💗Nag LQ Yung Crush Ko Pati Jowa Niya Dahil Sakin
Eyow wazzup? It's been exactly one month na pala since the last time na nag update ako. Happy Independence Day! O sige humugot kayo.
Btw, pasukan na namin nung June 10. Wala pa rin akong nahahanap na bagong set of crushes for this school year :< Kayo ba?
Anyways, dahil nga wala pa akong bagong crush, stick tayo dun sa crush ko, yung tinutukoy ko nung moving up na magdadalawang taon ko nang crush. Lumipat kasi siya ng school kaya I'm sad :<
Ever since moving up, hindi na kami naguusap or nagchachat. Tho one time nag wave ako sakanya tas nagwave back siya tas nagwave ako ulit tas sabi niya yo sabi ko rin yo then na seen ako. Well hindi lang naman siya yung winewave ko nung bakasyon, bored lang talaga ako kaya nagwave ako sa mga online.
Eto namang jowa niya, dalawang beses pa lang kami nakakapagchat, nung moving up na shinare ko nga dito tsaka nung May 24 which is nagsend siya ng screenshot ng vlog ko nung moving up (MYGHAD BAKA NABASA NIYA YUNG MOVING UP UPDATE KO DITO SA CRUSH LAYP AAACK) tas sabi niya ano ginagawa ko myghad. Edi kinamusta ko rin siya tas sabi okay lang naman then sabi ko buti naman then na seen na rin ako.
So here is where the story begins. Gamitin ulit natin yung codename na ginamit ko dun sa update ko nung moving up. Kenji as my crush. Koko as his jowa. Hindi na lang ako gagamit ng screenshots for their privacy na rin and ang cringe kasi eh lol.
Kahapon chinat ako ng crush ko. Weird nga na hindi ako kinilig lel. Ang dami niya kasing chat so I was like "problema nito?".
Tinanong ako ni Kenji kung nagchat ba raw kami ni Koko kasi hindi raw siya pinapansin tas itanong daw sa akin kung bakit. Ano ba raw sinabi ko. Galit yung jowa niya sakanya at hindi sinasagot video call niya.
Bruh, syempre, I was clueless. Ano nga bang ginagawa ko? Wala talaga. I dunno what to react. Sabi ko ba't naman ako nadamay? Inosente ako. Totoo naman talaga. Wag niyo ako i-judge. Sabi niya, hindi niya rin alam.
Hindi na talaga ako mapakali noon tas chinat ako ni Koko. Nagsorry siya. Tinanong ko kung bakit. Nagseselos daw kasi siya. Edi cinonfront ko na. Sinabi ko na chinat ako ng jowa niya kasi hindi niya pinapansin at itanong sa akin kung bakit. So sabi ko bakit naman siya magseselos sa akin? Wala talaga akong idea.
Sorry siya nang sorry. Sabi niya ang imma at isip bata niya raw kaya sorry talaga siya nang sorry. You know I'm so soft sa mga salitang "sorry" at "thank you". Marupok ako sa mga salitang yan. It's either in a fluttering way or in a guilty way. Kaya sabi ko wag na siya magsorry, okay lang I understand kasi bata pa naman talaga sila. Lalo akong nagui-guilty kahit wala talaga akong ginagawa kasi sorry siya nang sorry.
Tinanong ko kung may nagawa ba ako para magselos siya tsaka sorry na rin kung meron man. Sabi niya wala naman at puro sorry talaga sinesend niya. Sabi ko wag niya na akong pagselosan kasi friends lang naman talaga kami. And I accept her apologies.
Nahihiya raw siya sa akin at hindi niya alam yung sasabihin niya kaya sorry siya nang sorry. Lalong nagugulumihan ang utak ko pag nagsosorry siya eh. Nagsorry siya dahil nadamay pa ako, dahil nagulo ako, dahil di ako makapagisip nang ayos at dahil naiipit ako sa sitwasyon nila. Nagsorry nga rin yung crush ko kasi nadamay pa nga raw ako. Sinabi ko kasi both sakanila na ayusin nila yan at hindi ako makakatulog neto. Ayoko kasing maging dahilan ng breakup nino mang magjowa kahit na crush ko pa yan. Any kind of relationship, mapa-friendship man yan ayokong maging dahilan para mag friendship over sila or such. Makakaattend ba ako ng concert ng Twice pag ginawa ko yon? Hindi naman dba? So bakit ko gagawin yon? Masisira lang pangalan ko don.
So tinanong ko sila both kung ayos na ba sila. Sabi ni Kenji hindi pa. May kasama daw siyang babae sa pic like wtffff lande ko kasi nagpopost pa ng picture namin ng crush ko lel pero noon pa yon. Buti na lang pagchat ni Kenji non, nagchat na rin ako kaya naiba yung topic. Sabi ko nga na chinat ako ni Koko. Tas tinanong ako kung ano sabi edi sinabi ko kung ano sabi. "Sabi niya nagseselos daw siya sakin pero BRUH WALA AKONG GINAGAWA! ALAM MO YAN! DI NAMAN KITA NILALANDI DIBA? NATAKOT AKO NUNG SABAY KAYONG NAGCHAT SRSLY DI KO ALAM GAGAWIN KO". Copy pasted sa chinat ko talaga. Letse nagreact pa ng haha, nakakatawa yon?
