💙Double Advice


First of all I would like to apologize sa mga nanghingi ng advice sakin at inabot ng isang buwan. I'm so sorry talaga. Nawala na sa loob ko yon. Sorry po talaga. Hindi naman sa binabalewala ko kaya it's just that na busy talaga si otor. Anong oras na ako umuuwi dahil puro group projects. Tas next week exam na kaya busy si ateng niyo.

And yung sabi ko last update na may ikukwento ako about sa connect ni Barbie, next update na lang po. Patawad po talaga.

So may dalawang nanghingi sakin ng advice, pinagsama ko na lang. Pasensya na po talaga. Pagpasensyahan niyo na po kung sabaw pero sana makatulong.

〒_〒 〒_〒 〒_〒 〒_〒 〒_〒

SENDER 1: Kailangan ko po ba talagang kalimutan si crush? Kasi sobrang sweet nila ng girlfriend niya. Ayoko naman maging sagabal sa relasyon nilang dalawa. Madaming tao ang nagagalit saken sa school dahil mali ang ginagawa ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pagmamayari ko siya dahil hindi naman kami. Noon lagi niya akong kinukulit. Pero kahit ilang beses kong ulit ulitin sa isip ko, hinding hindi magiging kami ni crush. Kaya it's better na lang na itigil ko ang feelings ko sa kanya. Gusto ko lang naman magkaroon ng inspirasyon pero mahirap talaga eh.

MY ADVICE: Don't be a relationship wrecker.

Walang problema sa pagkakaroon ng crush but know your limits. Kung talagang mahal na mahal nila ang isa't isa, just let them. Maging masaya ka na lang for them. Pwede namang magkacrush sa may gf o kahit asawa pa yan (yung mga koppa/celebrity crush/fictional crush niyo nga may gf/asawa pero still dba) in a way na hindi mo nasisira yung relationship niyo. You can be friends with him but don't flirt with him.

Once na magbreak sila, go mag-celebrate ka! Parteh parteh! Pakain si mayor-- este si sender! Pero sila pa eh. Just silently admire him from afar.

Inspirasyon? Pwede mo pa rin naman siyang maging inspirasyon like "Sana magkaroon rin ako ng karelasyon na sweet kagaya nila sa isa't isa", "Sana magkaroon din ako ng bf na ganyan", etc but not "Sana akin na lang siya", "Sana magbreak na sila", etc.

Or pwede ka namang maghanap ng iba pang inspirasyon like celebrity crush, fictional crush, or new crush and such.

SENDER 2: Paano po pag sinabi sayo ni crush na wag mo na siyang kausapin? Tapos saka lang pwede pag may kailangan ka? Sakit kasi eh.

MY ADVICE: Edi wag mong kausapin

Wag mong kausapin kahit may kailangan siya. Malay mo mamiss ka niya. Malay mo lang naman.

Ang mga John Michael ay hindi dapat pagsayangan ng oras. Humanap ka na lang ng taong makakaappteciate sayo every single day. Hindi yung hinahanap ka lang pag may kailangan. Dahil once na makuwa niya na ang hinihingi niya, hindi ka na ulit papansinin, aasa ka ulit at magiisa.

¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯

I'm really sorry talaga. Parusahan niyo ako. Dare niyo ako ng gagawin ko kay crush (except "umamin ka na sakanya" and any means of harassment, basta legal sa batas at mata ng Diyos, at walang matatapakang pagkatao at dignidan) tas i-vvlog ko lol. Panuorin niyo po mga vlogs ko sa YouTube, lol. Lakas mag promote eh.

Sana naman natauhan kayo at kung natauhan o napangiti kayo sa update na ito, pindutin niyo yung maliit na bituin at magiging kulay kahel ito.

Nais ko ring malaman ang inyong mga saloobin, hinanakit, o kung ano mang magpapatahimik ng kaluluwa niyo sa update na ito sa pamamagitan ng pagcomment.

Kung nais niyong may mapagusapan tayo tungkol sa inyong crush, i-comment niyo lang rin ang mga topic na gusto niyo kahit di kayo gusto.

[Bitter na readers: Kung nais niyong may mapagusapan tungkol sa inyong crush, i-comment niyo lang rin ang mga topic na gusto niyo kahit di gusto lang walang tayo at kayo.]

Kung manghihingi naman kayo ng advice tungkol sa problema niyo sa crush mo, mag-pm lang kayo sakin at gagawa ako ng paraan upang makatulong.

Salamat sa pagbasa! Next update na talaga yung Barbie. Kita kits sa susunod na pahina.

08-13-17
©CrishaneAen❞

P.S. Ililibre ako ni crush ng ice cream pag natalo ko siya sa chess sa Monday. HOMAYGHACHI BIBILHAN NIYA DAW AKO EZ KREM ENEBE. SANA SAMAHAN NIYA NA RIN NG FLOWERS, CARDS, AT TEDDY BEARS SABAY SABING "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?" //ehem// #NasobrahanSaWattpad

P.P.S. Varisity player ako ng chess. Champion kaya tong otor niyo kaya matatalo ko siya. #YabangnessOverload #ConfidenceToTheMax

P.P.P.S. Happy Lefthander's Day nga pala sa mga (malamang) kaliwete!!🎉🎉 Batiin niyo 'ko lol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top