Chapter 1
(Jasmine)
"Wahhhh!!!! Lanyyyyyy!!!" Sigaw ko sa pangalan niya ng makita ko kaagad siya.
Agad naman siyang lumingon sa akin.
"Oh! Bakit?" Tanong niya sa akin ng makalapit na ako sa kanya.
"S-siiiii cru-crushhhh wahhhhh!!!! Ang cute niya talaga!" Kinikilig na sabi ko sa kanya.
"Hay nako jas, ilang beses mo na iyan sinabi sa akin. Nakakasawa na ay!" Sabi niya sa akin at saka siya nagpatuloy ulit sa paglalakad.
"Lanyyyyyy naman" pagrereklamo ko sa kanya ng makasunod ako.
"Nako.....jas jas... umaasa ka lang nanaman eh"
"Umaasa ha?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Umaasa ka na magkacrush din siya sayo. For your info hindi ka crush ng crush mo" wow naman tong kaybigan ko ang lalim noon ah. Dahil sa sobrang natamaan ako sa sinabi niya ay napatigil ako sa paglalakad at dahil sa ginawa ko ay may bumangga sa aking likod.
Buti nalang hindi ako napasubsob sa lapag. Nako ang sakit sa mukha sana.
Tinignan mo kung sinong anghel ang sumalo sa akin.
Omg
.
.
.
.
.
.
*si.....crush*
"Ahmmm... okay ka lang ba?" Anong sinasabi niya? Ahmmmm....Oo alam kong maganda ako kaya wag mo nang sabihin sa akin, yan sana sasabihin ko kaso nagising ako sa katotohanan na magmumukha akong tanga pag sinabi ko iyon.
"Ehem ethan, malalate na tayo" Ay nako palaka may epal. Umayos na ako dahil nakakahiya naman sa kasamang babae ni crush.
"Th-thank you" nauutal na pagpapasalamat ko sa kanya at saka sila umalis. Agad naman lumapit si lany sa akin.
"Uy girl okay ka lang ba? Namumula yang tenga mo" Sabi niya sa akin pero hanggang ngayon ay nakay crush parin ang atensyon ko.
"Uy! Ano ba!" At saka lang ako natauhan dahil sa sigaw ni lany.
"Ano ba! Mabibingi ako nito eh!" Pagrereklamo ko sa kanya.
"Kanina pa kasi ako nag sasalita eh hindi ka manlang kumikibo diyan. Ano nastatwa ang peg. By the way anong nangyari sayo?" Tanong niya sa akin.
"May bumangga kasi sa akin" sabi ko sa kanya at saka ako lumingon para tignan kung sino ang bumangga sa akin.
"Oliver?" Anong ginagawa niya dito? I mean sa school namin ano ginagawa niya. Hanggang ngayon ba lambutin parin siya.
"Hala ka jas ikaw pa ata ang nakapatay. Nako baka mamaya ikaw ang nangbangga para masambot ka lang ng crush mo. Kawawa naman siya oh" Ang oa naman ng isang to. Porket nakakita lang ng pogi. Ipakain ko kaya sayo lahat ng pogi no.
Oo pogi na lantutay na lalaki.
Hay nako.
Nilapitan namin ni lany si oliver.
"Oy! Tumayo ka nga diyan!" Sigaw ko sa kanya ng mag reklamo naman si lany.
"Ikaw na nga may kasalanan kung bakit nakahiga yung tao tas sisigawan mo ha!" Yan nanaman po siya.
"Ang oa mo ha! Hindi naman ikaw yung bumangga ha. Saglit nga lang eh hindi naman nga kasi ako yung bumangga siya nga kasi eh!" Pagrereklamo ko sa kanya.
Hay nako..... Oliver naman!
"Lany may dala kang tubig?" Tanong ko sa kanya.
"Ah oo bakit?"
"Penge nga ako"
"Ha?"
"Basta penge nalang ako" pangungulit ko sa kanya, kaya jnilabas naman niya sa kanyang bag yung mineral water na daladala niya.
Binuksan ko ito at saka ko binuhos sa mukha ni oliver. Kitang kita sa mukha ni lany ang pagkakagulat dahil sa ginawa ko ganon nadin ang mga estudyante na dumadaan.
