Chapter 10

Hindi ko sinayang ang pagkakataon kaya nagmadali akong pumunta sa bahay kahit alam kong nasa labas lang si amber, hindi ko siya pinansin ganon din ang kasama niyang lalaki. tsk hindi na talaga siya nagbago.

Agad ko binuksan yung pintuan at umakyat sa taas,

Nagulat ako ng pagkapasok ko sa aking kwarto ay wala na itong laman. Nasaan na an g mga gamit ko? Natataranta na ako habang hinahanap ko ang aking mga gamit ng biglang lumabas si adrian sa kwarto ng kanyang kapatid.

halata sa kanyag mukha na galing lang siya sa pagtulog.

"Ate pat, ano pong ginagawa ninyo" Mahinahong tanong niya sa akin kaya agad ko siyang nilapitan para magtanong kung saan inilagay ng mama niya ang gamit ko.

"Baby adri nakita mo ba ang gamit ng ate mo? yung mga gamit niya sa kanyang kwarto?" Mahinahong tanong ko naman sa kanya. Hindi kasi pwedeng takutin ko yung bata para magsalita lang siya no edi nasumbong ako niyan sa mga magulang  niya nako.

"Hindi ko po alam ate eh, si ate amber po ang nakakaalam po niyan" Ano pabang maasahan ko sa kanya eh lagi namang tinatago sa kanya ang lahat lahat eh.

hays... Napabuntong hininga nalang ako ng may biglang nag salita.

"Buti naman at nagpakita ka, kung hinahanap mo ang mga gamit mo nilagay ni mama yun sa budega. Akala kasi nila hindi kana babalik kaya itinago na nila. Anyways don't thank me just keep it secret what you see kanina okay" Nakangiting sabi niya sa akin kaya bumaba na ako pero bago ako tuluyang makababa ay nag salita ako.

"Kailan paba ako nag sasabi sa mama mo na tungkol sa mga ganong bagay. Ni hindi ko nga nakakausap nanay mo ah" Pagpapaalala ko sa kanya at saka ako lumabas ng bahay pura pumunta sa budega.

Pagkabukas ko ng budega ay tumambad sa aking harapan ay isang kwarto napakaalikabok at sobrang dilim. Ano ba yan ilang araw lang naman akong nawala ah bakit ganito na kaalikabok ah.

Kinuha ko na ang mga gamit na kailangan ko, katulad ng damit at ng bag  pati pera na nakatago sa likod ng aking kama hahhahahha.

Hindi ko sinasadyang may masikong gamit kaya ito ay nahulog, sinimot ko para ibalik pero napatigil ako saglit at napatulala.

Inilagay ko nalang ito sa aking bag at naalala ko yung kwentas na bigay sa akin ni mama noon, hindi ko yun sinusuot dahil baka mawala. Yun na nga lang ang iniwan niya sa akin bago siya mamatay.

Binuksan ko yung pang unang durabox ko. apat na layers kasi ang durabox ko sa unahan ko itinatago yung kwentas na iyon na nasa loob ng maliit na box, sa pinakang ilalim ba. Kaya tinanggal ko yung mgagamitko sa ganon ay madali kong mahanap ito. Pero natanggal ko na yung lahat ng gamit ay wala parin.

Na-nasan yun.......nakaramdam na ako ng kaba at takot, para akong tanga na nagwawala at hanap diyan hanap duon. Nasaan na yun? Hindi pwedeng ma-mawala ang kwentas na yun. 

Napasuntok ako sa pader dahil sa panggigigil, at sa inis. Nasa kanya siguro yun.

Padabog kong kinuha ang aking bag at saka sinarado ang pintuan ng budega. Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay para hanapin siya, siguro naman umuwi na sila diba. Agad akong umakyat sa taas at padabog na binuksan ang kwarto nila nagulat ako ng makita ko siyang may kahalikang ibang lalaki.

Ano pa ba aasahan ko sa kanya eh ahas nga pala siya if i know hindi talaga si papa ang tunay na tatay ni andrian, at pinalabas lang si papa. Pero si amber hindi ko alam.

"Oh! Himala nag pakita ka" Sabi niya sa akin ng makita niya ako. Hindi manlang ba siya nagulat o kinabahan na pwede ko siyang maisumbong kay papa kung anong ginagawa niyang kababuyan dito sa pamamahay namin.

Tinignan ko ng maigi yung lalaki. Matakot ka naman, diyan ang higaan ni mama kaya multuhin ka sana niya, mga walang hiya.

"Sino siya?" Nagtatakang tanong ng lalaki sa akin pero hindi siya pinansin noog babae.

"Nasan yung kwentas ko ha!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong kwentas naman yun?" Tinatanggi pa ng bruha ay umayos siya ng pwesto para tignan niya ako ng maigi.

"Wag mo nang ikaila pa, Akin na iyon! Bigay sa akin ni mama yun kaya isauli mo na sa akin!" Nanggigigil na sabi ko sa kanya.

"HA? Ah..... Naalala ko na eto ba yun" Sabi niya sa akin at ipinakita niya sa akin yung kwentas. Agad ko itong kinuha sa kanya pero inilayo kaagad niya ang kamay niya.

"No, no, no, This is my now" Maarteng sabi niya sa akin. Napupuno na ako ha!

"Hindi pa ba sapat yung pang aagaw mo ng pamilya yung kunin ang loob ng tatay ko sa nanay ko yung angkinin mo yung bahay namin ha! Hindi pa ba yun sapat ha!" Nanggigigil na sigaw ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin ng napakalawak na para bang nanalo siya sa lotto.

"Hindi.... Kaya pwede layas na!" Sigaw niya sa akin. Kaya sa inis ko ay sinugod ko siya at sinabunutan.

"Walanghiya ka matagal ko nang gustong gawin to sayo eh! Tangina mo" Sigaw ko sa kanya. Lalapit sana yung lalaki pero tinignan ko siya ng masama, hinigpitan ko ng maigi yung pagsabunot ko sa buhok noong babae baka makatakas eh.

"Sige subukan mong umepal, matatamaan sa akin yang alaga mo ano ha!" Pananakot ko sa kanya kaya agad naman niyang hinawakan ang kanyang alaga at umalis na.

Tsk! Takot!

Ibinaling ko na ang atensyon ko sa babaeng ito at agad kong kinuha sa kanyang kamay tas saka ko binitawan ang kanyang buhok.

"Sa susunod kasi wag mo akong pupunuin kung ayaw mong mangyari yan sayo" Pagbabanta ko sa kanya. Lumabas na ako ng kwarto ni papa ng biglang may humigit sa aking buhok, lintik na gumanti ang bruha. 

"Ang akala mo makakaganti ka sorry pero masmalakas ako sayo" Pagkasabi ko niyan ay agad ko siyang pinatumba, kaya yun nakahiga siya ngayon. Mukhang hindi na niyang kaya pang tumayo.

"Tsk! Dapat hindi ka nalang gumanti edi sana hindi yang nangyari sayo" Sabi ko sa kanya at saka ako umalis ng bahay.  Ginawa  na niyang babuyan yung bahay namin ay.

>> To be Continue............

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top