Naistress na talaga ako kasi umaga pa lang naiiyak na ako kasi senior high na ako lel tas wala pa akong mga friends sa classmate ko. Kasi nga dba alam niyo naman na introvert ako at hirap na hirap talaga ako makipagkaibigan lalo na pag ako yung magaapproach. Okay, it might be a lame reason para sa iba lalo na sa mga friendly jan na in just a day friends na lahat ng 50 niyang kaklase plus meron pang sampung new friends sa ibang section. Tas naiiyak na rin ako dahil sakanila. May pinagdaraanan na nga yun tao tas sasabayan pa nila eh wala naman talaga akong kasalanan. Masakit yun sa part ko. Eto yung kinatatakutan ko, yung ako mismo magpush sakanila na magkaayos. Well, obviously pag nagaway yung crush mo tsaka jowa niya matutuwa ka and will wish for their break up. Yeah, tbh same, but not pag ako yung reason. Kung matutuwa ka pa rin kahit ikaw yung rason ng breakup ng crush mo tsaka jowa niya, ibahin mo ako. Edi hindi ko na sila nireplyan at sabi ko ichat na lang ako kung nagkaayos na sila.
Kumain muna ako ng dinner. Actually kanina pa ako inuutusan ng nanay ko na kumain na kaso hindi ako makarespond kahit in person kasi nga shook akez. So sa sobrang pagkalutang ko, imbes na magsasandok ako ng kanin, tumayo ako sa harap ng lababo at aabutin ko na yung baso ko pangtoothbrush nang bigla akong tinanong ng tatay ko kung ako na ba raw magsasandok ng kanin. I was like "ay o-opo" tas hinawakan ko yung dispenser. "Ako na po talaga" tas hinawakan ko yung tinidor like wtf will sandok the kanin with a fork.
Tas pag online ko ulit, nagsorry nanaman si Koko at nagsorry din gamit account ni Kenji -___- Nahiya ako sa mga pinagchachat ko noon sa crush ko. Nagkaayos na daw sila. Sabi niya I can hate her if I want to but sabi ko No, I wont. Why? Dahil lang jowa siya ng crush ko. Bruh that's lame. Naiintindihan ko naman. Yung mga pinagpopost ko kasi sa ig leshe, ngayon lang ata natunton instagram ko HAHAHA. Inaadmire niya raw kasi ako sa ganda at talino ko plus my humor at mabait din daw ako kaya she likes stalking me. Well I dunno. Sinabi ko I'm not that pretty kasi nakukuha yan sa edit bago ko ipost. Hindi rin ako matalino, sadyang hindi lang bobo, tanga lang. Lalong lalong hindi ako mabait. Kung ganyan din tingin niyo sa akin, that's a no no please. My humor? May sense of humor ba ako? Corny ko nga eh.
So ayon, taena niyo HAHAHAHA WALANG FOREVER MAGBEBREAK DIN KAYO BASTA OUT AKO JAN cHAR HAHAHA
"No, I wont hate you. Mabuti naman at nagkaayos na kayo. Nakakahinga na ako ng maluwag. Hala wag niyo na talaga uulitin yon ah aatakihin na ako sa puso neto. Sorry din kung may nagawa ako na nakapagselos sayo. Sana we become close friends or bestfriends if ever. Lovelots!❤"
-Chat ko kay Koko
"Mabuti naman na nagkaayos na kayo. Nakakahinga na ako ng maluwag. Sorry kung may nagawa man ako. Wag niyo na uulit yon ah aatakihin talaga ako sa puso. Feeling ko pinagbintangan akong pumatay ng tao na hindi ko naman kilala. Wishing you all the best!❤"
-Chat ko kay Kenji
And it's best to break up at sakin ka na lang charot HAHAHA So ayon, nagchat pa kami both ng ilan then ayon. Tinatamad na ako mag type.
Salamat sa pagbabasa! Nagenjoy ba kayo? Comment your thoughts naman at kung kanino kayo kampi with the hashtags #TeamKenji #TeamKoko #TeamCrishaneForever
Kung nakarating ka dito without skipping a part, magcomment ka ng "🍭"
Any suggestions for future updates? Palaro or discussions? Lemme know in the inline comment. Tas pag maraming nagreply sa comment mo, yun yung pagusapan natin hehe.
Vomments aren't necessary but appreciated. Lovelots from the bottom of my hypothalamus! God bless your crush life!
[PLUGGING SECTION]
Plug lang kayo
[HINANAKIT SECTION]
Comment lang kayo
[DOT SECTION]
[SHOUT OUT SECTION]
[TAENA SECTION]
[WALANG FOREVER SECTION]
[ETC. SECTION]
─────♡;
QOTD:
Ano gusto mo maging reason ng
break up ng crush mo tsaka jowa niya?
06-12-19
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top