💙May Mata Kami Ni Crush
Eyow wazzup! I'm back again with another update. Sorry sa title hehez
So may nanghingi nanaman ng advice at sorry po kung natagalan. Di na ako masyadong nakakawattpad kasi nagloloko ipad ko. Sa ipad kasi ako nagwawattpad kasi masyadong maliit sa cellphone tas sa laptop naman masyadong malaki kaya nicopy paste ko lang. So yeah! Simulan na natin.
Question:
Yow wazzap ate paadvice po ako hehezz. So ayun, may crush ako na itago nalang natin sa pangalang "Aa". Almost 2 years ko na siyang crush (2 years na sa July). So ayun, dati po kasi way back March 2018 nasa computer lab po kami nun since may research kami then magkatabi kami ni frenn tas nasa likuran ko naman yung frenn ni crush at magkatabi sila ni crush so si crush nasa likuran ni frenn. (a/n: mejo magulo pero nagets ko naman) Then out of nowhere bigla nalang nagsabi yung frenn ni crush ng "*my name* i bet you like Aa" tapos bumaling naman sya kay crush sabay sabi rin ng "Aa i know you like *my name*" "*my name* Aa likes you" eh nung time na yun may mas crush pa kasi ako eh so side crush ko lang sya at parang 10% lang crush ko sakanya that time, tas ngayon naman 1 year na nakalipas mula nung nangyari yun pero until now di ko parin alam kung true ba yun di naman kasi kami close nun eh, magkaklase lang kami dati. Eh nitong last school year naman di na kami magkaklase pero may mga pagkakataon parin na nagkakatinginan kami. Nung cheerdance ko, bago kami sumayaw nagstay muna ako sa mga kabigan kong audience tas nakikipagusap eh malapit lang samin si crush then nagkatinginan kami, tapos nuong tapos na yung team namin na sumayaw pinapanuod naman namin yung ibang kalaban then pagkalingon ko sa side ng mga audience nakita ko syang nakatingin sakin (Oct 2018 po yun) at marami pang beses na nagkakatinginan kami pero konti nalang babanggitin ko heheezz. Then nung March naman may Mass kami that time tapos si frenn naman sabi nya tumingin raw sakin si crush, tapos nung patapos na yung mass napalingon ako sa kung san siya nakaupo then naabutan ko siyang nakatingin sa akin at parang matagal na siyang nakatingin sakin during that time, tas ayun nakipagtitigan lang ako kasi akala ko iiwas siya ng tingin, tumagal pa yun ng siguro mga 3 seconds or more, pero mali ako di sya umiwas ng tingin kaya ako nalang yung umiwas ng tingin. Ayun po. So paadvice nalang po kahit di ko alam ipapa-advice ko po huhuhu. Tenkyu po hakhak
Hello ulit ate at dahil parang di nyo pa po to nababasa ay may iaadd ako AHHAHAHA dati po kasi nuong March 5 pinatanong ko sa kaibigan ko duon sa kaibigan ni crush na nagsabi sa akin na gusto ako ni crush dati, so nakahanap si frenn ng tiyempo nuong papunta yung kaklase naming iyun sa cr, tinanong ni frenn kung sino ba yung crush ni crush nuong 2018 at ang sabi nung kaklase namin ay di nya sure pero parang yung isa naming kaklase na itago nalang natin sa pangalang "lourraine" (di nya true name). Pero ang sabi sa akin ni frenn parang nagisip pa yung kaklase namin kung sino sasabihin nya kasi nagisip pa raw siya bago sagutin yung tanong ni frenn. So ayun po. Pa-advice poo huhuhu. 1 year and 1 month na rin po ako umaasa dun sa sinabing yun ng kaklase namin eh huhuhu
Advice:
Thank you for sharing your story! Di ko rin alam kung ano iaadvice ko sayo kasi di mo rin alam hehe.
Anyways, ang masasabi ko lang ay (gaya ng sinabi ko last update 'coz halos pareho kayo ng situation) walang masama sa pag tingin niya sayo 'cause he have eyes and sense of sight so his free to look at anything existing.
Kidding aside, yung sinabi nung frenny ni Aa sa comlab is wayback a year ago and di mo alam kung nangtitrip lang siya nun. Nung tinanong ng frenny mo kung sino yung tinutukoy niya is maybe kaya nagisip pa kasi nakalimutan na niya yun at baka trip niya lang talaga magsabi ng mga ganung bagay.
Kung curious ka talaga and you have enough courage, tanungin mo! Like "sino crush mo?", "bakit lagi kang nakitingin sakin? may problema ba sakin?", and such. Huwag papaapekto kung may napapansin kang something like may feelings siya sayo 'cause it might just be a paranoia.
Humanap ka ng kapal ng mukha at tiyempo para makausap mo si crush at iconfirm mismo sa kanya kung assumera ka ba ngang talaga o tama lang ang hinala mo. Ofcourse there would be a chance to more close to him. It is better late than never, baka pagsisihan mo.
Gaya ng lagi kong sinasabi. Don't assume unless stated. Yun lang naman. Sana makatulong!
Thanks for reading! Hope y'all enjoy!
Kung nakarating ka dito without skipping a part, magcomment ka ng "🌶"
Any suggestions for future updates? Palaro or discussions? Lemme know in the inline comment. Tas pag maraming nagreply sa comment mo, yun yung pagusapan natin hehe.
Vomments aren't necessary but appreciated. Lovelots from the bottom of my hypothalamus! God bless your crush life!
[PLUGGING SECTION]
Plug lang kayo
[HINANAKIT SECTION]
Comment lang kayo
─────♡;
QOTD:
Saan ka unang nakita ni crush?
05-12-19
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top