34
iMessage
Kuya Evan
Today
Kuya Evan:
Malee sorry di pala kita mahahatid bukas.
May biglaang business meeting ako bukas ng umaga, ngayon ko lang nalaman. Pahatid kita kay kai, ayos lang ba?
Tas pag tapos ka na sa shoot, sabihan mo ko tapos na ko nyan. Sunduin na lang kita.
Malee:
enlo kuya !
okay lang naman poh pero okay lang poh ba kay kuya kai? pwede naman akoh mag-hire na lang ng driver ?
Kuya Evan:
Wag na si kai na. Nag-aalala pa ko sayo eh. Okay ka na ba? Kaya mo na bumyahe?
Malee:
okay naman na em
but ayoko sana 2 disturb his saturday > <
that's his time for kylie and milly kasi?
Kuya Evan:
Ayos lang naman nakausap ko na si kai. Tapos ka ihatid, doon na lang sila magkikita ni milly.
Meron ka nang number ni kai di ba? Kita na lang kayo sa parking.
Malee:
ocakes poh. treat koh na lang siya ng donuts to thank him !
Kuya Evan:
Di naman kailangan haha di mahilig sa matamis yun.
Malee:
:O
i see i see
ocakes ask koh na lang poh si ate milly :')
TWITTER
m. @onlyjameson
morning kuya jn ! ready na poh for ur 6:30 ritual <3
m. @onlyjameson
seeing kuya jn with his doggo in the morning is really a mood *-* takaw saur chootie :')
m. @onlyjameson
huhu my data sucks. i couldn't watch his live properly. sorry poh alaws muna transcript today :'(
iMessage
Kuya Evan
Today
Malee:
morning kuya koh !
here na em sa batangas
hinatid akoh ni kuya kai and ni kuya tripp
Kuya Evan:
Morning musta byahe nyo?
At sumama pala si tripp? Lokong yun nasalisihan ako. May sinabi ba sayo?
Malee:
wala naman poh? good thing nga he came w us kasi awks pa rin pag kami lang ni kuya kai t - t
i know he's dating ate milly and they're my ship talaga but i'm scared of him t - t
Kuya Evan:
Tahimik lang talaga yang si kai eh.
Nakaalis na ba sila?
Malee:
opoh now lang poh
is kuya tripp working?
Kuya Evan:
Ngayon? Hindi yata eh bakit mo natanong?
Malee:
coz our senior photographer took a liking to him. they exchanged socials bcoz bagay daw physique ni kuya tripp for modeling
i think he accepted it? may gig yata 4 him?
Kuya Evan:
Oh? Pero oo sumasideline nga si tripp noon nung college pero di naman seryosohan. Mga small brands lang kasi ayaw din ng magulang niya na magmodel siya.
Walang trabaho ngayon yan maliban sa pasakitin ulo ni kai.
Malee:
hihihi
i like their dynamics, kuya
kuya kai is scary but w kuya tripp around kanina, the ride to batangas became fun :')
he seems nice naman
Kuya Evan:
Naku malee ah? Sa iba na lang.
Maloko sa babae yan.
Malee:
wala naman poh em meaning doon !? >///<
Kuya Evan:
Alam ko naman yun pero basta wag si tripp ha? Barkada ko yan kaya alam ko takbo ng kalikutan nyan.
Malee:
:O
ocakes poh :')
Kuya Evan:
Pero cute ba talaga para sayo? Seryoso ka ba dun?
Malee:
slight ? but mas cute poh si kuya jn koh <3
Kuya Evan:
Hahaha syempre late drive mo pa rin ang panalo. Siya pinakaapproachable sa kanila no? Nakakausap ko naman yung iba pero si jn yung pinakamadaling makakwentuhan.
Malee:
that's my pogisaur :')
siya rin closest kay milly :')
Kuya Evan:
Pero doon siya kay xavi inaasar ng mga fan niya eh. Bat nga ba?
Malee:
kasi poh nagduet sila last album ng LD hihi
but si kuya jn poh lagi kawork ni milly sa albums niya
Kuya Evan:
Oh. Alam ba ni kai yan?
Malee:
whyket ?
seloso poh ba si kuya kai ?
Kuya Evan:
Hahaha oo. Noon. Ewan ko lang ngayon.
Malee:
:O
pero baka nde naman poh
kasi milly said platonic lang sila ever since
Kuya Evan:
Buti na rin. Mahirap magselos sa laging katrabaho. Lagi kayong mag-aaway.
Malee:
eurt :')
kuya i have to film another content with ate dani sa qc
can u hatid me din too ?
Kuya Evan:
Uy si dani? Hehe sige.
Malee:
:O
Kuya Evan:
Bakit? 😅
Malee:
why ganyan poh reaction mo kay ate koh ?
