💗Curious Cat
Eyow mga Crush Laypers! Miss Crishane is back! Wait, miss?
Anyways, since wala nang klase. At puro practice na lang for moving up the following weeks, can you believe that magmumoving up ako?! Nagbabalik ako upang magkwento ng buhay may crush ko kahit wala kayong pake hMp!
Bago ang lahat, tanungin niyo ako sa curious cat. ChristineAnnSy is mah username! Thanks!
━━━━━━━━━━━━━━
⚠️❗️⚠️❗️⚠️
NOTE: Sa mga schoolmate ko po
na nakakakilala sakanya at alam
yung mga pangyayaring naganap
sa ikukwento ko, please lang just
shut your mouth parang awa niyo na.
Don't spread Crush Layp sa school natin.
Tsaka na pag lumipat na ako ng school.
Pati rin sa ibang reader na nagbabalak
isearch yung account niya. Wag niyo nang
gawin please. Let's respect our privacy po.
Di pa ako ready ma-expose hehe. Lovelots!💕
━━━━━━━━━━━━━━
So ayun po, nabanggit ko na as a teaser (lol) na may crush akong ahead ako ng grade level tas mas matanda ako ng 2 years. HAHAHAAHA Age doesn't matter mga hijo at hija!
So ayun nga. Tas kpop fanboy siya. Or fangay? Ewan ko kasi parang bakla siya. Sana bakla na lang siya. Pero kasi ang ano niya kumilos. Tas puro babae kasama niya tuwing recess or lunch. Yeah sabay kasi ng break time yung grade 9 and 10 kaya alam ko skl.
So yeah. Pareho naming inistan yung twice, itzy at blackpink. Dun lang kami parehas. The rest magkaiba na kami. Tas header niya nung una kong nasearch account niya, header niya yung itzy! New kpop girl group po. Sorry sa mga hindi relate hehe. Stan niyo sila pls! HAHAHAHA
Going back, boi it's a major turn on! Kasi JYP stan ako. Main fandom ko to be exact. JYP po is a company/entertainment in Korea na marami ng naproduce na korean groups and bands at isa na doon ang pinakabagong ITZY. So it's really a turn on to me na header niya yun.
Edi syempre finollow ko na gurl! Sa kakastalk ko, nalaman ko yung curious cat niya. Pero it seems na hindi na active yung cc niya kasi mga January pa siya huling sumagot sa cc tas mid February ko natunton. Pero nagtanong pa rin ako HAHAHAHA. "kung mababakla ka, kanino?" Yup, yan yung una kong tinanong. I'm not expecting for an answer kasi nga di na siya active sa cc. Pero sa twitter everyday naman siya active.
Eto na. Last week of February. Maraming sigurong pending na tanong sa cc niya mga 8 siguro at sinagot niya yun lahat including mine.
Ayan lang yung i-screenshot ko ah tutal yan naman yung unang sagot niya sakin at unang tanong ko. Baka kasi may makakitang frenny niya. Mahirap na. Yung sumunod i-kwento ko na lang.
So ayun na nga mga baklaaaaa! Nagreply ako ng "enebe cresh yIEE" sumagot ba naman ng "eng heret me nemen wele etu". Nasabihan pa tuloy akong maharot. Totoo naman eh. Angal? HAHAHAHA
So nagtanong pa ako. Pero may interval. Tas eto yung unang tanong ko na hindi niya sinagot. Pano nagtanong ako ng "hotel?" Sabi ba naman "trivago is cliché why not sogo naman charot" Edi sabi ko "tara sogo!" Tas di na sinagot HAHAHAHA Oki lang bata pa naman siya ey HAHAHA
Nagtanong pa ako at may interval pa rin. Mga 10 mins. Half an hour. 1 hour or more. Eto yung ilan sa mga tanong ko na malay niyo effective pag tinry niyo "ilang beses kang nagtu-toothbrush sa isang araw?" "sex or chocolates?" "ilan baso niyo sa bahay?" "si kara o si mia?" "ano kulay ng braces mo?" and such. Hanggang sa napansin na niya ako. Nagtweet siya saying ang lakas daw mangtrip ng nasa cc niya. So nagtanong ako saying na ang lakas ko ba mangtrip? Sorna crush. Mga ganern. Tas sumagot siya ng sino ba raw kasi ako ganon. Nagtanong din ako ng "crush mo or crush ka?" then he answered "crush ko na crush din ako" and I replied "kelan mo ba ako magiging crush?" then he answered again "pag nagpakilala ka na".
