💗Retreat

Obvious naman sa title na nagretreat kami :>

And syempre, papalampasin ko ba yung retreat ng walang crush moments? That's a no-no! Always grab the opportunity gaya ng lagi kong sinasabi dito.

But before that, shout out (ko raw siya) muna kay Ms_DimpleSimple na katabi ko sa bedroom! Ang haba ng retreat letter niya sakin kahiya lel.

So ayun, going back. Syempre may retreat letter ako kay crushie ko. Sabi niya may letter din daw siya sakin kaso naiwan niya sa bahay. Hmmm..? Aasa na ba ako? Syempre oo, marupok ako eh.

Ayun na nga. Ilang beses ako nagpuyat sa paggawa ng drafts ng letter ko sakanya. Feeling ko kasi kulang. Yah knoe? Ilang beses ko yun nirevise and such. Ilang tao na rin yung hiningan ko ng tulong at advice kung ayos na ba talaga. Feeling ko magagalit siya sakin. Feeling ko iiwasan niya ako pagtapos niyang basahin yun.

Kasi nag-confess na ako. Tho alam ko naman na alam niyang crush ko siya pero kasi nung nalaman niyang crush ko si sir (na napaka-slight lang compared sakanya) ay parang lalo siyang naging close and comfortable sakin. Kaya yah knoe! Di niyo maaalis sakin yung mangamba [/tears starting to form in my eyes; Omg naiiyak nanaman ako HAHAHA

Yaz! Ilang beses kong iniyakan yun. Tanong niyo pa sa mga beshies ko na tinanungan ko ng advice HAHAHA. Kashi eh!

Pero pinush ko! Sayang kasi yung chance eh. Sinabi ko na ako yung alyas "Barbie" na nagbibigay sakanya dati ng letter. Remember yung kwento ko dati dito na ako at si Barbie ay iisa? If u want, basahin niyo ulit.

Nilagyan ko na lang ng "P.S. Kalimutan mo na 'to agad after mo tong basahin #NoToMemoPlusGold #No" sa dulo para mabawasan kahihiyan ko. Dapat nga "P.S. Destroy after reading" kaso baka totohanin niya at sayang naman yung gawa ko hehez.

So ayun,
Hanggang sa dumating ang araw ng retreat...

Pag dating pa lang sa meeting place, nakita ko na siya hehez. Sadly di kami magkatabi sa bus :<

Edi nagsession muna. First session and first activity, sharing and iyakan part 1. Naiiyak at naluluha lang ako pero di ganun kahagulgol. Btw, 2 days 1 night lang kami kaya bitin :<

Tas nagbreak muna kami. Dahil di pa sinusurrender yung phones namin, syempre nagselfie kami. Oh, ano? Palag? HAHAHA Dalawa lang hihi shy aku ih. And nawp, wala 'to sa ig stories ko hehe. Sa ra ko lang sa epbi kaya bawal niyo makita blehhh HAHAHA

So back to session hall. Activities, ganun ganern, and such. Yung mga ginagawa lang sa retreat. Tas maggagabi na, kaya pinagpahinga muna kami sa bedrooms namin. Syempre hiwalay yung girls at boys. Sayang HAHAHAHA CHAROT

Nung palabas na kami ng session hall para i-lead na kami sa magiging rooms namin, syempre sabay sabay kaming lumabas. Di uso pila samin eh HAHAHA At syempre tinabihan ko siya.

Tas aakbayan ko na sana yung prennyq na laging nagcocomment dito sa crush layp hehez. Hindi si crush yung aakbayan ko syempre HAHAHA Shy nga kashi akuh hihi

Nasa harap kasi namin si prenny kaya ayun na nga, aakbayan ko na sana siya tas si krassq biglang hinarang yung kamay niya TAS HINAWAKAN NIYA YUNG KAMAY KOOOOO

MGA BAKLAAAAA HINAWAKAN NIYA YUNG KAMAY KO IHHHH

Tas nagtitigan kami. So nung aakbayan ko na ulit si prenny ko, hinawakan niya ulit yung kamay ko eyyyy HANUBA KRASS MARUPOK AKO HIHI

Tas ayun, pinalabas na nga kami ng teachers namin keye eyen ne ehhhhhh

So ayun nagpahinga muna kami. Tas bumalik ulit sa session hall then nag dinner kami. Sadly, di kami magkatabi sa dining area.

Then back to session, this time magkatabi na kami. Tas umiyak siya nung nagbigayan na ng letters from parents huhu. Nakakaiyak siya umiyak srsly.

Tas may activity na nagpapalitan ng candles. Syempre nagpalitan kami hehe ano palag? Pero di talaga ako umiiyak kahit naiiyak na ako kasi di ako maiyak. Nangingilid lang yung luha pero pag nag blink ako ilang beses, wala na.

