Chapter 14

(Jasmine)

"HELLO EVERYONE!" Sigaw ni lian, ang gitarista ng banda. at nag siakyatan pa ang tatlo member pero....bat kulang sila? Nasan si hannah? yung iisang member nila na babae na vocalista.

Naghiyawan naman ang mga estudyante na mukhang fan ni lian.

"WAHHH!!!! LIAN MY LOVES" Sigaw ng mga estudyante.

"Hi! Alam ko na excited na kayo" PAgkasabi niya yun ay isang sigaw na galing sa fan niya, Samantalang ako nakatulala habang pinagmamasdan ang ethan ko. Sana tumingin siya sa akin.

"So may good new ako sa inyo and bad news" Dahil sa sinabi niya ay nag sitahimikan na, na parang kinakabahan ganon na din ako. Ano kaya bad news nila?

"So ano muna good news or bad news?" Tanong niya kaya mas marami ang sumigaw ng bad news.

"So sige dahil maraming sumagot na bad news, sasabihin ko na. Hindi natin ngayon makakasama si hannah dahil nag karon lang po ng problema, so sa good news naman po ay nag hahanap po kami ng vocalist ngayong araw para maka duet si ETHAN!" Pag kasabi niya yun ay parang nag kagulo ang mga kababaihan.

Samantalang ako hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Kung matutuwa ba ako o ano.

"Uy jas! Bakit ayaw mong tumaas ng kamay. Malay mo ikaw yung mapili" Sabi ni lany sa akin. Pero..... Hindi ako maalam kumanta?

"Guys! Saglit muna wag po muna tayo mag wala. Dahil alam po ba ninyo ang kakantahin ngayon? dahil dapat alam ninyo para makaduet ninyo si ethan" Dagdag ni lian kaya nag sigawan anman na kung anong kanta iyon.

Ano nga bang kanta?

"The song is With a smile by eraserheads, do any one know that song?" Tanong ni lian kaya nag si tahimikan naman ang mga estudyante. Mukhang hindi nila yun alam.

"Uy JAs DIBA ALAM MO YUN!" Nagulat ako dahil bigla siyang sumigaw. Ang lapit niya sa akin ah bakit siya sumigaw. Agad kong sinarado ang kanyang bunganga dahil ang lakas ng bunganga niya oo alam ko yung kanta pero...Hala marami ang nakatingin sa akin na mukhang narinig nila yung sinabi ni lany.

Eto talagang babaeng to.

NAkatingin sa akin yung katabi kong babae sa right side at ngumiti siya sa akin ng naakalawak, what the heck is her problem. Habang hawak hawak ko si lany na nag wawala ay napailing nalang ako sa katabi kong babae.

wag please pero huli na ang lahat. Hindi ko mabitawan ang bunganga ni lany dahil siguradong sisigaw ito ng napakalakas.

"Eto lian! Eto Alam daw niya" Sigaw sigaw niya kay lian kaya yun si lian tumingin sa amin. Napapikit nalang ako dahil sa ang raming mga mata na nakatingin sa akin.

Sino ba siya? Binitawan ko na si lany dahil wala na napansin na nila ako napansin na nila kami. Ano ba to.

Tinignan ko si ethan ganon din siya nakatingin siya sa akin pero.....may kakaiba sa tingin niya.

Napatingin ako kay lany na naka thumbs up so ibig sabihin kilala niya yung babae na katabi ko what the heck maka sabwat sila.

"Oh! Mukhang alam ni miss?" Nakatingin sa akin si lian at nag hihintay sa sagot. Sasabihin ko ba ang pangalan ko.

"Miss Jasmine Galang" Pangengepal ni lany. 

"Ah......Miss Jasmine" Sabi niya sa akin, na parang napaisip pa siya bago niya banggitin ang pangalan ko.

"Can you join us in here?" Tanong niya sa akin kaya pinagtulungan ako noong dalawa, yung totoo sino ka girl? Close ba tayo? Hahahahah

Napatigil ako pero patuloy parin yung dalawa sa pagtulak sa akin. Napatigil ako dahil bumulong si ethan kay lian. Bakit parang ayaw niya sa akin?

May nagawa ba akong kasalanan. Napatingin ako sa aking paligid at saka ko lang na realized na parang nag bubulungan sila na tungkol ata sa akin? eh nakatingin sila sa akin edi ibig sabihin ako yung pinag uusapan nila diba?

Lumayo na si ethan kay lian, pero hindi na siya makatingin sa akin. Anong nangyari?

"Please samahan mo na kami ngayon dito sa stage" Sabi ulit ni lian sa akin kaya dahil sa dalawang babae na nasa likod ko na tinutulak ako ay muntikan na akong mapasubsob sa sahig buti nalang may nakasalo sa akin.

"Mag ingat ka kasi sa susunod" Inangat ko ang aking ulo para tignan kung sino, si luis pala.

"Sa-salamat"

"Pumunta ka na duon wag ka nang maarte" Pagkasabi niya noon ay umalis na siya. Ang kapal ng mukha. Pumunta nalang ako katulad ng sinabi ni luis sa akin. Walang hiya yun ah.

Sana walang nakarinig sa sinabi niya kanina, nakakainis talaga yun.

"So miss jasmine handa ka na ba? Maka duet si ethan?" Excited na sabi niya sa akin kaya napatingin ako kay ethan na sa iba nakatingin. Bakit parang kakaiba nga siya ngayon.

Saglit nga lang bakit ba parang mas excited tong lian naito kaisa sa akin ha?!

"So bago tayo guys mag umpisa. Pwede mag tanong muna tayo kay miss jasmine" Yan yung ayaw ko sa kanya eh ngiting parang baliw. Nako kung anong kalokohan siguro itatanong niya.

Kilala kasi siya sa banda na maraming dalang kalokohan, kaya diyan sa ngiting niyang yan may kalokohan na umiikot sa kanyang utak at sana hindi malalang kalokohan ang gawin niya sa akin.

Nako!

"So first question, sino ang pinakagusto mo sa limang myembro na bumubuo ng bandang ito?" Haysss buti naman yun ang itinanong niya sa akin. Syempre madali kong na sagot.

"Si ethan" sabi ko sa kanya kaya nag hiyawan naman ang ibang estudyante na mukhang fan din ni ethan? Na galit ata sa akin?

"Eh?! Ang swerte mo naman kung ganon. Pero parang hindi ka naman ata excited? Bakit kaya ganon. Ang pagkakaalam ko na kapag kaharap mo na yun idol mo hindi ka na mapakali na halos mamatay na dida? Ganon kasi ako pero parang lahat naman ganon diba. Eh ikaw miss jasmine bakit hindi ka ganon?" Yung totoo ha? Pambihira naman to o ang raming alam.

Para matapos na nga to sasaagutin ko nalang yung tanong niya.

Itinapat niya sa aking bibig ang microphone. Baka nangangalay na siya kaya kinuha ko na ito sa kanya.

>>> To be Continue......

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top