Part 86 [Last Part]
Sevyn POV
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang inaayos ang mga gamit ko. Ngayon na kasi ang uwi namin at ngayon na rin aakyat ng ligaw si Francis.
Akalain niyo 'yon, iyong akala mong taong walang paki sa 'yo ay kaya ka palang magustuhan pabalik. Shemays! Kinikilig pa rin ako habang inaalala 'yong confession niya.
"Hoy! Bakit ngumiti ka nang mag-isa riyan? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Napasimangot naman ako nang sitahin ako ni mama.
Ang kj talaga niya.
"May naalala lang po," usal ko.
"O'siya, bilisan mo na mag-impake upang tayo'y mabilis na maka-uwi." Tumango na lang ako saka mabilis na tinapos ang paglalagay ng damit ko sa maleta.
At nang matapos ay lumabas na ako at nadatnan ko sila sa labas na nagyayakapan kaya naman lumapit na ako sa kanila.
"Good bye po, lola! Mamimiss ko po kayo pati na rin 'yong luto niyo," sabi ko saka niyakap din si lola.
"Mamimiss ko rin ang kadaldalan at kakulitan mo, apo," malumanay na sabi niya sabay mahinang tumawa.
Humiwalay na ako kay lola nang marinig ko ang tawag ni mama. Kumaway pa ako ng isang beses kay lola bago tuluyang sumakay ng sasakyan.
Medyo may kahabaan ang biyahe kaya naman natulog muna ako habang nakasalpak ang dalawang pares ng earphones ko kahit wala namang sound. Trip ko lang, bakit ba?
Nagising na lang ako nang marinig ko ang sinabi ni mama na malapit na raw kami. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang malamang iba ang tinutukoy ni mama. Magda-drive-tru lang pala kami.
Nang makuha na namin 'yong order ay wala na akong nagawa kun'di ang kumain na lang dahil nagugutom na rin naman ako.
At pagkatapos kong kumain saglit muna akong tumingin sa labas bago maisipang matulog ulit.
"Jergen, gising na narito na tayo." Gising sa akin ni papa kaya naman pupungas-pungas akong bumangon at bumaba ng sasakyan upang kunin ang maleta ko.
Nang maipasok ko ang gamit ko sa kuwarto ko ay bumalik ako sa labas para tulungan sina mama na ipasok sa loob 'yong mga dala naming Iba't-ibang uri ng gulay na galing sa mga tanim ni lola.
Matapos 'yon ay dumiretso na ako sa kuwarto at nag-online na para sabihin kay Francis na naka-uwi na kami.
Napasimangot naman ako nang sabihin niya na bukas na lang siya pupunta dahil pagod kaming lahat sa biyahe kaya hahayaan muna niyang makapagpahinga kami. Pumayag na lang ako kahit na labag sa loob ko. Eh anong magagawa ko? Tama naman siya eh, pagod kaming lahat sa biyahe lalo na si papa dahil may hang-over pa
Hindi ko na lang namamalayan na nakatulog akong muli at nagising na lang ako nang makitang madilim na sa labas.
"Mabuti naman at gising ka na, halika na at tayo'y kakain na." sabi ni mama na naka dungaw sa pintuan ko.
"Sunod na po ako, ma," tugon ko.
Habang kumakain ay hindi ako mapakali dahil nangangati 'yong dila ko na sabihin kina papa 'yong balak ni Francis na aakyat ng ligaw.
"Ano ang sasabihin mo, 'nak?" Nagulat naman ako sa tanong ni papa.
Lumunok muna ako bago mag salita pero bago pa man ako mag salita ay nag salita siyang muli.
"May manliligaw ka na?" Nasamid ako bigla dahil sa tanong ni papa kaya naman dali-dali kong inabot 'yong tubig ko para uminom.
"A-Ah... magpapaalam pa lang po siya na ligawan ako," usal ko.
"Kailan?"
"B-bukas po..." sabi ko.
"Saktong-sakto may iluluto akong meryendang lumpiang turon bukas," sabi naman ni mama.
"Hindi po ba kayo magagalit sa akin?" tanong ko.
"Bakit kami magagalit sa 'yo? Ayos lang naman sa amin kung tatanggap ka ng manliligaw basta huwag mong pababayaan ang pag-aaral mo," ani papa.
Nag-thank you na lang ako sa kanila at pagkatapos ay nagpaalam na.
Sobrang saya kong may magulang ako katulad nila. Sana sila pa rin ang maging magulang ko sa susunod pang mga buhay ko.
---
Kinabukasan, katabi ko sa sofa si Francis habang nasa harapan namin si papa.
"You promise me that you won't hurt her, okay?" Mabilis namang tumango si Francis sa tanong ni papa.
Pinaalam sa akin ni papa na mag-uusap daw muna silang dalawa kaya naman pinuntahan ko na lang si mama sa kusina para tulungan siyang maghanda ng meryenda.
"Siya ba 'yong kinekwento mo minsan sa akin na crush mo?" tanong ni mama, tumango naman ako habang malawak ang ngiti.
"Pogi 'di ba, ma?" sabi ko habang tinataas-taas ang kilay.
"Oo, pero mas pogi pa rin ang papa mo noong kapanahunan namin."ika niya.
"Oo na lang, ma," natawa naman siya.
Paglabas namin ni mama sa kusina dala ang meryendang hinanda namin ay nakita kong tapos na silang mag-usap.
"Mabait pala papa mo eh," usal niya nang maka-alis si papa.
"Ano bang akala mo?" Natatawang tanong ko.
"Akala ko kasi masungit, eh." Tuluyan na akong natawa sa sinagot niya.
"Ano ka ba! Mabait 'yon si papa, like me!" sabi ko kaya pati siya ay natawa na rin.
Nahinto na lang ako sa pag tawa nang mapansin kong nakatitig na siya sa akin.
"B-Bakit ganiyan ka makatingin sa akin?" naiilang na tanong ko.
Imbis na sumagot ay nagulat na lang ako nang mabilis niya akong halikan sa labi.
O to the M to the G! Wala pang label pero may first kiss na! Pwede isa pa?! Choss! Landi mo Sev hahaha.
"Baliw ka! Mamaya makita tayo nina Papa," mahinang sabi ko at mahinang pinalo ang braso niya.
"Basta huwag ka na lang maingay," sabi niya sabay kindat.
Francis Yohan Esclavia, anong salamangka ba ang ginamit mo at ganito ako kabaliw sa 'yo.
-End-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top