And the day ends..

Kinabukasan...

May activity muna konti tungkol sa kung ano nilalaman ng puso namin. Syempre nandun si crush HAHAHA

Then ayun naaaaaa yung bigayan ng retreat letters from
friendsssss and classmatessss aaaaaaccckkk

Grabe yung kaba ko habang binabasa niya yung letter ko sakanya. Nakangiti siya na parang ewan. Mga ilang seats lang layo ko sakanya nun kaya kitang kita ko reaksyon niya. Tas after niya basahin yun, nakangiti siya tas sumandal pa siya sa bessy niya na boy jozkopo. If that was a normal day, ship ko sila ng slight nung bessy niya PERO HINDI EH. KINAKABAHAN TALAGA AKO. NATATAKOT AKO SRSLY. PERO DAHIL MARUPOK AKO, UMASA AKO.

I feel sorry tuloy sa hawak kong retreat letter for me that time kasi di ko nababasa ng ayos dahil nasakanya yung atensyon ko. Kaya after nung time for us to read our letters, inulit ko na lang basahin lahat kasi na-touch naman ako kahit papaano.

So tapos na nga yung time. BIGLA SIYANG TUMABI SAKIN OMG

Naalala niyo yung sabi ko kanina? Yung P.S. na nilagay ko?

Hinawakan niya yung kanang balikat ko na parang inaakbayan ako (siyempre assuming ako) at sinabing...

"Makakalimutan ko ba 'yun?" sabay pisil sa braso ko

OMG CAN YOU HEAR ME CRYING?!

YUNG LUHA KONG NAIPON SA FIRST DAY NG RETREAT, BUMUHOS RIGHT AFTER NIYA SABIHIN YON, GRABE TALAGA NAPAHAGULGOL AKO TAS TUMAWA LANG SIYA. SINABI NIYA PA NA "Diba gusto mong umiyak?" OO GUSTO KO PERO KAGABI YON DI NA NGAYON MYGHAD

AAAAAAAAAAACCCCCKKKKKKK AATAKIHIN AKO SA PUSO! NAIIYAK AKO HABANG TINATYPE KO 'TO HAHA SKL NAMAN

*sniff sniff*

Tas di ko na alam yung nangyayari HAHAHA. Basta ang alam ko, pinaalis na siya ng mga prenny ko. Narinig ko pang "Alam mo na ngang marupok yung tao ginaganyan mo pa."

Tas tumayo na siya at sinabi pa na "Natuwa kasi ako sa letter niya sakin."

Basta di ko na maalala HAHAHA. Nawala kasi talaga ako sa sarili ko non dulot ng pagiyak lel. Basta yon.

At diyan nagtatapos yung kwento ko tungkol sa retreat namin.

Pero whoops, meron pa kinabukasan. Yaz, may pasok kami after retreat hmp.

Dahil lahat kami pagod, konti lang pumasok. Kaya nag-merge yung lahat ng sections ng grade 10 at nagtotal kami ng 41 students lang. Less than half ng population ng grade 10 ay hindi pumasok.

Edi syempre, tinabihan ko siya. Kahit saan naman pwedeng umupo eh. Edi sa tabi na niya diba?

So nagklase and achuchuness and such. Naghanap ako ng tamang timing para tanungin siya sa reaction niya sa retreat letter ko at bakit siya natuwa HAHAHA

So ayun na nga. Nagsharing lang naman kami sa Christian Living naman tungkol sa retreat kaya yun na yung time para tanungin ko siya.

non verbatim
Me: *tingin sakanya*
Crush: *tumingin sakin*
Me: *syempre lalong rumupok* Ano nga pala masasabi mo sa retreat letter ko?
Crush: *ngumiti morelike evil grin* Retreat letter mo sakin? *laughs silenly*
Me: Bakit ka tumatawa? *pabebe pout*
Crush: *tas may tinanong siya about sa sinabi ko sa letter na syempre secret na namin*
Me: *syempre sinagot ko siya hihi*
Crush: Bakit ka kasi umiyak nun?
Me: Eh kasi ikaw. Bakit ka kasi lumapit sakin?
Crush: Magte-thank you sana ako. Di ko naman alam na iiyak ka.

SYEMPRE MARUPOK AKO KAYA AKO UMIYAK. AGIK KA BA? HAHAHA BASTA YON IHH KINILIG NAMAN AKO

So ayun. Share ko lang naman lahat yan. Bigyan niyo nga ako advice :<
Ano bang masasabi niyo sa mga kwento ko? Comment naman.

Gusto niyo ba mangyari din sainyo ng crush mo yung mga kwento ko? Just click the little star and ta-da! It becomes orange. Magic!

Thanks for reading! God bless your crush life! Lovelots!








QOTD:
Anong codename mo sa crush mo and why?



11-24-18
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top