❤Paano manligaw?

Soooo, tuturuan ko kyong manligaw 😳😂

May nanghingi sakin ng advice, si kuya boy, paano daw ba manligaw sa abno, ayaw sa chocolates, allergic sa bulaklak, ayaw sa love letters, at lalaki kumilos? Pareho naman daw kasi kaming makulit pero di daw abno (di nga ba?😂) baka daw matulungan ko siya.

Kailangan pa bang manligaw? Kayo na agad HAHAHA charr, Syempre dapat kailangang manligaw. Kahit kayo na ay dapat nililigawan pa rin yung babae. Di porket nakuha niyo na ang matamis na "Oo" ay wala na.

Okay, ang masasabi ko lang mukha ba akong nanliligaw? HAHAHHA pero syempre tulungan kita.

Ang i-a-advice ko ay di ko pa naexperiece. Hindi dahil 'di ako nanliligaw at wala akong balak manligaw, kundi dahil di pa ako naliligawan >.< Kaway kaway sa mga NBSB/NGSB jan!!👋🏻👋🏻 Meron pa ba?

So ayun etong mga mababasa niyo ay imaginations ko lang, mga napapanood sa tv, nababasa sa wattpad, naririnig sa radyo, mga tulong ni beautifulSKYLE at ni HollyMahWifue , at kung ano ano mang source.

Kahit di kayo yung nanghingi ng advice, basta lalaki kayo na gustong manligaw, o babae na gustong maligawan, basahin niyo ang update na ito. Kundi, tatanda kayong dalaga at binata.

[Note: Yung isang nanghingi ng advice, next ud na lang po. Halos sabay po kasi kayong nanghingi ng advice. First chat, first update. So next update: Paano mag move on?]

↖(^ω^)↗ ↖(^ω^)↗ ↖(^ω^)↗ ↖(^ω^)↗ ↖(^ω^)↗

Step 1: Magpaalam

Kahit nakapagpaalam ka na sa magulang, magpaalam ka rin sa liligawan mo. Di naman yung magulang liligawan mo eh.

Baka magulat yung babae kung ano ano yang ginagawa mo, matanong ka pa ng "Anong ginagawa mo, baliw ka ba?"

Step 2: Bigyan ng mga bagay na gusto niya at kailangan

Sayang ayaw ni ate gurl ng chocolates. Kung sakin may manligaw, gusto ko bigyan niya ako ng isang dosenang Cadbury (yung tig-₱100) kada buwan.

So kung ayaw, de wag mo bigyan enebe. Bigyan mo ng mga pagkain na gusto niya. Maaring libre, syempre naman instant date na yon. O kaya kung marunong kang magluto, edi magluto ka. Mas maaapreciate yun ng babae kung ikaw mismo gumawa.

Kung hindi ka naman marunong magluto, pwedeng bumili ka kahit mumurahin basta worth it pag mula sa puso. Tas pwede mo rin siyang isama sa mga kainan kahit sa tabi tabi lang basta worth it pag magkasama kayo.

Syempre yung kinakain niya ang ibigay mo ah baka di niya kainin. Ibigay mo yung favorite niya.

Lagi mong ilibre sa canteen ng school niyo sa darating na pasukan.

Dalhin mo sa KFC tas bili kayo gravy.

Okay, after ng food, mga gamit gamit sa paligid.

Di niya nabanggit yung teddy bear, pwede mong iregalo sakanya yun. O kung ano mang stuffed toys o dolls.

Bigyan mo rin kung anong gusto niya. Kunwari kung kpop fan siya, regaluhan mo ng kpop things like stickers, bags, o kaya ticket sa susunod na concert tiyak sasagutin ka nun. Kung hindi naman siya fan, kung sino man yung idol niya, bilhin mo yung mga stuffs nun.

Dapat rin yung magagamit ni ate gurl. Bilhan mo ng school supplies para sa darating na pasukan. Specially ballpen, yan ang madalas na nawawala. O kaya libre mo na yung tuition niya pati uniform.

Kung mahilig siya sa wattpad, bilhan mo ng wattpad books. Samahan mo na rin ng bookmark. Basta kung ano man ang hilig niya.

Simple gifts like headband and hairclip will do. Samahan mo na rin ng suklay, shampoo, at conditioner if you want.

Syempre bigyan mo rin yung mga magulang niya. Syempre future parents mo na kung nagkataon.

At dapat, ikaw ang magbigay. Bawal ipabot sa iba. Pwedeng nakagift wrap para surprise. Pero dapat yung gift wrap may something to do sa gift. Baka naman napakalaki nung gift wrap tas laman keychain. Sayang yung expectation ni girl.

