❤Paano layuan si crush?
Annyeong!
May nanghingi sakin ng advice. Sorry ko kung isang linggo at ilang araw na ang lumipas bago ko napost ah. Long test kami namin last week, parang pre-exam ganern kaya hope you understand. Tsaka nabanggit ko naman sa mga last updates ko na umasa na kayong nagpapaadvice sakin na matagal kong mapost pero di yan aabot ng buwan. So, sorry talaga!😖
Paano nga ba layuan si crush?
This update is not just for the one who ask an advice from me but also for all the human beings who feel the same too. So let's get started.
^.^ ^.^ ^.^ ^.^ ^.^ ^.^ ^.^
Operation: Layuan si crush
1. Pag nakakasalubong mo siya, umiwas ka
Kumaliwa o kumanan ka o kaya tumalikod ka. Umiwas ka ng daan. Kahit saan.
Pero kung makakasalubong mo na talaga at wala nang daraanan, wag ka ng umiwas. Wag mo na lang pansinin.
Alam kong mahirap magpigil ng kilig. BUT you must, kung ayaw mo, you're free to wait for the next update😂
Pag nanjan sia, act normally.
Kung may kasama ka, pansinin mo yung kasama mo at yung kasama mo ang kausapin mo.
Kung magisa ka lang, tingnan mo yung sahig (na laging sumasalo pag nafo-fall ka) dahil baka matapilok o mapatid ka.
2. Wag mo siyang hanapin
Nilalayuan mo nga tas hahanapin mo? Aba magaling!
3. Wag mo siyang iisipin
Think of something else aside him.
Isipin mo yung mga assignments and other school works dahil malapit na ang March. Kailangan mo ng isipin yung mga requirements niyo sa clearance.
Isipin mo yung mga magulang or guardians mo na nagtataguyod para mapa-aral ka lang.
Isipin mo yung mga kaibigan mo na laging nanjan para sayo.
Isipin mo si Lord na gumawa ng lahat.
Isipin mo ang sarili mo na nagpapakatanga sa kanya. Maawa ka sa sarili mo.
Magisip ka ng bagong crush, yung di ka masasaktan.
Gawin mo yan ng paulit ulit hanggang sa masanay ka at wala ka ng pakialam sa kanya. Well it was proven and tested by yours truly.
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note-\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Kung meron rin kayong mga crush problems or something at kailangan niyo ng tips or advices, feel free to PM me. Pwede rin pong i-post sa wall ko. But expect na late reply o late ko ma-po-post ang aking advice pero pagsinabi kong soon or next update, hindi naman ako paasa na paaabutin ng isang buwan, mga tatlong linggo pwede pa. Basta i-po-post ko. Gaya nito. Sorry ulit kung late ko napost.
Just comment yung gusto niyong pag usapan natin next update.
Pindutin yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito kung ito'y inyong nagustuhan.
Yun lamang po, sana makatulong. Salamat sa pagbabasa!
P.S. Gagawa na ako ng Crush Layp facebook page😂
PPS. May once ba dito? Kaway-kaway👋🏻
Mahal ko kayo! I love you! 사랑해요! Te amo!💕💞
02-26-17
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top