Chapter 3

Chapter 3

TOP

Kanina pa kami rito sa classroom pero wala kaming classes sa first two subjects namin kana naman tambay lang ang ginagawa namin rito sa room. Bawal rin kasi kaming lumabas kaya kanya-kanya kami ng ginagawa sa buhay. Si TaeYang busy sa phone niya kachat yata nito ang jowa niya kaya yung ngiti niya abot hanggang langit. Pero itong si JiYong kanina pa naka busangot pero selfie naman ng selfie. Hindi yata to nagsasawa sa pagmumukha niya. Pinopost pa niya bawat selfie niya napupuno na ng mukha niya newsfeed ko. Pero alam ko kung anong problema ng isang to e.

One week na kasing hindi pumapasok si ano tapos hindi rin nito pinapansin ang mga post ni Jiyong kaya yan nagkakaganyan ngayon. Kaya hindi narin ako magtataka kung umabot pa ng isang daan pictures ni JiYong ang makikita kung  pinost nito mamaya. Hindi ko nga rin alam kung bakit isang linggo ng wala ang babaeng yon. Ano kaya ang nangyari don? Makapag tanong nga sa mga kalahi niya.

"Hi Bom!" Tabi ko kay Bom

"Bakit!!" Sungit naman nito. Ang hirap talagang kausap ng isang to. Hindi mo pa nga natatanong susungitan kana agad. Para siyang menopause na babae. Natatawa naman ako sa idea na menopause na si Bom.

"Anong nginingiti mo dyan?" Inis nitong tanong sakin.

"Grave naman to." Biro ko sa kanya. "Wala! May naalala lang ako." Sabi ko pa .

"So ganon! Lalapit ka sakin tapos babatiin mo ko may maalala kana agad na nakakatawa ganon!? Lumayas ka nga rito! Alis!!" Tulak niya sakin.

Hay!! Suko talaga ako sa babaeng to. Oo na menopause na talaga siya! "Oky! Oky!" Taas kamay kong sambit sa kanya. Ang hirap niya talaga e approach.

"Ano na namang ginawa mo don?" Tanong sakin ni TaeYang sakin ng maka balik ako sa pwesto namin.

"Wala! Magtatanong lang sana ako ang kaso menopause naman yata yang si Bom sobramg sungit." Sagot ko sa kanya.

Natawa naman ito sa sinabi ko. Kahit nga ako natatawa sa salitang menopause. Para kasing menopause na talaga tong si Bom hindi siya kagaya ni Dara na positive lang parati. Si CL naman wala lang kong saan sa tingin non masaya don siya at si Minzy ayon seryoso parati sa goal niyang maging best president ng classroom.

"Ikw talaga! Bayaan mo na nga yang si Bom allergic kasi yon sa tao. Alien kasi yon." Natatawa nitong sambit. Tatawa na nga rin sana ako kaso biglang nagsalita si Bom sa likuran naming dalawa.

"ANONG SABI MO!!!"

Nagulat naman kaming na palingon kay Bom na nasa likod namin. Nandito pala siya. PATAY!

"Anong sabi mo!!" Gigil nitong hampas kay TaeYang. Ayan kasi. Buti nalang di niya narinig yung sinabi kong menopause na siya. "Isa ka pa." Hambas niya sakin ng bag na hawak niya. Aray! Ang sakit non ah.

"Bakit ako na damay?"

Gigil na gigil niya kaming tiningnan ng masama. Saka hinampas ulit ng bag niya. "Wag na wag kayong lalapit sakin. Lalo na kay Dara!!" Sambit nito saka bumalik sa pwesto niya.

Ha? Bakit naman nadamay si Dara? Wala naman kaming ginagawang masama don. Pero ang sakit non ah.

"Ano yon? Bakit nya sinabing wag na wag tayong lalapit kay Dara?" Bigla naman tanong nitong si JiYong.

"Bayaan mo nalang Bom meno na kasi yon. Wag mo nalang pansin." Bulong ko naman sa kanya. Kunong noo naman itong tumingin sakin saka tumayo at lumapit kay Bom.

Patay kang bata ka. Anong kayang gagawin niya? "Oy! Samahan mo yon." Tulak naman sakin ni TaeYang.

Tiningnan ko naman siya ng masama. "Bakit ako?" Tanong ko sa kanya. "Ikaw kaya sumama don." Tulak ko rin sa kanya.

