❤Intramurals
Paano magpapansin kay crush pag intrams?
Intrams (n.)
:araw ng mga taong hindi kaklase, hindi kagrade level, hindi kaclose, hindi kakilala, at hindi sila ng crush nila basta magka-schoolmate
:araw kung kelan buong araw mong matititigan at mai-stalk si crush
:kung kelan pwede mo siyang icheer with matching pa-banner and pom-poms pag naglalaro ng siya ng sport niya
Anyways, kakatapos lang kasi ng intrams namin (a week before our sem break) kaya bibigyan ko kayo ng tips kung paano magpapansin kay crush pag intrams niyo na para gawin niyo rin. Soooo, here we gooooooooooo...
ヽ('ー')人('∇`)人('Д')ノ ヽ('ー')人('∇`)人('Д')ノ ヽ('ー')人('∇`)人('Д')ノ
TIP 1: Alamin ang sport niya at dun magpapansin
Mostly, basketball ang sport ng mga kalalakihan. So pag basketball, dun ka sa court pumunta.
Well etong sasabihin ko ginawa ko 'to last year sa dating kong crush ehem ehem di ko na siya crush ngayon ehem. So ang ginawa ko no'n, after ng game nila, inabutan ko siya ng bottled water o______o HAHAHAHHAA EPIK HAHAHA OWKHAY. Kasi ako yung inatasan ng adviser namin sa tubig. Yung iba kasi kuha ng kuha eh bilang lang yon so yeah. Basta yern. Pwede mo ring lagyan ng gayuma yung tubig para yah know. Basta wag lang lason HAHAHA CHARR.
Anyways, ang pinakamadaling tip dito is i-cheer mo siya. Well ginawa ko 'to (lahat naman siguro ginagawa to) kaso hindi sa basketball kundi sa volleyball, Sumali rin siya ng basketball kaso di ko napanood kasi naglalaro rin ako that time kasad :--(((((
Hindi ko siya kaklase tas kalaban ng class nila yung section ko pero section nila ang chinicheer ko HAHAHAHA I feel bad and sad kasi section namin nanalo :( HAHAHAA AHM A BAD CLASSMATE PO, SANA WALA AKONG KAKLASE NA NAGBABASA NITO HAHAHA.
So yeah, pagawa ka na rin ng banner na "*insert jersey number and his surname na all caps* ANAKAN MO KO!!", "GO BEBE KO *insert his name at face*!!", etc.
Paano naman kung hindi basketball? Well, pwede mo rin 'tong gawin like what I said pag volleyball, o kaya badminton, table tennis, etc ang sport ng crush mo. Pag mga indoor games naman like chess ehem ehem, ganto yung ginawa ko tho di siya sumali sa chess, ako yung sumali an guess what kung ano place ko?
So sa chess room kasi may mga extra chess board and table. Tas naglaro kami ehem ehem enebe! Tas naglaro rin kami ng dama kaso di na natapos kasi may maglalaro na rawヽ('Д')ノ hmppp...
Anyways pag board games ang peg ng bebe mo, panuorin mo siya. Dun ka sa likod niya. Wag kang magingay and cheer kasi mapapansin ka nga kaso di siya makakapagconcentrate pati na rin yung ibang players. I-massage mo siya HAHAHAHA LOL. Joke lang pero pwede rin.
Kung wala siyang sport, malamang absent yan the whole intrams. Kung hindi naman, stalk mo lang. Jan ka naman magaling eh HAHA JK.
TIP 2: After the game
Pagkatapos ng laro niya, malamang pagod yan.
Sabayan mo sa pagkain sa canteen! Kung close kayo ah. Baka magulat na lang pag bigla kang tumabi at maki-share sa table niya at masabihan ka pa ng magic word ng "Who you po?" awtsuuu.
Well ako, after ng game nila sa basketball at (di ko siya napanood huhu ㅠ.ㅠ) saktong kakatapos lang din ng laro ko. Magisa akong kumakain sa canteen at magisa rin siya. Gusto ko sanang sabayan kaso mukhang bad trip kasi nga talo sila kaya iyak na lang. PERO BES, SAYANG YUNG CHANCE. GRAB THE OPPORTUNITY! PALAY NA LUMALAPIT SA MANOK TATANGGIHAN PA?! (well kung ako sa manok, syempre tatakbo ako kasi imagine, lalapit yung palay sayo?! may paa!? halaaa takbo! may engkanto!) WAG NYO AKONG GAYAHIN! Sabayan niyo yung crush niyo pag ganon. What if magalit? Kaya mo nga sasabayan para i-cheer siya at sabihing better luck next time o kaya "kahit matalo ka, crush pa rin kita" sabay kiss sakanya este sabay tap sa shoulder niya. Haysss. *insert cheer up by twice*
Anyways, matalo o manalo man, sabihan niyo siya ng "ang galing mo kanina". Kung nanalo edi i-congratulate mo: Congrats! Galing mo talaga! Kaya crush kita este kaya idol kita eh. Idol pa-kiss este pa fs!
TIP 3: Before the game
Malamang nagpe-prepare na siya. Silipan mo sa CR pag nagpapalit na ng damit! HAHAHA BAD :x
Basta i-good luck mo siya and tap sa shoulders. Lol as if kaya ko noh? HAHAHA BASTA KAYA NIYO YAN!!
"Good luck beb este bes! Kaya mo yan! Ichi-cheer kita! Go lang ng go! Para sa economy!"
TIP 4: Walang game
So kunyari pareho kayong nanonood ng laban, palihim kang tumabi sakanya. Tas kunyari magcheer ka with matching pataas taas ng kamay tas itama mo sa mukha niya HAHAHA "Ay sorry beh este sorry po! *himas sa feslak niya* Di ko sinasadya!" Pak ganerning!
O kaya tanungin mo ng "Kuya ano na po score?", "Sino na lamang?", "Sino gusto mong manalo?", "Ano sinalihan mong sport?", "Anong oras ka pinanganak?", and such.
Kung siksikan, gaya ng lagi kong sinasabi, siksikin mo! Ayun na yung chance eh.
Kung naglalaro naman kayo ng mga friends mo (ng badminton, volleyball, etc basta may bola) at saktong dumaan or naglakad yung crush mo sa direksyon o gilid niyo, itama mo sakanya yung bola! Tas lalapit ka sakanya and again "Ay sorry beh este sorry po! *himas sa feslak niya* Di ko sinasadya!" O kaya kung mabait siya, iaabot niya yung bola sayo kahit natamaan na. Edi grab the opportunity and his ano.. hands. Well, mag-sorry at thank you and kung keri, mag-I love ka na rin sa kanya.
Sana may natutunan. Yung iba rito proven and tested by yours truly. Lab lab!
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
Anyways, I have a new story hoho. Please support. Title niya po "I'm in love with Mr. DA". Yeah, first love story ko sa wattpad hoho. Lablots💞 Link at the comments.
Like Crush Layp Fb page. Link at my bio.
Add CrishaneAen WP on fb and yeah, that's meh.
Follow crishaneaen on instagram, CrishaneAenWP on twitter and yeah, that's me again.
If you wanna say something? Just comment it below↓
Did you enjoy? Just click that little star and it will turn to color orange.
Need an advice or share something? Just PM me. Think of a title na rin para di ako mahirapan magisip nyehehe.
Salamat sa pagbasa! Mahal kita! Yiiieeeee kiligin ka plith!
10-31-17
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top