Chapter 12
(Jasmine)
"Uy! Jas kanina ka pa tulala diyan" Natauhan naman ako dahil sa sigaw ni lany na katabi ko lang. Nandito kami sa gym dahil ngayon pala mag peperform ang banda ni ethan ang akala ko nga kahapon eh.
"Hanggang ngayon ba iniisip mo parin yung sinabi ko sayo kaninang umaga? I was just joking okay. Nalaman ko lang naman yun dahil hindi ko sinasadyang marinig si violet na nag sasalita mag isa sa cr at paulit ulit na sinasabing ano bang nangyari kay jas bat bigla sumakit yung ulo nanaman niya" Pagpapaliwanag niya sa akin.
kung ganon eh papaano niya nalaman ang tungkol kay ethan yung inayos ko ba ang mga gamit ng banda niya para sa perform nila na akala ko kahapon.
"Yung tungkol naman kay ethan mo, nakita kasi kita eh. Hindi pa kasi ako umuwi noon may pinagawa sa akin ni sir. Naawa nga ako sayo dahil ikaw lang nagbubuhat eh kailangan kong tapusin kaagad yung pinapagawa sa akin" Pagpapaliwanag niya sa akin. Pero papaano niya nalaman na si ethan ang nagpapagawa noon sa akin eh ako lang naman nakakita noong iniwan ni ethan na sulat sa practice room diba?
"Paano mo naman nasabi na si ethan ang nagpapagawa noon sa akin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Ah... Noong dumaan kasi ako duon may lumipad na papel sa mukha ko. Kaya nalaman kong si ethan yun" Nakangiting sabi niya sa akin. Laya yun nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang pinaliwanag niya sa akin ng maayos.
"Si-sinabi mo ba kay violet?" Tanong ko sa kanya kaya umiling naman siya sa akin bilang tugon kaya niyapos ko siya dahil sa tuwa.
hindi dahil sa hindi niya sinabi kay violet ang tungkol sa pinagawa ni ethan sa akin, kung hindi dahil sinabi sa kanya ni ethan na hindi nila daw itutuloy yung pag perperform dahil sa nalaman niya ang kalagayan ko kahapon kaya tuwang tuwa ako ngayon.
Kanina pa nga niya yun sinabi pero hindi ko magawang matuwa dahil may gumugulo sa isip ko at iyon ay yung sinabi niya sa akin kaninang umaga.
"Uy! Jas hindi na ako makahinga" Pagrereklamo niya sa akin kaya umalis na ako sa pagkakayapos ko sa kanya. Napangiti nalang ako sa kanya ganon din siya.
Lahat kami ay napatingin dahil sa isnag sigaw nananggagaling sa gym. Wahhhhh! Maguumpisa na kakanta na ang crushhhhh ko!!!!!!!! Ayie!!!!!
--------------
(Ethan)
[Kahapon]
Dahil sa nalaman ko ang nangyari kay jasmine ay humingi ako ng favor sa mismong nagplano ng event na ito, kung pwe pwedeng ipa bukas nalang. Dahil sa malakas naman ako sa kanila ay pumayag sila.
Pero kailangan ko daw mag sorry sa mga estudyanteng na naghihintay sa event na iyon pero ipapa bukas nalang. Kaya bukas kailangan ko mag sorry.
Kung hindi sana ako sumama kay hannah edi sana walang nangyari kay jasmine. Bakit pala parang galit sa akin yung isa niyang kaibigan ay dahil pala duon.
"Totoo ba yung nabalitaan ko" Sabi sa akin ni hannah na kakapasok lang ng class room namin.
"Na ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Nakiusap ka kay jad naipabukas nalang yung event? Okay ka lang ba ha? Ilang tao ang nagpakod para lang sa event na iyon. Masisira yung banda natin dahil diyan eh maraming estudyante ang magagalit!" Pagrereklamo niya sa akin.
