Part 5
Sevyn POV
Araw na ng Miyerkules at ngayon na ang araw ng pagpapa-enroll namin. I'm a little bit nervous, oh yeah!
"Sana may pogi mamaya sa school," bulong ko pero narinig yata ng dalawang kasama ko.
"Ito talaga puro pogi ang alam." Umiiling na sabi ni Fein.
"Ngayon din yata magpapa-enroll sina Felix kasama 'yong mga kaibigan niya," tukoy niya sa pinsan niya.
"Oh tapos?" tanong ko.
"Sinasabay niya ako kanina kaso ang sabi ko kasama ko kayo kaya nauna na siya." sagot niya.
"Eh, ano pang ginagawa natin dito? Tara na!" si Fein.
Nauna na sumakay si Fein sa tricycle kaya sumunod na kami ni Clarissa.
At nang makarating kami sa school na papasukan namin ay nagbayad na kami kay manong saka bumaba na.
"Let's go na!" Hinila na kami ni Fein kaya wala na kaming nagawa ni Clarissa kundi ang sumunod na lang.
"Issa!" sigaw ng kung sino.
Si Felix pala at kasama niya 'yong mga kaibigan niya. Napako naman ang tingin ko sa matangkad at poging lalaking nasa likuran ni Felix.
"Matunaw naman 'yan 'te," bulong sa akin ni Fein.
"Shut up ka nga," sabi ko.
Oh my pakening sheyt! Anong name niya? Bakit ganiyan siya ka-pogi? May girlfriend na kaya siya? Sana naman wala.
Hanggang sa matapos na kaming mag-enroll ay iniisip ko pa rin 'yong lalaking 'yon. Hindi ako maka-get over sa pogi niyang face!
"Woy! Kanina ka pa parang tangang nakatulala riyan, ano nangyari sa 'yo?" Mahinang tinapik ni Clarissa 'yong pisngi ko.
"Alam mo kung anong dahilan?" si Fein.
Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Ano?" tanong naman ni Clarissa.
"Iyong isang kasama ng pinsan mo." sagot naman ni Fein.
"Alam mo ba kung anong name no'n?" tanong ko kay Clarissa.
"Aba'y malay ko roon, wala akong paki sa mga kaibigan ng pinsan ko 'no." usal niya.
Napanguso na lang ako. "Tatanong ko na lang mamaya kay Felix," sambit ko.
Wait ka lang, bebe boy malalaman ko rin kung anong pangalan mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top