Chapter 2
Chapter 2
JiYong
Kanina ko pa napapansing nakatitig na naman sakin si Dara. Alam ko namang may gusto siya sakin. Pero hanggang ngayon pinipigilan ko parin ang sarili kong mapalapit sa kanya. Ayoko siyang masaktan kaya mas oky nang ganito. Masaya ako sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sakin. Para kasing ako lang talaga ang lalaking pinaka mahalaga sa kanya. Oky na sakin yon. Masaya na ako sa ganoong atensyon na nabibigay niya sakin.
Minsan natatawa pa nga ako sa kanya dahil kahit pa mahuli ko siya hindi parin siya umiiwas ng tingin sakin. Para bang naging isa na siyang statue na hindi gumagalaw ng dahil sa kakatitig niya sakin.
"Dara!" Tapik ni CL rito. "SANDARA!!" Malakas ng tamik nito kay Dara kaya naman napasubsob ito sa lamesa ng kanyang upuan.
"Aray ko." Rinig kong daing ni Dara. "Bakit mo yon ginawa?" Inis naman tanong nito kay CL.
"Kasi po tulala kana naman ryan kanina kapa tinatawag nitong si CL." Sabat naman ni Bom rito.
"Bakit ba kasi?" Inis nitong tanong kay CL. "Ang sakit kaya." Sabi pa ni Dara habang hawak ang kanyang noo.
"Sorry na." Sabi ni CL rito saka may binigay na papel kay Dara. Nakita ko namang agad tong binasa ni Dara saka ito kumuha ng libro at unti-unti ako nitong sinip. Tinitigan ko naman siya kaya agad nitong tinakpan ang kanyang mukha ng hawak niyang libro.
Napangiti nalang talaga ako sa ginawa niya. Tulala nga talaga siya kanina. Dahil kong hindi siguradong kanina pa ito nagtago sa libro o bag niya ang kanyang mukha. Hindi ko alam kong bakit nahihiya rin siya sakin sa tuwing timitingin ko sa kanya. Siguro dahil nga may gusto siya sakin kaya siya ganon. Pero masaya na ako sa ganon dahil alam kung wala akong kalaban sa puso niya. Ako lang talaga kaya kampante ako na hayaan muna siya sa ngayon.
"JiYong." Tawag sakin ni TOP. Humarap naman ako sa kanya. "Bakit?" Tanong ko.
"Meron tayong practice mamaya pupunta kaba?" Tanong nito sakin. Oo nga pala meron kamin Band Rehearsal mamaya pero may mahalaga akong pupuntahan mamaya. Paano kaya to?
"May lakad ako e." Alanganin sagot ko naman sa kanya. Hindi pwedeng hindi ako pumunta don mamaya kailangan nandon ako baka mamaya kung sino-sinong lalaki na naman ang lumapit sa babaeng yon.
"Saan ba lakad mo?" Tanong niya ulit sakin. "Sa dati." Sagot ko naman sa kanya. Naiiling naman itong napakamot ng batok niya saka humarap kay TaeYang.
Hindi ko talaga pwedeng pabayaan nalang basta ang babaeng yon. Masyado siyang mahalaga na sa akin para hayaan ko ang ibang lalaking makalapit nalang basta sa kanya.
"Hindi raw sasama si JiYong mamaya. Kaya wag nalang tayong magpractice sumama nalang tayo sa kanya mamaya total siya naman ang magbabayad ng mga kakainin natin don siya rin naman ang dahilan kung bakit hindi tayo magpapractice ngayon e." Rinig ko pang paliwanag ni TOP kina TaeYang.
Ang galing talaga ng isang to. Dinahilan pa talaga ang hindi ko pagsama sa practice para lang malibre ko sila ng pagkain nila.
"Libre mo kami ha." Sabi naman sakin ni TaeYang. "Oo na gusto nyo lang naman sumama sakin para magpalibre." Reklamo ko naman sa kanilang apat. Tumawa naman ang mga ito sa sinabi ko. Sasagot pa nga sana si TaeYang kaso biglang dumating ang prof namin.
__
Dara
"Gosh ang sakit ng katawan ko." Reklamo ko ng makalabas kami ng classroom. Sa wakas natapos na rin ang napaka habang discussion ni Prof. Sumakit na nga ang katawan ko sa tagal naming nakaupo don.
"Dara sasabay kaba sakin?" Tanong sakin ni Bom. Umiling naman ako sa kanya. May pupuntahan pa ako kaya hindi ako sasabay kay Bom ngayon.
"Hindi mauna kana meron pa kasi akong pupuntahan." Sagot ko naman sa kanya. "Saan punta mo?" Usisa naman niya sakin.
"Pupunta ako ng book store meron akong gustong bilhing libro don saka dadaan narin ako sa cafe nina Minzy mamaya." Sagot ko naman sa kanya.
"Sige mauna na ako mag-iingat ka ha." Bilin naman niya sakin. Tumango naman ako sa kanya. "Bye!" Kaway ko sa kanya.
