💙New Treatment
So may nanghingi ng advice sa akin..
Tanong: Paano po kung alam niyang crush ko siya at alam din ng friends niya, may nagbago sa treatment niya saakin mas naging mabait siya sa akin, what does it mean?
My advice:
May tatlong uri ng tao pag nalaman na may nagkakagusto sakanila: yung nangiiwas, yung walang pake, at yung walang magbabago sa treatment niya sayo. Kung friends kayo, friends pa rin. Kung di kayo close, di pa rin kayo close.
May tatlong pwedeng dahilan kung bakit parang bigla siyang mas bumait sayo.
Una, baka gusto ka rin niya at nagkaroon siya ng confidence magpakita ng feelings niya nung nalaman niya. Lagi 'tong nasa isip natin tuwing may ginagawang mabuti yung crush natin sa atin. Malay mo naman totoo.
Pangalawa, baka paasa lang siya. Kung alam mo na may ganoon siyang ugali, baka pinaglalaruan ka lang. Lumalaki kasi ulo ng iba pag nalaman nilang may nagkakagusto sakanila. Feeling nila ang gwapo gwapo nila.
Pangatlo, baka ayaw ka lang niyang masaktan at umasa sakanya. Or ayaw niyang masira yung friendship niyo.
Pakiramdaman mo rin muna kung nagfi-feeling ka lang or talagang may something sa ginagawa niya. Kung di mo matiis, tanungin mo siya ng harapan kung pinapaasa ka lang ba or what.
Yun lang. Sana may natutunan :>
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
You can also ask me your crush problems or share your crush kiligable moments through messaging me. Magisip na rin kayo ng ita-title para di ako mahirapan magisip kundi mabababoy charrr~ Hirap po magisip hehehe. Baka i-title ko random numbers and letters charrr~
Mga gustong sabihin ng kaluluwa mo? Comment down↓
Crush ka ba ng crush mo? Vote if yes. If not, click that little star and it will turn to color orange.
God loves you! God bless!
05-01-18
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top