Part 48
Sevyn POV
Matapos akong makapaggayak ay lumabas na ako ng kuwarto mo at nag paalam na kay mama.
"Anong oras ka uuwi?" tanong ni mama.
"Mama naman, hindi pa nga ako nakakaalis uwi na agad ang tinatanong mo." saad ko.
"Punyeta ka talagang bata ka, lumayas ka nga!" bulyaw nito sa akin.
Bago pa man ako makalabas sa pinto namin ay sumigaw ulit siya at nagpapabili ng barbecue.
"Opo ma," sagot ko na lang at lumabas na.
Saktong paglabas ko ay kararating lang din ni Fein.
"Let's go!" usal niya.
Sa dalawang oras na lakaran ay sa wakas narating na rin namin 'yong bahay nila Clarissa.
"Paano natin sisimulan?" tanong ko kay Clarissa.
"May naumpisahan na ako kanina habang hinihintay ko kayo, here..." sabi niya saka kinuha 'yong papel na nasa lamesa at binigay sa amin.
"Dadagdagan na lang namin 'to?" tanong ni Fein.
"Oo, then after no'n ayusin na natin para tapos na tayo." sagot ni Clarissa.
"Hindi natin kasama 'yong apat, right?" si Fein, umiling si Clarissa.
"Ang swerte naman nila kung ganoon, ayaw nilang makisama tapos ilalagay natin diyan mga names nila." sagot niya.
"Heto ang meryenda niyo mga iha," Nag-thank you kami sa mama ni Clarissa matapos niyang ilapag 'yong tatlong sandwich at juice.
Matapos ang limang minuto ay natapos na rin namin 'yong activity namin sa Literature.
"Maya na muna tayo uwi," sabi ni Fein habang nakahilata sa sofa.
"Ang sarap naman ng higa mo, bahay mo?" prangkang tanong ni Clarissa.
"Hindi, bahay niyo." sagot naman ni Fein.
"Mga 'te, alam niyo 'yong incantation?" tanong ko.
"Ano 'yon?" sabay na tanong nila.
"Horror movie raw eh, nakita ko sa tiktok." sagot ko.
"Pass! Wala akong hilig sa Horror movies." sabi ni Fein.
"Ito ang kj mo," sabi ni Clarissa.
"Eh, sa takot nga ako eh!" sagot ni Fein sabay batok kay Clarissa.
Hindi naman nag patalo si Clarissa, binawian niya rin ng batok si Fein kaya ang ending nag batukan sila nang nag batukan.
"Saya niyong panoorin," natatawang sambit ko.
Nalipat naman sa akin 'yong atensyon nila at pareho silang kumuha ng unan at sabay nilang inihampas sa akin.
"Ay, mga hindot!" Syempre hindi ako papatalo, kumuha rin ako ng dalawang unan at inihampas sa kanila.
Tawa kami nang tawa nang matapos ang hampasan namin.
"Uwi na ako, baka hinihintay na ni mama 'yong barbecue niya." ani ko.
"Awts, mas mahalaga 'yong pagkain kaysa sa kaniya." sabay na tumawa sina Fein at Clarissa.
"Kaya nga eh, mas importante 'yong pagkain kaysa sa nag-iisa niyang anak na maganda." Ako naman ang tumawa nang sabay na ngumiwi 'yong dalawa.
"Umuwi na nga kayong dalawa." Taboy sa amin ni Clarissa.
---
"Bye, ingat ka." Kaway ko kay Fein, tumango na lang ito at nag lakad na paalis.
"Mudraaa! Here's your food na..." sabi ko pagkapasok ko sa bahay.
"Thank you 'nak!" Hinablot niya na sa akin 'yong plastic at nagmamadaling tumakbo papuntang kusina.
Umiling na lang ako at dumiretso na sa kuwarto ko upang mag bihis. At after noon ay humiga na ako sa kama at umiglip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top