Part 73

Sevyn POV


Mahigit isang buwan na simula noong hindi na kami nag-uusap ni Francis. Kahit na nasa iisang gc kaming dalawa ay wala kaming kibuang dalawa.


"Mga mamsh may chika ako!" Nagmamadaling umupo si Fein sa harapan namin ni Clarissa.

Lunch break namin at katatapos lang namin kumain kaya nakatambay kami sa malapit sa field.

"May bali-balita na may new transfer student daw tayo at ang sabi ay pogi raw!" Kinikilig na sabi niya.

"Susumbong kita kay Glen ah," pananakot ko kaya naman binatukan niya ako.


"Epal mo naman, napopogian lang ako ro'n pero hindi ibig sabihin ay ipagpapalit ko si Glen." Tumawa na lang ako at umiling.

"Iyon ba 'yong sinasabi mo, Fein?" Turo ni Clarissa sa isang matangkad at morenong lalaking naglalakad papuntang Cafeteria.

"Oo nga, Fein! Ang pogi gagi!" sabi ko sabay hampas sa kaniya.

"New crush unlocked ka na ba?" tanong niya kaya natahimik ako.

Oo, pogi siya pero bakit ganoon si Francis pa rin 'yong gusto ko?

"Lemme think," sagot ko, parehas naman nila akong hinampas.

"Aray ko naman! Talaga bang sabay dapat kayo?" Nag-peace sign naman silang dalawa.

"Nga pala, saan kayo sa Christmas break?" mayamayang tanong ni Clarissa.

"Ako, ewan ko kung totoo 'yong sabi ni mama na pag-uwi raw ni papa pupunta kami sa Pangasinan." sabi ko.

"Eh ikaw Fein?" Baling niya kay Fein.

"Sa bahay lang, uuwi rin yata sina papa at mga tita ko galing ibang bansa eh," tugon niya.

"Kayo?" tanong ko.

"Sa bahay lang din," sagot niya.

Ang tagal na rin pala noong huling punta namin sa probinsya. Kumusta na kaya sina lola at mga pinsan ko ro'n? Hindi na ako makapag-hintay na mag bakasyon muli roon kahit na sa maikling panahon lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top