Part 59
Sevyn POV
Mapait akong napangiti matapos kong i-unsent 'yong message ko sa kaniya. Kailan kaya ako titigil sa kahibangan na ito?
Pinahid ko ang isang takas na luha na galing sa mata ko. Alangan naman sa ilong, 'di ba? Choss.
Paano ko nga ba siya nagustuhan? Ah! Dahil sa love at first sight na 'yan. Sino ba kasing nagpa-uso no'n?
Napatingin ako ako pinto nang biglang dumungaw si mama.
"Wala kang balak lumabas? Kakain na tayo," aniya.
"Busog pa po ako ma," palusot ko.
Sa totoo lang, wala talaga akong gana kumain. Ewan ko ba, hindi ako makaramdam ng gutom eh.
Nawalan na rin ako ng gana mag-online. Sure na 'to, magpapahinga muna talaga ako sa pangungulit sa kaniya.
But it doesn't mean na titigil na ako.
Hindi ko hahayaang mapunta lang sa wala 'yong naumpisahan ko. Wala pa ako sa exciting part haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top