Part 64

Sevyn POV

Matapos akong maglinis ng bahay ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Ayokong humarap sa kanila na haggard na haggard ang mukha, 'no!

At nang matapos akong maligo ay simpleng white shirt at leggings lang ang sinuot ko. Balak kong mag-short kaso naalala kong may kasama pala silang lalaki kaya leggings ang susuotin ko.

"Sev! Nandito na kami!" Dinig kong pagtawag ni Felix mula sa labas.

Nagmamadali na akong lumabas ng kuwarto upang pagbuksan sila ng pinto.

"Naks, fresh na fresh ah!" Inirapan ko si Felix.

"Pasok na." Gumilid ako para makapasok sila.

Nahuling pumasok si Francis at nang tignan ko siya ay saktong nakatingin din siya sa akin kaya naman wala akong nagawa kun'di ang ngitian siya. At mas nagulat ako nang gumanti siya ng ngiti. Tf?!

"Sev, kumuha na ako ng plato at bowl para pag lagyan nitong pagkain." ani Fein habang hawak ang dalawang bowl at isang plato.

"Basta ba sasamahan niyo akong maghugas niyan," usal ko.

"Syempre naman, bebe!" ika nito.

"Woy Pito, pinaki-alaman ko na itong TV niyo ha?" Tumango ako kay Clarissa at lumapit sa kaniya para tulungan siya.

"May alam akong horror movie," ani ko.

"Hoy! Anong horror? Sabing ayoko nga niyan eh," reklamo ni Fein.

"Anong horror 'yon?" Tanong ni Glenn.

"Alam niyo 'yong The Sadness?" Napa-isip naman siya.

"Bago na naman? Akala ko ba 'yong incantation?" tanong naman sa akin ni Clarissa.

"Boring daw 'yon sabi sa tiktok eh," sagot ko. "Ito na!" Tuwang-tuwang sabi nang mahanap ko na 'yong horror movie na sinasabi ko.

Sa TV lang ang mata ko habang pa-upo sa sofa kaya hindi ko na napansin kung sino 'yong nasa tabi ko. Si Felix yata.

"Kapag ako hindi nakatulog mamaya ha," wika ni Fein habang nakatakip ng unan sa mukha. Natawa naman ako.

"Hindi pa nga nag-uumpisa natatakot ka na?" Natatawang sabi ko.

"Palibhasa hindi ka natatakot kasi... katabi mo si ano," hindi ko na narinig 'yong huling sinabi niya nang may malakas na tunog ang nanggaling sa TV.

Noong una ay medyo tahimik pa kami pero noong nasa kalagitnaan na ay puro na kami sigawan.

Napansin kong ubos na 'yong juice na tinimpla ni Felix kaya tumayo ako para kumuha ng tubig.

At pagbalik ko ay saka ko lang na realize kung sino ang katabi ko kanina. Gagstii! Bakit siya? Feeling ko tuloy hihimatayin ako sa sobrang kilig at hiya.

Kilig, kasi katabi ko sa sofa si Francis at hiya naman kasi kanina pa ako sigaw nang sigaw baka kasi naririndi na siya sa sigaw ko. Pero h'wag naman sana hehe.

Pagkatapos ng isang oras ay natapos na namin 'yong pinapanood namin at itong si Felix naman ay gusto pang manood ng isa pang horror movie.

"Tapos na nga tayo sa horror, eh," sabi ni Fein habang hindi na maipinta ang mukha dahil sa napanood kanina.

"Eh anong next?" tanong ko.

"Comedy naman para malimutan ko kahit papaano 'yong kanina." saad niya.

"May alam akong comedy-horror na movie." Suhestyon ni Kenn saka kinuha ang remote sa lamesang nasa harapan namin.

"Sabing ayoko na sa horror eh!" Paiyak na sabi ni Fein.

Mabilis ko namang inagaw kay Kenn 'yong remote at pinatay na lang ang TV.

"Tama na, pagagalitan ako ni mama kapag nalaman niyang gumamit ako ng Netflix." sabi ko.

"Tulungan niyo na lang ako magligpit ng mga kalat." Halos sabay silang tumayo at nagkaniya-kaniyang pulot ng mga plastic na nakakalat sa lapag.

Aba, masunurin sila.

---

Mga bandang 11 nang umalis sila Francis sa bahay samantalang itong dalawa ay naiwan. Pero noong magti-three ng hapon ay umuwi na rin naman sila.

Mayroong ngiti sa labi ko habang nagsasaing ako ng bigas. Kasi sino ba naman ang hindi kikiligin doon? Nginitian at nakatabi mo 'yong crush mo?

Pero kahit na ganoon ay itutuloy ko pa rin 'yong Oplan: Hindi pangungulit sa kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top