Chapter 1


Chapter 1

Dara

"DARA!!!" Malakas na sigaw ni Bom sa pangalan ko galing sa unang palapag ng aming apartment.

"Sandali!" Pasigaw na sagot ko rin sa kanya. Bakit ba kasi nagmamadali ang isang yon. May hinihintay para ako sa IG ko. Baka mamaya magpost na si JiYong tapos baka hindi ko kaagad makita. Gusto ko pa namang ako kaagad ang pinakaunang naglilike ng mga post niya. Para naman manotice nya rin ako.

"D-aaara! Bakit ba ang tagal mong bumaba?" Salubong nito sakin. Sumimangot naman ako sa kanya.

"Bakit kaba kasi nagmamadali?" Tanong ko rin sa kanya. Namewang naman ito sa harap ko. "Kasi naman po malalate na po tayo dalawa 30 minutes nalang po ang natitirang oras bago magsimula yung class at nandito parin tayo sa bahay. Ayoko ko kayang malate." Explain naman nito sakin. Kinuha naman nito ang dala-dala kung bag saka ako hinila pa labas ng bahay.

"Hali kana." Sabi nito sakin. Sumakay naman ako sa kotse at agad naman itong pinatakbo ni Bom ng mabilis. Takot na takot talaga ang isang tong malate. "Wala na tuloy akong wifi." Reklamo ko sa kanya. Nagbuntong hininga naman ito.

"Magdata ka kaya. Saka pwede mo namang abangan yang post ni JiYong kahit nasa kotse ka ha. Bakit kailangan pa talaga parati tayo malate sa kakahantay mo sa mga post niya. Mas nauuna pa siya sayo sa school sa kakahantay mo sa mga post niya. Eh pare-pareho lang naman ang mga post niya puro mukha lang naman niya at ng mga kabarkada niya. Wala naman ng pinagbago pa don. Yung damit lang nila ang na iba." Litanya nito habang nagdadrive.

"Alam mo naman kung bakit diba. Gusto kung ako yung na uunang maglike at magcomment sa bawat post niya. Kasi kapag nauuna ako mas napapansin niya ako kaagad nalilike niya ang comments ko." Paliwanag ko naman sa kanya.

"Nilike lang yung comments mo na pansin kana agad? Di ba pwedeng naglilike talaga siya ng mga random comments." Sabi naman nito.

Tiningnan ko naman siya na masama. "Alam mo panira ka." Naiinis ko namam siyang pinalo ng suklay na hawak ko. "Ang sama mo parati sakin kapag si Jiyong yung topic." Reklamo ko sa kanya.

Parati nalang siyang ganyan. Ayaw na ayaw talaga niya kay Jiyong umaasa lang daw ako sa wala. Bakit ba siya ganya. Bakit di namang niya esupport tong feelings ko para kay Jiyong. Alam naman niya sa simula pa ng elementary crush na crush kona si Jiyong tapos ngayong senior high na kami mas mapapansin na nga niya ako e. Pero tong si Bom panira parati. Parati niyang sina sabi na masasaktan lang daw ako kaya wag na raw akong umasa pa na mapapansin ni JiYong tong nararamdaman ko.

"Alam mo ang sagot ko dyan. Babalik na naman ba ako sa simula?" Sambit nito sakin. "Ayoko na sa kanya nalang parati umiikot yang mundo mo. Mas maraming lalaki dyan na mas deserving na mapansin mo hindi gaya niya na wala namang paki sayo. Kaya kung pwede lang sana Sandara umayos ka. Oky!" Seryoso nitong sambit saka bumaba na ng kotse.

Hindi talaga siya supportive sa feelings ko kahiy kilan. Nasasaktan tuloy ang puso ko. "Hey!" Tawag nito sakin. Nagtatanong naman akong tumingin sa kanya. "Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ano na? Malalate na tayo tutunganga kalang ba dyan?" Tanong nito sakin. Ay! Oo nga pala malalate na ako. Mamaya ko nalang siguro titingnan yung IG ko. Sad kasi hindi ako ang pinaka unang maglilike at magcocomment don.

Panira kasi tong si Bom. "Pag isipan mo kaya ang sinabi ko. Hindi puro Jiyong nalang ang nasa isip mo. Bulong nito sakin. Hindi ko naman siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad saka pumasok sa loob ng room namin at umupo sa upuan ko.

"Oy! Bakit ganyan na naman ang mukh mo?" Usisa sakin ni CL. Tumingin na.an ako sa kany saka umiling. "Nothing." Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Bom inaway mo na naman to no?" Tanong rito ni CL." Tumingin naman ako kay Bom at hinintay ang sagot nito kay CL.

"Hindi ko siya inaway. Pinagsabihan ko lang yan. Hindi na.an kasi pwedeng nasa isang tao lang talaga naka focus ang buong attention niya. Kailangan n'ya ring tumingin sa iba para naman meron din siyng makikilalang ibang tao na pwede niyang maging kaclose. Isang taong mas higit pa kay JiYong." Paliwanag nito kay CL. Tumalikod naman ako sa kanya.

Ano bang dapat kung e-expect? Edi Wala! Kasi naman ayaw na ayaw ng isang to talaga kay JiYong.

"Hay kayo talagang dawala!" Naiiling na sambit ni CL saka ako kinalabit. "Ikaw wag kanang mag emote dyan kasi yung crush mo nagpost na ho ng pagmumukha niya kanina pa at mukhang hindi mo pa yata nakikita." Inform nito sakin.

Agad ko namang kinuha ang cellophane ko sa bag saka tiningnan ang bagong post ni JiYong.

"Ang cute..." Kinikilig kung bulong sa sarili ko.

"Kita mo iba talaga epekto ni Jiyong sa kanya nababaliw na yata yan e." Rinig ko namang sabi ni Minzy. Hindi k naman siya pinansin. Nilike ko agad ang picture ni JiYong saka ako magcomments. Sana makita nya parin ang comments ko kahit na halos isang libo na ang comments sa post niya.

"Sana po makita niya." Tahimik kong hiling.

___

Next...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top