Part 77
Francis POV
Patagal nang patagal mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko alam kung paano at kailan pero nagising na lang isang araw gusto ko na pala siya.
Kahit na ginawa ko na ang lahat ng alam kong paraan para lang makalimutan ko 'yong nararamdaman ko para sa kaniya ay wala pa rin, mas lalo lang lumalim.
Mahigit isang buwan na noong huling usap naming dalawa at masasabi kong nasaktan ko siya noon. Sobra akong na-guilty sa sarili ko at sobra rin akong nagalit kasi ang gago ko para gawin sa kaniya 'yon.
Tuwing nakikita ko siya sa school at kasama 'yong lalaking 'yon, hindi ko pinapahalata kina Felix na naaapektuhan ako dahil alam kong aasarin lang nila ako.
Gusto ko siyang lapitan at kausapin pero napapangunahan ako ng hiya at takot. Okay na sa akin 'yong nakikita siya mula sa malayo habang masayang-masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
"Mukhang malayo na narating ng isip mo ah," agad kong inalis ang tingin ko kina Sevyn nang maramdaman kong umupo sa tabi ko si Felix.
"Sino tinigtignan mo?" tanong niya at saktong natama ang paningin niya sa magkakaibigan.
"Magsabi ka nga sa akin," tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Gusto mo na si Sevyn 'no?"
"Kapag ba sinabi ko sa 'yo 'yong totoo hindi mo ako aasarin?" balik kong tanong sa kaniya.
"Oo naman, promise..." sagot niya.
"Yes, I do like her." Napatakip naman siya ng bibig niya.
"Kailan pa?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Matagal na," dahil sa sagot ko ay sinuntok niya ako nang mahina sa braso.
"Gago ka, bakit hindi ka nagsasabi sa amin or sa akin?" tanong pa niya habang masama ang tingin sa akin.
"Kasi kapag nagsabi ako sa isa sa inyo baka tawanan or asarin niyo lang ako," usal ko. "Kaya mas pinili ko na lang na 'wag sabihin sa inyo." tuloy ko.
"Kung matagal mo na pala siyang gusto, bakit hindi ka umamin sa kaniya?" Napatingin naman ako kina Sevyn na paalis na ngayon.
"Baka galit siya sa akin saka hindi pa ako handang umamin sa kaniya," sagot ko.
"Paanong magagalit 'yon sa iyo eh sobrang gusto ka no'n," ika niya.
"Aamin na lang ako gamit 'yong account na ginawa ko para maka-usap siya."
"Tarantado ka! Sabi na ikaw 'yong Frayn eh," aniya.
"Tapos?" pangbabara ko.
"Bakit hindi mo na ba siya nakaka-usap sa real account mo?" Umiling ako. "Bakit naman?"
"Naka-block siya," napasapo siya ng noo niya.
"I-unblock mo siya, easy lang naman 'yang problema mo pinapalaki mo lang."
"Saka na kapag okay na lahat." Padabog naman siyang tumayo at tinalikuran ako.
Umiling na lang ako habang pinapanood siyang makalabas ng Cafeteria.
Wait for me Sevyn, kapag naka-ipon na ako ng lakas ng loob, pangako aamin na ako sa 'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top