So eto yung ginawa naming chatbox yung curious cat after yung sinabihan niya akong magpakilala ako. Non verbatim
Me
Crush
di mo ata ako kilala HAHAHA
wow nice question malamang naka anon ka HAHAHA
De charot lang ang hirap pala magtype kaya screenshot ko na lang HAHAHA Basta secret lang ah wag niyo ipagkalat. Yari ako dun.
Sorry na agad HAHAHAHA Wag niyo ako i-judge please! Eh sa ganyan ako magpapansin sa crush ko eh ba't ba? Secret lang 'to ah! It's between me and my readers lang HAHAHAHA
Konti lang yang mga na-screenshot ko ah. Ang dami kong tanong dun eh. Mga 100+ HAHAHAHA Pramis teh cross my heart! Yung iba hindi niya pa sinasagot gang ngayon. Tas nung tinanong ko siya kung bakit hindi niya sinasagot lahat ng tanong ko, sabi niya magpakilala raw muna ako at sasagutin niya ako in person which I cannot do. Wala pa akong sapat na lakas ng loob. In fact di nga kami magkakilala. Acquaintance siguro coz schoolmate kami but we never have a chance to talk. Tho meron pala nung practice nung prom kasi kabatch ko siya sa cotillion (3 batch kasi yun) tas leche tong frenny kong si @/HollyMahWifeu (di na kita itag kasi alam ko namang reader kita HAHAHA) kasi magkapartner sila! So pag di nila gets yung steps, tuturuan ko si frenny tas titingin din si crushie sakin AAAAAAAAAAAAAAAking sinta-
So ayun nga. Wala kaming connection sa isa't isa except na we both study at the same school. Kaya anong reason ko para kausapin siya dba?
So ayun, dba nga nung sabi niya 2 days lang siyang di sumagot sa mga pending kong tanong sakanya, di na ako nagparamdam kasi baka nakukulitan na nga siya sakin. Nanghingi rin ako ng advice sa mga frenny ko (weyt, i hav friends? char) na ayun nga raw lie low muna ako. So ayun, kahit kating kati akong magtanong sakanya, pinipigilan ko. Balak ko nga one week munang hindi magtanong kasi mga baklaaaaa namiss niya ata ako HAHAHAHA Kaya ayun. Gabi na kaya niyan. Mga 11pm na buti na lang walang pasok kinabukasan. Tsaka bumuboto ako sa twitter sa best fandom kaya flood ako dun. Kaya niya siguro ako in-unfollow. Huhu. Yaz, inunfollow niya ako. Dunno kung kilala niya na ba ako or what. Dahil siguro spam ako sa twitter. Bakit ba? Binoboto ko GOT7 eh. HAHAHAHAHA.
Going back. After niyan. Kinabukasan di niya na ulit sinagot mga tanong ko. Bigla na lang siyang nagtweet na kilala niya na raw kung sino yung nagtatanong sa cc niya at sinabihan pa ako na magaling ah. Nagtanong pa ako ng weh? Totoo ba? Sure ba siya? Baka kasi ibang tao yung akala niya dba? Kasi kinakabahan talaga ako HAHAHAHA Parang magugunaw na mundo ko ganon. Pero nagtatanong pa rin ako paisa isa every other day. Rupok eh HAHAHA
Ang huli ko kasing tanong sakanya na hindi niya sinagot bago siya magtweet na kilala niya na ako is (nonverbatim) "galing mo naman sumayaw kanina, cover naman tayo". Nakita ko kasi siyang sumayaw ng dalla dalla (kpop song po by itzy search niyo hehi) nung recess habang naglalakad siya kasama bessy niya tas ako nakaupo lang sa gilid kasama bessy ko na nagkukwento pero wala sakanya attention ko HAHAHAA. Sa tingin niyo sa lahat ng tanong nadaanan niya habang nagsasayaw ay ako talaga tinutukoy niya? Kasi ang ano naman.