Kuya Evan:
Wala naman ah? 😅
Malee:
:O
Kuya Evan:
Wala wala 😅😅
Malee:
:')
TWITTER
m. @onlyjameson
» dito, sa ilalim ng buwan «
arthur miguel
0:01 ─〇───── 4:05
⇄ ◃◃ ⅠⅠ ▹▹ ↻
m. @onlyjameson
i'm still lss over this song :')
🃏 @fastandcurious
↪️ Replying to @onlyjameson
Morning! Arat almusal!
m. @onlyjameson
↪️ Replying to @fastandcurious
done na poh ! ikaw din poh eat na breakfast !
m. @onlyjameson
ikaw lang ang aking mahal 🥰
🃏 @fastandcurious
↪️ Replying to @onlyjameson
Iibigin kita na parang tala at buwan
m. @onlyjameson
↪️ Replying to @fastandcurious
hawak ang iyong mga kamay 🥰
🃏 @fastandcurious
↪️ Replying to @onlyjameson
sa liwanag ng buwan nagsimula ang lahat
m. @onlyjameson
↪️ Replying to @fastandcurious
fave koh na noon :') mas naging fave koh pa poh ngayon ! thank u ! 🥰
🃏 @fastandcurious
↪️ Replying to @onlyjameson
Haha kakarinig ko nyan malapit ko na nga rin maging paborito. Epekto mo! 👊
m. @onlyjameson
↪️ Replying to @fastandcurious
:')
meow @pusangkalbo
luh si ate mo girl may bagong kaclose na stan? bat may sparks?
mahal kita lods 💍 @jamesonswife
↪️ Replying to @pusangkalbo
pansin m0? pansin k0 nga rin ?? kakasama ng umaga !!
iMessage
Late Drive
Today
Kit:
Hahaha jn nyo palala na nang palala
Nixon:
Bakit? May ginawa na naman ba? Diba may schedule kayo?
Kit:
Hahaha tumakas kami kay Arlie
Kakatapos lang ng taping
Tas kakain sana kami sa mall
Hanap hanap ng makakainan tas pucha hulaan nyo ano ginawa nitong si jn
Xavi:
What? 😂
Kit:
Hahahaha huminto ba naman sa bilihan ng mga stuffed toys gago
May nakita lang na itlog binili kagad tokneneng talaga tong tropa nyo eh hahaha
Xavi:
For a fan?
Kit:
Ewan ko dyan
Dalawa binili eh
May syota yata to eh
Xavi:
Haha. What's up with the sudden fascination with eggs @Jameson?
You insisted to eat eggs for breakfast last time too.
Jameson:
Tsismosa talaga nitong si dok. Scooper ka ba lods?
Jameson replied to Xavi:
What's up with the sudden fascination with eggs @Jameson?
Cute kasi. Naalala ko fan ko ⤶
Mahilig sa itlog yun eh
Nixon:
Yung admin mo ba?
Loko ka, dude. Baka maging issue talaga na may paborito ka.
Kit:
Sus labo yun
Lahat naman nirereplyan at tinutweet nyan eh
Naalala ko nung bagong sulpot jamesonatics
Kung araw-arawin din nito yung mga yun eh kaya nga nagkaron ng maraming small accounts after eh
Baka yun yung technique para sumikat at magtrending araw araw hahahaha bossing talaga
Nixon:
Pero ingat pa rin. Wala naman masama maging magiliw sa kanila. Kung kaya ko lang, gagawin ko rin. Pero social media pa rin yan. Boundary pa rin. Di mo kilala mga tao doon at di mo rin makokontrol iisipin nila. Baka masamain kahit wala naman masama sa ginagawa.
Jameson:
Korni naman non
Minamahal ko lang naman sila, gagawan pa issue amp
Di ako papadaig sa mga malisyosong tao
Sa ganitong paraan na nga lang nakakapagpasaya eh
Nixon:
Basta ingat ka pa rin. Di lang naman ikaw madadamay eh. Pati fans mo.
Jameson:
Gege noted yan, lods
Xavi:
So is the stuffed toy for the fan?
Jameson:
Yup papadala ko na lang kay Arlie ulit
Nixon:
Bat dalawa?
Jameson:
Akin isa 😛
Kit:
Yie couple goals hahahaha
Rupok mo gago
Jameson:
Alam mo dok napakamalisyoso mo. Pinanganak ka bang ganyan? 😛
Kit:
Hahahahahah makapagsalita yung hindi ah?
Xavi and Nixon reacted with 😂
Xavi:
😂
By the way.
Nixon, nakausap mo na ba si Sir Jude?
Nixon:
Di pa. Bakit?
