Chapter 11
Pagkabukas ko ng bahay ni violet ay sumalibong siya sa akin na naka taas ang dalawang kilay. Ano naman problema nito.
"Anong meron?" Tanong ko sa kanya habang inilalagay ko sa tabi yung sapatos ko.
"Bakit hindi ka manlang nag sabi sa akin ha! Pinagalala mo ako eh!" Sigaw niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
Ibinaba ko yung bag na bitbit ko at saka ko siya niyapos.
"Sorry, kung pinagalala kita" Sabi ko sa kanya at saka ako umalis sa pagkakayapos ko sa kanya.
"O-okay lang yun wag mo na yung uulitin ha" Yan jas pinaiyak mo nanaman siya. Yan ang napala mo nako nako hindi kasi masyadong nag iisip. Hindi muna kasi nag isip no.
Napatingin siya sa bag ko kaya inunahan ko kaagad siya.
"Wag kang mag alala hahatian kita sa mga gastusin, hahanap ako ng trabaho para mabayaran kita" Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Ha? Titigil kana sa pagaaral?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Hindi no! Iyon ang huling bilin sa akin ni mama pati hindi naman ako nag babayad sa twisyon ko at si papa yun ang pinangako ni papa kay mama. So pagkaawas ko saka ako magtratrabaho, sana nga may makuha ako eh" Pagpapaliwanag ko sa kanya. Iba kasi ang pagkakaintindi niya eh.
"Nako wag na" pagtatanggi niya sa akin.
"Hindi pwede!" Sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung bag ko at saka ako umakyat sa taas. Hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin niya sa akin.
---------------------
(Violet)
Sasabihin ko ba sa kanya na hinahanap siya ni ethan kanina? wag na lalaki lang naman ang ulo niya, pati kailangan na niyang umiwas sa taong yun.
Ang galing eh nagsasalita ako dito eh iniwnan naman niya ako. Umakyat din ako sa taas para tanungin siya kung kumain na.
Pagkabukas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakapikit na at mukhang natutulog na siya. HIndi ko na siya ginising pa dahil gigising naman siya pag gutom na siya.
Sumunod na araw....
"Papasok ka na ba ngayon? sure ka?" Nagaalalang tanong ko sa kanya.
"Oo kaya ko na no. Kaya wag ka nang magalala. Kailangan ko pa nga maghanap ng mapapasukan ko eh" Sabi niya sa akin habang abala siya sa pagsuot ng uniform. Napaisip ako dahil sa sinabi niya.
"Ah!" Dahil sa sigaw ko ay nagulat siya.
"Ano ba ha! Aatakihin ako sa puso eh" pagrereklamo niya sa akin kaya napatawa naman ako.
"May kilala akong nag hahanap ng trabahador" Sabi ko sa kanya.
"Baka kung anog trabaho yan ha, nako vio" May pangdududa ang putek, mukha ba akong manloloko ha?
"Pinagdududahan mo ba ako ha? Ikaw na nga yung tinutulungan"
"Ikaw naman hindi ka mabiro, sige ano bang trabaho yan?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Hehehhehe secret muna. samahan nalang kita mamaya" Sabi ko sa kanya kaya yan nanaman po siya.
"Nako yang tawa mong yan ha! Vio kung tungkol yan sa paggagawa ng story sorry pass ako kita mo nang walapa akong gawa duon sa parusa ni miss" Sabi na yun ang sasabihin niya sa akin.
"Wag kang mag alala hindi yun no. Eto naman hindi makapaghintay sige na bilisan mo na diyan at baka malate pa tayo" Sabi ko sa kanya at saka ako bumaba.
---------------
(Jasmine)
Pagkapasok ko ng class room ay sinalubong ako ni lany ng isang mahigpit na yakap.
"Uy! hindi ako makahinga" Pagrereklamo ko sa kanya kaya umalis na siya sa pagkakayapos sa akin.
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ha"
"Na ano?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wala, oo nga pala hinanap ka ni ethan crush mo kahapon. Tinanong niya kung bat ka absent" Dahil sa sinabi niya ay nagulat ako at na excited.
"Anong sabi mo?" Natatarantang tanong ko sa kanya kaya ngumiti siya sa akin ng napakalawak.
"Heheheheheh ano paba edi sinabi ko na sumakit ulo mo dahil sa pinagawa niya sayo" Napaisip ako saglit dahil sa sinabi niya. Pa-paano niya yun nalaman? Saglit nga lang diba ang sabi niya kay luis na masakit ang tiyan ko eh kung alam niya ang totoo bakit siya nag sinungaling kay luis? Sinabi ba sa kanya ni violet?
Pero kilala ko si violet hindi siya nagsasabi kay lany ng totoong nangyayari sa akin kahit yung tungkol sa mga magulang ko. Papaano niya yun nalaman pati hindi alam ni violet ang tungkol kay ethan papaano nalaman ni lany yun?
Habang nakatayo lang ako dahil sa gulat ay lumapit siya sa akin at may binulong sa aking tenga.
"Wag ako jas alam ko ang tungkol sayo" Lumaki ang aking mata dahil sa sinabi niya. Ngumiti siya sa akin ng napakalawak at saka niya ako iniwanan. A-anong ibig sabihin niya?
-------------------
(Luis)
Papasok na sana ako sa loob ng class room hindi ko sinasadyang marinig ang pinag uusapan ni jasmine at ni lany na malapit lang sa pintuan.
Napaisip ako saglit dahil sa aking mga narinig, ng maramdaman ko na may palabas ay sumandal ako sa pader kunwari hindi ko alam wala akong naririnig pero nahagilap ko ang mata ni lany na nakatingin sa akin at nakangiti pa siya.
Alam kaya niya? Na nakikinig ako? Hindi ko naman sinasadya eh. Pero saglit bakit hindi niya sinabi sa akin yung totoo kung alam niya talaga ang dahilan kung bakit absent si jas.
Wait nga lang ano bang pake ko. Luis! Itigil na yan hayaan mo na. Ayaw nga noong tao sayo diba noong una palang kaya wala ka nang pake sa nangyari sa kanya. Kaya pumasok nalang ako sa loob at nasa tapat pa pala siya ng pintuan at mukhang malalim ang iniisip kaya kinawayan ko siya.
Pero hindi niya ako pinansin. Ano naman nangyari sa kanya.
"UY Jasmine!" sigaw ko sa kanyang pangalan kaya natauhan naman siya.
"Uy luis! Morning" Bati niya sa akin kaya bumati naman ako sa kanya.
"Bakit nakatayo ka naman diyan. Nakaharang ka naman sa daanan eh" Pagrereklamo ko sa kanya kaya umalis na saya at pumunta sa kanyang pwesto ganun din ako.
"Wow ha! Galit ka ba?" Tanong niya sa akin kaya nginitian ko lang siya.
Dapat wala na akong pake sayo jasmine kasi pagnagkaron na naman akong pake ako na naman yung masasaktan at aasa. Ayoko na, ginagawa ko lang naman to sayo dahil gusto ko lang bumawi. Bumawi dahil iniwanan kita na wala man lang pasabi. Wala akong pake pero gusto ko lang bumawi, kaibigan parin kasi kita kaya kailangan kong bumawi.
Pati isang taon lang naman ako dito yun kasi ang pangako ko sa tito ko, hindi nga alam ni mama ang dahilan kung bakit nila ako napapayag na umuwi din dito. Ang totoo kasi niyan sila lang naman dapat ang uuwi pero kinausap ako ni tito tungkol sa mga taong na iwanan ko dito.
>> To be Continue......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top