Kinabukasan. Lunch time. Pag pasok ko ng canteen hinanap ko agad mga frenny ko. Syempre hinanap ko rin siya. Nagka-eye contact kami emeged. Sabay kaming napatingin sa isa't isa. Yung table nila is just 2 tables away sa table namin. So ewan ko lang ah kung nago-overthink lang ako kasi para ngang kilala niya talaga ako. Kasi parang nabigla siya nung nakita niya ako. Tas parang kinwento niya sa mga kasabay niya sa table (3 lang sila sa table nila) na ako yung nagtatanong sa curious cat niya. Tas pag upo ko sa upuan sa table namin, tumingin ako ulit sakanya (nakatalikod siya sa point of view ko) tas parang sinilip pa ako nung friend niya na kaharap niya. Ewan ko ah! Sana naghahallucinate lang ako pero da eff HAHAHAHA.
Sabi ng isa kong friend, baka nakilala niya ako kasi binentahan ko siya. Hindi po ng droga ah bad yon. Kasi sino ba raw naman na bebentahan siya twice ng di mo naman kaclose edi isang tulad ko na weird at creepy magpapansin kay crush HAHAHA
Kasi may project kami na magluluto ng mga biomolecules tas ibebenta rin namin at gagawan ng report and survey and lipids nakaassign sa group namin. Syempre di ako tumulong sa pagluluto at paggawa ng report. Kasi gusto kong magtinda para makausap ko siya HAHAHAHA. 2 araw lang kasi pwedeng magtinda. So nung unang araw kinakabahan pa ako kaya yung friend ko na friend siya dahil nagsama sila dati sa journalism sa school namin yung kumausap sakanya kahit di kami magkagrupo ni fren HAHAHAHA. Nakakahiya kasi ilan kami nun pero ako lang naman talaga nagtitinda kasama yung isa kong kagrupo. Pero di soya bumili kasi wala daw siyang pera. Tumingin siya sakin tas bukas na lang daw enebe any time for u krass HAHAHAHA.
Next day. Lunch time naman. Nung kahapon kasi last break na eh. So dalawa na lang kami ng kagrupo kong boy(?) yung naglalakad lakad para magtinda tas pagliko namin sa hall, saktong nandun si krass kasama yung mga friend niya. And I was like "this is it, kakausapin ko na siya na ako lang". Nilamon ko na yung hiya ko. Basta ayun pinromote ko yung binebenta naming donuts with sugar and chocolate if u add 3 pesos HAHAHA. My bebe be like "Hala sabi ko kahapon bukas eh. Naiwan ko sa room pera ko eh. Magtitinda pa ba kayo mamaya mga uwian?" Palusot mo krass gigil mo ko! Maaga pala uwian niyo that day hMmmMP. Ako naman si rupok "Oo, mamayang 2nd recess." (3 kasi break time namin. 1st recess, lunch, 2nd recess. Skl.)
Eto na. 2nd recess. Tatlo na kaming magkakagrupo ang nagtitinda. Ako, yung boy(?) tsaka isa pang girl. 7 kami lahat skl. Yung iba kasi bumili at nagluto kaya may ambag na sila sklu. So yung si girl na kagrupo ko, pinupush na ako na bentahan siya tas yung isa ko namang kagrupo is nahihiya na kasi 3rd time na naman siyang bebentahan if ever kung ituloy. Tas sabi nung friend ko na siyang kumausap sakanya before that day, nung nakita raw ako ni crush na magtitinda na, bigla raw siyang nagiba ng way. Natakot ata sakin HAHAHAHA. So ayun napakapaasa niya. Pwede niya naman sabihin allergic siya sa donuts kung ayaw niya akong bilhan HAHAHAHA
Sorry kung magulo kwento ko ah. Kinikilig kasi ihh. So sa tingin niyo kilala niya na talaga ako? HAHAHAHA Bigyan niyo naman ako advice. Lagi na lang kayo yung binibigyan ko eh hMp HAHAHA.
Update ko lang baka may pake kayo, recently sinagot niya yung isa sa mga tanong ko na matagal na panahon ko nang tinanong na "may printer kayo?", sabi niya "sira, parang ikaw jok" tas nagtanong ako ulit na "sira, parang puso ko dahil sayo jok" tas wala na siya ulit reply.
That's ol. Thanks for reading! RIP sa crush kong nireject na ako agad kahit di pa ako nanliligaw.
Kung nakarating ka dito without skipping a part, may god bless your crush life at swertehin ka nawa.
Vomments aren't necessary but appreciated. Lovelots!
─────♡;
QOTD:
What is one thing na sobra kang
nacu-curious sa crush mo?
03-15-19
©CrishaneAen❞
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top