat niya kaya tumango naman ako sa kanya.
Naghanap kami ng maayos aayos na lugar na walang estudyante. Kaya umupo na kami sa lapag, buti nalang at hindi mainit.
Hinubat ko yung jacket na suot suot ko para ipatong sa kanyang hita, baka kasi may sumisilip eh hindi pa namin alam. Pati babae siya.
"Salamat" Nakasulat sa kanyang papel kaya nag walang anuman naman ako sa kanya.
"Ano bang gusto mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
Kaya nag hintay ako na matapos siya sa pagsusulat.
"Pwede bang pagsinabi ko yung dahilan kung bakit hindi ako nag sasalita ay sasabihin mo din yung dahilan kung bakit wala ka sa sarili mo kanina" akala ko pa naman ang sinulat niya eh yung gusto niyang sabihin sa akin ayun pala eh yung tungkol sa nangyari sa akjn kanina.
Nagisip muna ako kung papayag ba ako sa kundisyon niya. Sa bagay dapat nga kailangan kong sbaihin sa kanya yung dahilan kahit walang kapalit. Pero siya na nag sabi dabi kaya tatanggi pa ba ako, kaya ang sinabi ko sa kanya sige.
Hinintay ko ulit siya na matapos magsulat. Mukhang mahabahaba ata ang sinusulat niya.
Kaya tumingin muna ako sa paligid ko baka may nakatingin sa amin diba nako mahirap na.
Kinulbit na niya ako kaya binasa ko na yung sinulat niya.
"Bawal kasi akong kumanta nag kakadamage ang lalamunan ko pati na pagpinilit ko kaya heto ako ngayon walang boses"
"Pero bakit ka ba pumayag kanina kung ganon naman?" Tanong ko sa kanya.
"Ayokong tumanggi lalot ikaw pala makakaduet ko" tinignan ko siya at nakangiti siya ngayon.
"Ganan ka na talaga? Ano yan sakit mo ba?" Tanong ko sa kanya. Nalilito kasi ako eh hahahhahah pati hindi ko magawang hindi magtanong sa kanya.
Kaya hinintay ko ulit siyang matapos sa pagsusulat.
"I don't know, nakaganito lang ako last six years" Pero anong dahilan?
"Ano bang nangyari?" Tanong ko ulit sa kanya pero umiling siya sa akin.
"Ha?" Nagtatakang sabi ko sa kanya.
Kaya nagsulat nanaman siya.
"Sorry hindi ko pwedeng ipagsabi" ah... okay lang namna eh.
"So ako na? Ahm.... May sekreto din ako pero wag mong sasabihin sa iba ha?" Paguumpisa ko kaya tumango siya sa akin.
"Kami kasi ni hannah pero break na kami. Secret relationship ba" bulong ko sa kanya kaya halatang halata sa kanya ang pagkakagulat. Hindi niya yun inasahan ah.
"Weh?" Ayaw maniwala?
"Oo nga" Sabi ko sa kanya.
"Eh anong meron kung kayo?" Tanong niya sa akin.
"Wag kang magagalit sa kanya ha" sabi ko sa kanya.
"Ah.... oo fan mo lang ako at hanggang duon lang ako no hindi ko papakelaman yang buhay ko pero concern lang ako sa pagiiba ng ugali mo hanggang duon lang" Akala ko isang siya mga babaeng nagwawala pag nalaman yung idol niya meron na pala.
"W8 lang break? Kayo? Kaagad? So ayun ang pinoproblema mo?" Ang raming tanong ah.
"Hindi no, ang totoo kasi niyan nag away kami dahil sa nalaman niyang nakiusap ako kay jad na i pabukas nalang yung event tas ayun duon na nag umpisa. Kasalanan naman kasi niya eh kung hindi sana niya ako hinigit noong araw na pinapunta kita sa practice room edi sana hindi kami nag away" dahil sa sinabi ko ay agad naman siyang nag sulat sa papel.
"Hala! Edi kasalanan ko? Sorry ha! Yung bunganga kasi noong kaibigan ko eh napakalaki. Hindi ko nga alam kung bakit niya naisipan na sabihin iyon sayo"
》 To be Continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top