At ang pinakamahalaga, dapat pera mo gamitin mo. Mahiya ka naman kung pera ng mga magulang mo. Liligaw ligaw eh walang pera. Kaloka😂

Step 3: Quality time

Lagi mo siyang samahan, but not all the time. Baka naman kasi yung tipong iihi o tatae eh sasamahan mo pa.

Sa darating na pasukan, pwede mo siyang samahan sa mga friends niya kumain tuwing break. O kaya magpaalam ka sa mga kaibigan niya kung pwede mong masolo si ate girl. Syempre magpaalam ka rin sa mga kaibigan mo baka akalain nila bigla kang nawala.

Pwede mong dalhin yung mga gamit or bags niya pag papasok na at sa uwian. Pwede ring antayin mo na siya sa gate nila at sabay kayong pumasok at umuwi ng school.

Kung malungkot siya, edi pasayahin mo enebe. Tulungan mo siya kung may problema man. Kung ayaw niya namang pagusapan, eh wag mong ipilit. Basta just be at her side to calm her down. Ik4W lN6 s4p4t Nu4h.

Lagi mo siyang ichat or text or call. Good morning and good night messages, kahit hindi sweet okay lang. Kikiligin pa rin yun pag sayo nanggaling.

Basta lagi kang magparamdam. Di mo kailangan maging multo para magparamdam. Just be with her always but not all the time. You know your limits. Baka kasi sa sobrang lagi mo siyang sinasamahan eh na-o-awkwardan na siya. Syempre iwan mo rin kahit minsan para magka-time parin sila ng parents/siblings at ng friends niya, pati kayo ng friends mo.

Kung ayaw niya ng love letters, bigyan mo ng hate letter HAHAHA joke lang. Wag yon. Di ka sasagutin nun😂 Pero I think kung bibigyan mo ng love letter, kahit ayaw niya nun basta sayo nanggaling kikiligin at matutuwa yun. Lalo na kung handwritten. Kahit pangit yung sulat mo at mali mali yung spelling at grammar, basta pinageffortan mo yung letter worth it pa rin yun. Wag lang jeje baka di niya mabasa. Pero pwede din. Bala ka😂😂

Kung lalaki kumilos gaya ng sabi mo, sakyan mo trip niya. Pero kahit lalaki pa yan kumilos, respetuhin mo pa rin siya bilang babae.

Sakyan mo lagi yung trip. Kung mahilig siyang mag wattpad, samahan mong magbasa. O kaya paunahan kayong matapos ang isang libro mga ganern. Basahin niyo stories ko HAHAHAH sumesegwey, Promote promote.

Kung mahilig manuod ng kdrama, samahan mo ring manuod.

Kung mahilig sa sports, samahan mong maglaro.

Kung mahilig mag musical.ly o dubsmash, samahan mo. Follow niyo na rin ako sa musical.ly, christinaannas HAHAHHA.

Kung mahilig kumanta, kantahan mo tas mag-gitara ka na rin.

Haranahin mo kahit panget yung boses mo worth it parin basta ikaw yiieeeee.

Kung hindi ka marunong mag gitara, kung anong instrument na lang na kaya mong i-play ang ipatugtog mo. Kung hindi ka marunong ng kahit ano, patulong ka sa mga friends mo, sila magpe-play ikaw kakanta.

Basta kung anong hilig niya, samahan mo. Pero wag mo naman sanang kalimutan na may kaibigan at pamilya kayo parehas. Wag sa isa't isa umiikot ang mundo ahh.

Manghingi ka na rin ng mga panliligaw tips sa tatay, tito, kuya, pinsan, kaibigan, kapitbahay, o kung sino mang lalaki. Pwede rin sa babae at tanungin mo sila kung paano nila gustong ligawan.

Yun lang muna? Yeah! Sana may natutunan.

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note-\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯

Sana naman may natutunan kayo at kung napangiti kita sa update na ito, pindutin niyo yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito.

Nais ko ring malaman ang iyong mga saloobin, hinanakit, o kung ano mang magpapatahimik ng kaluluwa niyo sa update na ito sa pamamagitan ng pagcomment.

Kung nais mong may mapagusapan tayo tungkol sa inyong crush, i-comment mo lang rin ang mga topic na gusto mo kahit di ka gusto.

Kung manghihingi ka naman ng advice tungkol sa problema mo sa crush mo, mag-pm ka lang sakin at gagawan ko ng paraan upang makatulong.

Salamat sa pagbasa! Mahal ka ng Diyos! Kitakits ulit sa susunod na update.

Next update: Paano mag move on?

06-01-17
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top