Xavi:
Galing akong office. Heard from the grape vine. Since the MV is such a hit, brands are scrambling to get you and Bea for commercial shoots. Pinaka-recent itong fastfood. Then there's another. Duet for an upcoming primetime.
Nixon:
OST daw?
Xavi:
Yeah.
Jameson:
Nice one, Ortegs 🎉
Papizza ka naman dyan
Nixon:
Pwede ba humindi? Ayos lang naman gawin pero masisingit pa ba yan sa schedule natin?
Xavi:
They'll make it work if you're up for it. I say go. Strike while the iron is hot.
Nixon:
Hays. Di naman sa di ako thankful pero namimiss ko na si Ran. Ilang linggo ko nang di nakakausap nang maayos kasi kung di ako ang pagod, siya naman. Gusto ko sana magka-free time eh.
Kit:
Isipin mo na lang tol na pakikiisa mo yan sa mga single na katulad ko hahahaha
Sakit kasi nung ganun eh
Yung pagod din naman kami ni jn tas puro kayo lang tatlo may nangangamusta
Jameson:
Ha?
May nangangamusta din sakin, lods
Sayo ba wala?
Kit:
Lul sino naman? Fans mong galante?
Jameson:
Sabihin mo lang kung nalulungkot ka na, dok
Pwede ko naman sila sabihan na isali ka sa binibigyan nila ng atensyon
Di naman tayo madamot dito
Kit:
Pakyu yabang mo hahaha
You reacted with 😘
Markus:
Hey.
Tuloy practice mamaya?
Jameson:
Oo raw
Pero hapon pa
Humirit ng pahinga si Xavi
Markus:
Sige.
Nixon:
May lakad ka, Estra?
Markus:
Abi.
Kit:
Awts
Kayo na nga kasi may mga girlfriend pangit nyo kausap
Jameson:
HAHAHA
Read the room daw, Kus. May nasasaktang inggitero
Markus:
👍
Xavi replied to Markus:
👍
⤷ Before I forget, are you still not interested in shooting for brands?
Markus:
Bakit ba?
Xavi:
We received another inquiry for you daw.
Markus:
Para san?
Xavi:
Endorsement. From a fashion brand this time.
Heard it's an underwear shoot 😂
Kit:
HAHAHAHA gago weh?
Boxers o brief daw?
Kit:
@Markus tangina lang tol pag pumayag ka dyan
Lahat inayawan mo tapos sa underwear ka lang pala papayag? Hahaha di mo na lang sinabi ganyan type mo HAHAHAHA
Jameson:
HAHAHA
Bagsik!
Hubadero ka raw ba, lods? 💪🏻
Markus:
Pass.
Kit:
HAHAHAHA bilis naman sumagot
Xavi:
Ayaw mo ba basahin yung proposal muna?
Why don't you take it? I've been seeing thirst tweets about you lately since JN accidentally showed you topless last live 😂
Nixon:
Di kasi nag-iingat yan eh. Kahit ako ilang beses na pinahamak nyan eh.
Jameson:
Sorry aken 😜
Markus:
Why don't you take it? I've been seeing thirst tweets about you lately since JN accidentally showed you topless last live 😂
⤷ Ayoko ng commercial. Sayang sa oras.
Jameson:
Mataas bayad dyan, Kus
Tanggapin mo na
Wala ka naman pake kung nakikita kang nakahubad hahaha noon naman pag mainit sa studio naghuhubad ka rin
Markus:
Iba na lang.
Kit:
Hahaha hubad na tol
O nahihiya ka ba?
Jameson:
Ha? Anong nahihiya e isa pa yang makapal?
Tinatamad lang yan 😜
Markus:
May matutulong ba yan sa banda?
Xavi:
Ofcourse. More noise is never bad. It's what the people love.
Markus:
Distraction lang yan.
Jameson:
Yun oh
Lods talaga eh
Pera na binabato pa 👌🏻
Kit:
Kaya nga hahaha
I nominate jn na lang
Para lalong mabigla fans nyan
Golden boy no more kamo
Jameson:
Wag, ssob
Baka lalo akong magustuhan ng mga tao
Pano ka na? Kawawa ka naman alaws na matitira sayo pag ganon ☹️
Kit:
Namo hahahah lamunin ka sana ng lupa
Jameson:
Labyu, pre
Iniisip ko lang kapakanan mo
Nixon, Xavi, and Markus reacted with 😂
Kit:
Pakyu ka isang libo
Jameson:
Ge lamats
Pa-gcash na lang
Nixon and Xavi reacted with 😂
Kit reacted with 🖕🏻
TWITTER
m. @onlyjameson
eggie ! 🥺
m. @onlyjameson
thank u poh !
m. @onlyjameson
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top