"Ano kayang pwede kung sakyan papunta don? Maglakad nalang kaya ako mas oky pa yata yon. Malapit lang naman e." Bulong kong tanong sa sarili ko. Pwede ko naman na sigurong lakarin. Parang exercise narin siguro malapit lang naman yon.
Agad naman akong naglakad palabas ng campus namin ang kaso ng malapit na ako sa may labasan naka salubong ko naman ang grupo nina JiYong. Iiwas na sana ako ng tawaging naman ako ni TOP.
"Dara!" Nakangiting bati nito sakin. Alanganin ko naman siyang tinanguan. Hindi rin ako tumingin kay JiYong kahit pa nahahalata kong nakatitig ito sakin. "Saan punta mo? Himala yatang hindi mo kasama si Bom." Sabit pa nito.
"Nauna na siya may pupuntahan pa kasi akong book store." Paliwanag ko naman sa kanya.
"Hello, Dara!" Sabay naman bati sakin nina TaeYang at DaeSung. Nginitian ko naman silang dalawa.
"Hello."
"Baka gusto mong sumabay nalang samin?" Alok sakin ni TOP. "Madaraanan naman siguro namin yung book store na pupuntahan mo." Sabi pa nito sakin. Agad maman ako umiling rito.
"Hindi oky lang gusto ko rin kasing maglakad lang papunta don." Sagot ko rito. "Sigurado ko?" Tanong niya ulit sakin.
"Yeah!" Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Oky, bye!" Paalam naman nito sakin. Agad naman ako tumango sa kanila ng papaalis na sila.
"Bye, Dara!" Paalam rin nina TaeYang at DaeSung. Si JiYong naman tumango lamang sakin.
"Bye." Nakangiti kong paalam sa kanila. Nauna naman silang lumabas ng campus. Hay! Bakit ba sa damirami ng tao rito sa campus sila pa talaga ang makakasalubong ko.
Pero saan naman kaya pupunta ang mga yon? Wala ba silang band rehearsal ngayon? Sundan ko nalang kaya sila. Pero bakit ko naman gagawin yon? Kaya nga dapat lang na wag ko silang sundan dahil parang lalabas ng stalker talaga ako ni JiYong kapag ginawa ko yon.
Pero wala rin namang masama kung alamin ako kung saan sila pupunta at kong anong gagawin nila don diba. Hay! Bala na nga si Batman.
___
"Bala na talaga si Batman! Sana lang talaga hindi nila ako nahuli dahil nakakahiya talaga tong ginagawa ko para na talaga akong stalker. Malalagot ako nito kina Bom!" Sambit ko sa sarili ko habang sinusundan sina JiYong dito sa Mall.
"Nasaan na kaya ang babaeng yon?" Rinig kong tanong ni TOP. "Baka mamaya naligaw o naharang na 'yon ng mga masasamang tao sa daan. Bakit ba kasi hinayaan mong maglakad." Sambit pa nito kay JiYong
Babae? Sino kayang babae yon? Saka bakit dito pa talaga sa mall nila kikitain yung babaeng yon. Kaninong girlfriend yon? Kay TOP ba? Sana kay TOP nga.
"Pls. Sana kaya TOP nalang po. Hindi ko po alam ang mangyayari sakin kapag nalaman kong girlfriend ni JiYong yung babaeng hinihintay nila." Tahimik kong panalangin. Sana.
"Maghintay kana lang kasi." Sabat naman ni DaeSung.
"Kanina pa kaya tayo rito. Isang oras na tayo rito pagkatapos wala parin siya. Baka." Hindi na natapos ni TOP ang sasabihin nito ng bigla itong binatokan ni TaeYang.
"Tumahimik kana nga lang TOP. Talo mo pa tong si JiYong kung mag alala ka dyan e. Bakit? May gusto kaba don?" Biglang tanong naman ni to kay TOP.
Tinitigan naman ito ni JiYong na para bang naghihintay itong mabuti sa isasagot ni TOP. "Saan mo naman nakuha yang idea na may gusto ako don?" Natatawang tanong nito kay TaeYang. "Concern lang ako sa tao alam naman nating kung gaano ka clumsy yon diba." Dagdag pa nito.
Tumango naman si TaeYang. "Sabagay. Ang tagal nga niya." Sabi pa nito.
So hindi girlfriend ni TOP ang babaeng hinihintay nila! Girlfriend ba talaga ni JiYong ang hinihintay nila. Para naman naiiyak na ako sa iniisip ko. Hindi ko siguro kakayaning makita siyang kasama ang kung sino mang babaeng yon.
Ayoko na! Uuwi nalang ako. Tama! Mas oky pa sigurong umuwi nalang ako para hindi na ako masaktan pa lalo.
Tiningnan ko naman ulit sila bago ako nagpasyang umalis nalang sa pwestong pinagtataguan ko saka umalis.
"Gosh! Dara bakit kaba naiiyak dyan!" Bulong ka sa sarili ko habang pinupunasan yung luha ko.
___
Next..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top