💙Kilitiin mo 'to
Magandang araw!
May nanghingi nanaman ng advice sakin...
"Gusto ko pong humingi ng advice. Parang may kakaibang aura akong nararamdaman. Naalala ko pa kasi yung may event kami at ako yung designer, busy po ako sa bawat decoration na ginagawa ko. Bigla na lang niya akong kiniliti. Palagi na niya akong napapansin. Di ko po alam kung kikiligin ako o magagalit. Sasampalin ko na po ba siya? Kasi bawat kilos niya nafa-fall na ako at wala namang sumasalo sakin.
Love,
NerdButBadGirl"
My reply/advice: Hoho. Lol, okay..
Just let it happen. Kung mafo-fall ka, hayaan mo. Pwedeng ma-fall pero di sobra sobra. Mas mahihirapan ka lang pag pinigilan mo. Parang utot lang yan. Just be sure walang makakapansin --err-- di niya mapapansin.
Kung ayaw mong masaktan o umasa, siguraduhin mo muna na hindi paasa yung taong yun. Mga ways na pwede mong gawin para malaman kung wala ba tlgang sasalo sayo at talagang paasa lang siya.,
First: STOB IT METHOD
Pabiro mo siyang sabihan ng "Tigilan mo nga ako baka mamaya mafall na ako sayo." tas tingnan mo yung reaction niya.
O kaya "Tama na! Stop it! Hajima! Yamete! Yamete senpai ugh!" De charr. Basta ganern.
Second: KUNYARI GALIT METHOD
Try mong magkunyari galit sakanya tuwing kikilitiin ka niya tas tingnan mo ulit reaksyon niya
Example:
"Ano ba!? Sinabing tama na eh!"
"Titigil ka o titigil ka!?"
*slaps him*
Jk ang harsh nung last HAHAHA.
Third: SUMBONG MO SA PRINCIPAL
Kasi harassment yang ginagawa niya. Pwede kamo siyang makulong jan. HAAHHAHA charr.
At yung tanong mo na "Sasampalin ko na po ba siya?" Well, wag kasi baka ikaw yung isumbong kay principal charr. Kung close kayo, edi go! Malay mo matauhan siya sa sampal mo at magustuhan ka rin niya.
Kilitiin mo rin baka mafall din siya sayo.
Sana nakatulong! ^з^
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note-\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Anyways, malapit ng mag 2 years yung Crush Layp! *masigabong palakpakan*🎉🎉 #RoadToForever #WalaPalangGanon #RoadToLangWalangForever #RoadTo #After2YearsDiKaPaRinCrushNgCrushMo
Thank you po sa inyo na laging nagbabasa ng Crush Layp! Wit wiw lab lab ko kayo!
Isang malaking thank you sa mga bessy ko na tinutulungan din akong tulungan kayo specially sa mga nanghihingi ng advice. Hindi lahat ng ibinibigay kong advice ay galing sakin, mostly sakanila galing kaya sa mga nanghingi ng advice, pasalamatan niyo rin sila! Special mention kila beautifulSKYLE , bitchitscamrenyo , at HollyMahWifue . Sila yung tinutukoy ko. Read their stories po at follow niyo rin sila. They won't bite, wag kayong matakot ^o^
Sana naman natauhan kayo at kung natauhan o napangiti kita sa update na ito, pindutin mo yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito.
Nais ko ring malaman ang iyong mga saloobin, hinanakit, o kung ano mang magpapatahimik ng kaluluwa mo sa update na ito sa pamamagitan ng pagcomment.
Kung nais mong may mapagusapan tayo tungkol sa inyong crush, i-comment mo lang rin ang mga topic na gusto mo kahit di ka gusto.
Kung manghihingi ka naman ng advice tungkol sa problema mo sa crush mo, mag-pm ka lang sakin at gagawan ko ng paraan upang makatulong.
Salamat sa pagbasa! Mahal ka ng Diyos! Have a blessed sem break!
Fb: CrishaneAen WP
Ig: crishaneaen
Twt: CrishaneAenWP
10-28-17
©CrishaneAen❞
P.S. Dahil sem break na, expect my mga updates the follwing days! Yay!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top