Sa wakas bumangon din siya.
"Ano yang ginawa mo jas" hindi ko siya pinansin.
"Jasmine? Anonv ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin ng makabangon siya at ng makita niya ako.
"Ano ba oliver makalimutin ka na rin ba. School ko kaya to, dito ako pumapasok sayo ko nga dapat itanong yan eh" pagrereklamo ko sa kanya.
"Ah...hahahhahah" natatawang sabi niya sa akin at saka siya tumayo.
"Ano ba yan hindi pa ako nakakapasok sa class room nabasa na kaagad ako. Buti naalala mo parin kung paano ako gisingin" Mahinhin na sabi niya sa akin.
Hay nako oliver.
"Ilang taon na ba kita naging kaybigan oliver. Kaya kilalang kilala na kita. Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin?" Tanong ko sa kanya. Ng biglang umimik si lany.
"Ano ba yan ha! Wow ha! Ano ako invisible girl? Hindi nakikita?" Nako tinagalog pa eh alam naman namin tagalog duon ah ano tingin niya sa amin bobo. Wow ha!
"Ashhhhh! Oliver si lany bago kong kaybigan, lany si oliver kaybigan ko noon at ngayon" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"Hi!" Maarteng sabi niya kay oliver. Hay nako lany..... kung alam mo lang kung anong tao niyan.
Si oliver kasi may pagkanerd na gwapo. May salamin siyang suot lagi dahil malabo ang kanyang mata tas kulay brown ang buhok niya at matangkad din siya pati nadin matalino katulad ko wahhahahhahah.
*kring* *kring*
"Hala bell na jas! Si miss matanda ang first subject natin" natatarantang sabi ni lany sa akin kaya agad kong hinablot ang kamay ni oliver at saka kumaripas ng takbo samantalang si lany naman ay nakitakbo narin.
Bakit kasi sa fifth floor ang aming class room eh.
--------
"Jasmine naman" Pagrereklamo ni oliver sa akin.
"Sorry hindi ko naman alam na hindi pala dito class room mo eh pati hindi ka manlang nag reklamo kanina na higithigit kita. Okay na rin naman ah. Pumayag naman si miss matanda eh" bulong ko sa kanya.
Kanina kasi....
Flashback
"Bilisan mo lany!" Sigaw ko sa kanya na nakasunod sa amin. Ilang hakbang nalang malapit na kami....
Kaya mo yan jasmine!
Sh*t nakikita ko na ang matabang hita ni miss.
"Lanyyyyyy iyan na si miss!" Sigaw ko sa kanya.
"Paano yan jasmine! Hi-hindi ko na kaya ang sakit na ng paa ko" pagrereklamo ko sa kanya.
"Wag kang susuko lany! Malapit na tayo!" Sigaw ko naman sa kanya. At sa wakas nakarating na kami sa pintuan ng class room namin. Buti nalang mabagal siya mag lakad hehehhehehehe.
"Jasmine.....Hindi ako dito" sabi ng katabi ko.
"Ha ano? Eh bakit ka sumama sa amin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Eh hinigit mo kaya ako" pagrereklamo niya at saka ko lang naalala hahahhahha.
"Ay sorry" sabi ko sa kanya ng makita ko na si miss na malapit na ay agad ko nang tinulak siya sa loob. Si lany na hingal na hingal ay pumasok na din sa loob kaya sumunod na ako.
Nag tinginan ang mga kaklase namin kay oliver. Ay nako mga adik rin sa gwapo.
Nako nako....
"Uy jasmine....anong gagawin ko?" Tanong niya sa akin.
"Akong bahala basta umupo ka lang siyan" sabi ko sa kanya. At ng dumating na si miss ay agad kong sinabi sa kanya na kung pwedeng dito nalang si oliver na dapat ay sa second floor lang ng building nito.
End of the Flashback
------
"Bakit ayaw mo bang maging kaklase ako?" Tanong ko sa kanya. Kaya tumingin siya sa akin.
"Anong tingin yan ha!" Nagtatakang sabi ko sa kanya.
"Ha? Wala" nakangiting sabi niya sa akin. Hanggang ngayon ang werdo parin niya.
》 To be Continue.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top