"Hindi naman yan mangyayari kung hindi dahil sayo!" sabi ko sa kanya.
"Wow why it's my fault now?" Naka cross arm's na tanong niya sa akin.
"Oo kasalanan mo kung hindi mo ako hinigit kahapon para samahan kita edi sana walang nangyari kay jasmine!" Sigaw ko sa kanya.
"HA? Sino naman yan ha? Nangdamay ka pa ng iba diyan sa sarili mong kasalanan. Basta pag may nangyari sa banda bahala ka sa buhay mo" Sigaw niya sa akin at saka siya lumabas.
Kahit kailan yung babaeng yun nakakainis.
---------
Ngayon ay nag prapractice kami ng kabanda ko dito sa stage, pero hindi parin kami matapos tapos. Kanina pa kasi kami paulit ulit sa part ni hannah siya kasi yung kapartner ko sa pagkanta eh kanina pa siyang walang ka gana ganang kumanta, nakakainis kasi yun. Kami todo bigay dito sa practice tas siya ano pabigat.
"Alam ninyo guys! Pagusapan ninyo muna yan ha. Kasi kami pagod na kami kaya magpapahinga muna kami okay ba" Biglang sabi ni lian sa amin kaya umalis na yung dalawa kaya tatlo nalang kami dito.
Lumapit sa akin si liam ang kakambal ni lian.
"Bro pagusapan nga ninyo yang problam ninyo. Ikaw ang lalaki kaya dapat ikaw ang sumuyo, syota mo yan hindi namin kaya ikaw lang makakapagayos niya" Bulong niya sa akin at saka siya umalis.
Kainis! Eto yung ayaw ko eh. Yung magsusuyo ng babae, kahit hindi naman ako yung may kasalanan.
Nakakasawa na din, nakakasawa na kapag magaaway kami lagi ako yng susuyo dahil daw sa lalaki ako. Ayoko, hindi ko gagawin yang gusto ninyo. Nilagpasan ko lang si hannah para kunin yung tubigan ko at saka ko siya iniwanan.
Bahala siya sa buhay niya.
-----------
(Hannah)
Ang akala ko lalapit siya sa akinpero nilagpasan lang niya ako. Bakit ganan siya sa kain?
Bakit parang nag bago na siya. Dahil sa inis ko sa ginawa niya ay sinundan ko siya at hinigit ang kanyang braso para lumingon siya sa akin.
"Ano bang problema mo ha?!" Naiinis na tanong ko sa kanya. Wala akong pakielam kung may nakatingin na ibang estudyante.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?" Yan nanaman siya.
"Bakit ka ba ganan ha!" Halos maiyak na ako dahil sa inaasta niya. Nagulat nalang ako ng higitin niya ako.
Saan naman niya ako dadalhin.
practice room namin to ah. Nagulat nalang ako ng isandal niya ako sa pader at naka harap siya sa akin kaya heto ako hindi makagalaw. Ang lapit kasi niya sa akin.
"Pwede ba pag nasa public tayo hinaan mo naman yang boses mo muntikan na tayong mabuking duon gawa ng ginawa mo" Akala ko kung anong sasabihin niya sa akin.
"Bakit kasi sinesekreto pa natin yung relasyon natin ha!" Sigaw ko sa knaya.
"Nakalimot ka ba? Ikaw ang may gusto niyan diba kesyo masisira ang banda, may magagalit, kasyo masisira ang pagtingin nila sa atin, kaya yan sinekreto natin ng ilang taon nga ba? Dalawang taon kaya pwede wag mo na lang sirain ha!" Ano sirain ang alin? Siglit nga lang nagagalit ba siya sa akin. Eh pumayag din naman siya sa pagtago ng relasyon namin ah.
"Bakit parang nag iba kana?" Tanong ko sa kanya. Lumayo siya sa akin ng kaunti at tinignan lang niya ako.
>> To be Continue.............
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top