💗Moving Up Picture wCrush Tas Chinat Ako Ng Jowa Niya Dahil Sa Picture Na Yun

Eyo! Nung April 2 pa moving up namin so belated congrats saken yehey!

Syempre mag kwento ako noh? Kasi aking work itu. Kung magcocomment ka lang ng "share mo lang", "walang nagtatanong", or any variations of the said phrases, then leave! Hehe nakakawalang gana lang po kasi makakita ng ganong comments. Naglalagay na nga ako ng "skl" tas may ganon pa. Hays. God bless. #NoHateJustLove #SpreadPeaceAndLoveNotLegsAndRumors

So nung moving up namen, may picture kami ng crush ko ng delegeng pelepene hehehehe~ Nasa highlights yun ng ig story ko. Just search crishaneaen on instagram and follow if u want lang namern!
May vlog din ako about sa moving up namen. Andun siya sa multimedia hehe. Just subscribe Christine Sy on YouTube #aspiringvlogger #tamangpluglang

Tas nung hapon, kaming squad gumala. Kasama ko siyaaaaa~
Ay baka malito kayo sa tinutukoy kong crush, dami kasi eh hehe. Naalala niyo pa ba yung code names? So yung tinutukoy ko ay si Kenji. Tho kasama rin si Pipo kaso side crush ko lang yun. Main ko talaga si Kenji. Ewan ko ba di na napalitan huhu. Nafall na nga siguro ako :< #UstoKoNaMagMoveOnHuhu

So ayun lang. Nothing that much happens that day. After that, di ko pa ulit nakikita crush ko :<
Pero yung picture namin talaga yung maraming nagreact. Pati mga kamag anak ng crush ko at yung nagkakacrush sakanya na bakla at nagcomment pa kaloka. At eto pa ah! Piniem sakin ng jowa niya na itago natin sa pangalang "Koko".

Sorry na kung click bait yung title kasi eto talaga yung convo namin.
Ganto kasi yan. Nag my day ako ng "can i ask u a question?" tas may poll na yes or no. Nag vote si Koko ng yes kaya nag pm ako sakanya ng picture. And here it goes...

Aww pretty raw ako. Aagawin ko na sana siya sa crush ko eh. Kahit girl crush lang ganon.
So nag pakilala kami sa isa't isa and such.

Kinabahan na ako niyan tbh. Tho kinabahan ako the moment na nag answer siya sa poll ko then kinabahan na talaga ako sobraaaaa.
So may spazzer account kasi ako dati tas nagkachat kami dun kaso nareport nga. Malay mo siya pala nagreport nun oh. Charot lang!
May story ako na "Chatting my crush's crush" and inspired yun talaga kay Koko HAHAHAHHA but not the whole plot.

So check my profile na lang if u wanna read

#PasimplengPlugSaGedli

Ayun na nga. Kinabahan talaga ako. Nagsend na siya ng picture namin ng crush ko ft. dalagang pilipina.

Well totoo naman na may iba ba akong picture ah kaya nagtaka rin ako na sa lahat ng nakapicture ko, kami ng crush ko yung may pinakamaraming picture sa gallery ko that day HAHAHAHA. Ni wala akong picture magisa hawak yung certificate. Wala tuloy akong pamalit ng dp hays HAHAHAHA

Hindi ko alam kung pinaplastic niya ba ako or what. Kung nababasa man to ni ate gurl but hope not pero sige matapang ako eh hehe charot. Ano kase.
Sa tingin mo ba kaaway ako? Oo crush ko siya pero hindi ko siya aagawin sayo. Ano bang magagawa ko? Ikaw yung gusto eh. Tsaka masaya na akong friends kami. Mashakert pero somehow true na happy for both of you. Kase ano bang magagawa ko? Magpaka bitter? Edi talo naman ako pag ganon. Dapat happy lang. And duhh, marami nga akong crushes and korean oppars so why luksa sa isa dba?

Okay nagsinungaling na ako dito. May kilig pa rin naman kahit konti pero tanggap ko na hanggang friends lang kami. That's it! Magpakasaya na kayo sa buhay niyo ate gurl kasi hindi talaga ako kakabit, okay? Well, ewan ko, wag tayo magsalita ng tapos. Charot! HAHAHAHA

So parang chess lang yan. Nung una hindi ko alam yung tamang move or tamang reply ko sakanya kasi natatakot ako baka awayin niya ako HAHAHAHA. So ayun, siya naman yung pinupush ko na umamin. Basta ako seryoso ako at umamin na ako na crush ko nga yung jowa niya.
Yung sinabi ko na nagaaya siya, totoo yun. Masakit kaya yooooon.
Ayain ka ng crush mo bumili ng regalo para sa jowa niya! IMAGINE!
Actually inaya niya yung squad tas umalis na ako dun kase meseket

So umamin na rin siya sa wakas. Checkmate!
Pero seryoso ako dito at walang halong kabitteran yung pag chat ko ng "Happy for you" kase totoo naman kahit masakit sa part ko.

Hindi ko man makuha sayo yung crush ko (kase wala akong balak manira ng relasyon), kahit si Lisa na lang ibagay mo sakin te gurl!

STAN BLACKPINK❗️
STREAM KILL THIS LOVE❗️
FOR CLEAR SKIN

So masasabi ko lang,

Sa mga na-friendzone, maging kontento na lang kayo kagaya ko na atlis you have a place in someone's heart cause your a friend. Wag na maghangad ng more, okay? Kung pagbibigyan ka ng more than friends, bestfriends pwede na. Kung boyfriend/girlfriend, edi waw ikaw na!

Sa mga taken na ang crush or kahit single man pero taken ang puso, don't be sad. Marami pa namang iba jan. Always remember, wag na wag na wag na wag na wag kayong maninira na relasyon! Kahit anong klaseng relasyon, mapa magjowa, magkaibigan, pamilya, and such coz it's evil!

That's all for this update. Thanks for reading! Hope you enjoy!

Kung nakarating ka dito without skipping a part, may god bless your crush life at swertehin ka nawa ganun din sana ako.

Vomments aren't necessary but appreciated. Lovelots from the bottom of my hypothalamus!

─────♡;

QOTD:
Anong masasabi mo or gusto mong
sabihin sa jowa/ka-MU/crush ng crush mo?

04-15-19
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top