💙Gaano ka epektibo ang mga ADVICES ko?

Shout out po sa aking fren na si Inor_anne ! Siya po ang nagpadala sa akin nito. Marami siyang sinuggest sa akin sa crush layp tsaka tumulong din siya sa mga nanghihingi sa akin ng advice.

You can also share your crush layp experiences just dm me!

Ctrl + V
╔═════ ⋅ ° ⋅ ═════╗

Hello po Author gusto ko munang magpasalamat sa mga advices mo bago ko simulan kwento ko. Dahil sobrang saya ko po noong na-notice  ako ng celebrity crush ko po. Ganito po kasi nangyari.

Nakita ko po itong Crush Layp. Binasa ko po ito at mukha namang maganda kaya halos araw-araw binabasa ko po ito. Nakita ko po yung "Celebrity Crush" so binasa ko po. Pati na rin yung "Paano magpapansin kay Crush?" di ko na alam kung ano exact title ng chapter na yun.

Isa na po sa mga payo niyo po ay "Yung i-flood likes mo si crush at magcomment. " So ni-try ko po. Sa totoo lang kinakabahan at nahihiya pa po ako nun habang ni flood likes ko po si crush, Filipino po siya, kasi first time kong gagawin. Yung mga comments ko po more on emoji palang or paisa-isang word pa lang.

Tapos po nung natapos ko na po yun gawin. Kinabukasan, nag post po yung celebrity crush ko po, ni like ko po agad at nag comment. Tapos po after 45 mins I think? Bigla ko pong nakita sa notifs ko na ni-like ni crush comment ko. Grabe po di ko po inexpect!!! Simula po nun, palagi ko na pong ginagawa yun. Mag flood likes at magcomment.

May isa pa po akong celebrity crush, Koreano naman po siya. Ginawa ko po iyon. Tapos po kinabukasan lumitaw po siya sa notifs ko. Ni-like niya po comment ko. Grabe ang saya ko po nun!! Halos mapatalon at sumigaw ako sa bahay sa tuwa. Hahaha!

Yung sa Filipino ko pong crush, 5x niya na pong ni-like mga comments ko. Sa Koreano naman po isa pa lang pero atleast. Hahhaa!

Sabi niyo po sa Crush Layp na proven and tested mga advices niyo po. And it is true pala! Kasi ako mismo na experience ko po. Kaya maraming salamat po author! Patuloy ko pong babasahin ang Crush Layp at ang iba niyo pa pong stories. I-promote ko na rin po ito sa mga friends ko. Hahaha! Thanks ulit author! 😁😘💖

╚═════ ⋅ ° ⋅ ═════╝

My response:

Aba, opo, dapat niyo lang gawin yung mga advice ko kung gusto niyo talagang mapansin ng crush niyo! De, joke lang. Pero hindi yon joke. Ano raw?

Kidding aside, yes po, proven and tested by yours truly po talaga ang mga sinasabi ko rito. But it doesn't mean na ang nangyari sakin ay pwede ring mangyari sa inyo. Magkakaiba po tayo ng crush. Ako nga isang beses pa lang napansin ng Filipino celebrity crush ko. Buti pa siya lima. #SanaAll

So ayun, congratulations (by Day6) at napansin ka ng mga crush mo dahil sinunod mo ang mga tips ko. Kung mayroon din sainyo na sinunod yung mga tips ko at nag-work, don't be shy to tell me. Thank you 'cause you trusted my tips! Salamat po!💚

Salamat sa pagbabasa! Sana nag-enjoy kayo!

Kung nakarating ka dito without skipping a part, magcomment ka ng "🍎" because you're the apple to my pie.

Need crush advice? Just slide in my messages.

Bago matapos ang update na ito, puro crush ang pinaguusapan natin dito kaya I'm just thinking if I should make another one but something like "Friends Layp" ganon. What do you think? Will you support me? Owo

Any suggestions for future updates? Palaro or discussions? O baka nagsasawa na kayo sa puro laro? Gusto niyo bang magkwento naman ako tungkol sa mga crush ko? Lemme know in the inline comment.

Vomments aren't necessary but appreciated. Lovelots from the bottom of my hypothalamus! God bless your crush life! See you next Saturday!

Next update ➡️
Give up na ba ako kay crush?

[PLUGGING SECTION]

[HELLO SECTION]

[MENTION YOUR FRIENDS
PARA MAGSAGOT DIN SECTION]

[MENTION YOUR FRIENDS NA DI
CRUSH NG CRUSH NILA SECTION]

[SHOUT OUT SECTION]

[DOT SECTION]

[COMMA SECTION]

[PINAASA SECTION]

[ETC. SECTION]

─────♡;

QOTD:
Sa tingin mo, gaano ka-epektibo yung mga tips ko?

07-11-20
©CrishaneAen❞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top