"Tumahimik nga kayong dalawa. Ang ingay-ingay n'yo natutulog kaya kami." Reklamo naman ni DaeSung samin.

Maingay pala ha. Kinalabit ko naman si TaeYang saka nginuso si Daesang. Agad naman nitong na inyindihan ang ibig kong sabihin. Kaya hunarap ito kay DaeSung. "Ikaw nalang kaya sumunod don kay JiYong total wala ka namang ginawa kundi ang matulog dyan. Ikw nalang! Ayokong mabato ni Bom ng bullpen, libro o kahit na anong mahawakan niya kapag nakita niya akong lumalapit sa pwesto niya." Utos naman ni TaeYang kay DaeSung.

"Oo tama ikaw nalang." Hila ko naman kay DaeSung patayo saka tinulak siya papunta sa pwesto ni Bom.

Nagkakamot naman ito ng batok habang papalapit sa pwesto ni Bom. "Kita mo parang gusto ng kainin ng buhay ni Bom si JiYong. Ano kaya ang sinabi niya kay Bom at ganon nalang reaction nito sa kanya." Naioling na sambit ni TaeYang. "Parang nang aamoy away to ah." Dagdag pa nito.

Binatukan ko naman siya. Ang OA kasi masyado maka sabi naman niya ng nangangamoy away parang akala niya kay Bom lalaki at makikipag sapakan ito kay JiYong. "Ang OA mo." Sambit ko sa kanya.

"Anong OA don? Tingnan mo nga yung mukha ni Bom." Turo pa nito kay Bom. Oo nga parang anytime sasabog na talaga tong si Bom. Malapitan na nga lang. Baka ano pang sapitin ng mga kaibigan ko na yon kapag sumabok si Bom. Si Bom na parang Bomba.

"Oy! Saan ka pupunta?" Awat sakin ni TaeYang. "Kukunin ko lang ang mga kaibigan natin don bago pa sumabog si Bom." Sabi ko sa kanya saka lumapit kina JiYong.

"Hali kana Bro wag mo ng kulitin si Bom." Rinig ko naman aya ni DaeSung kay JiYong.

"Bakit ba! Nagtatanong lang naman ako sa kanya kung bakit isang linggo ng wala si Dara saka wala namang masama sa sinasabi at tinatanong ko ah." Inis na sambit ni JiYong rito.

"Awat na yan. Bayaan n'yo na nga si Bom." Sabat ko naman. Ito kasing si JiYong mainit na agad ang ulo.

"Pwede bang magsilayas na kayo sa harapan ko. Ikw!" Duro nito kay JiYong. "Sina sabi ko talaga sayong lalaki ka. Oras na umiyak ulit ang kapatid namin ng dahil sayo. Malalagot kana talaga sakin. Layas!!" Gigil na taboy nito samin.

"Iiyak? Wala naman akong ginawang masama kay Dara ah. Saka bakit ko naman siya paiiyakin? Anong bang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ni JiYong sa kanya. Kahit ako nagtataka rin sa sinasabi nitong si Bom.

"Lumalik kana lang. Alis!!" Taboy ulit ni Bom sa kanya.

"Bakit ba ayaw mong sagutin ang tanong ko." Pangungulit naman nitong si JiYong.

Hay! Ayaw talagang magpaawat ng mga to. "Alam mo umalis kana lang. Kasi wala kang alam." Inis na inis na sambit ni Bom.

"Paano ko naman malalaman e hindi mo naman sinasabi. Saka hindi mo rin sinasagot yung tanong ko sayo kung bakit  isang linggo ng absent si Dara." Naiinis na ring sagot ni JiYong rito.

"Pwede ba! Bakit mo ba ako kinukulit boyfriend kaba ni Dara? Diba hindi naman." Supalpal naman ni Bom kay JiYong kaya ito natahimik.

"Grave ka naman Bom hindi ba pwedeng concern lang kami kay Dara." Sabat ko naman sa debate nila.

"Concern my ass!"

Ay grave talaga ang babaeng to. "Hali kana nga JiYong.' Hila ko sa kanya sumunod naman si DaeSung samin.

"Ibang klase talaga si Bom." Naiiling na sambit ni DaeSung.  Agree naman ako sa sinabi niya. Ibang klase talaga si Bom.

Pero ano nga ba talaga nangyari kay Dara bakit kaya sinabi ni Bom na pinapaiyak ito ni JiYong. Nasaan ba kasi si Dara?

___

Next.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top