💗 College Crushes Updates

Hello, hello, hello! Looong time no update. May mga nasa reading list pa ba nila ito? May mga nakita akong draft content 3 years ago na pinublish ko recently. Sorry sa mga hindi ko na na-replyan noon sa dms na nanghihingi ng advice (na hindi ko na talaga marereplyan dahil wala nang inbox feature ang wattpad), sinabi ko naman na hindi na ako magbibigay ng advice.

Guys, ten years na ang Crush Layp next year! Would you believe it?

Ang dami nang nangyari. I even already published a book! Link in my bio if you wanna buy (please do i need money)! I would never delete Crush Layp gaano man siya ka-cringe, kahit mabasa pa 'to ng lahat ng mga naging crush kong binaggit ko rito. I was just 13 when I started this and now, one sem na lang I'll be graduating from college. It's been so long since the last time I updated, I got busy. And with that, here's the tea sa lahat ng mga naging crush ko this college. Oh no, where do I begin with?

Nagbilang ako, mga 12 lahat ng naging crush ko this college: mostly classmates, some schoolmates, and even yung nasa kabilang campus but same university. Siyempre hindi ko na iisa-isahin yun. Doon lang tayo sa top 5. Or 6. Or 3. Or kung ilan man makwento ko hanggang tamarin ako.

Online class kami for the first year and second year first sem. May mga naging semi-crush ako sa mga kaklase ko noon. Mostly na-catfish ako ng mga profile picture at boses nila. Naks haha.

First official crush (may unofficial?), wait ang cringe pala balikan- okay game, kaklase ko sa block section. Kaklase ko rin sa PE (hindi block yung PE). This was 2nd year 2nd sem. PE namin arnis. Pinilit kong maging mag-partner kami with the help of my friend. And boy, [sorry if mejo nsfw, i'm an adult now i can put nsfw here na. kids, look away] pag tumatama yung arnis stick namin, para akong nabubuhayan. Hit me, zaddy emee haha. Umamin pa ako sakaniya. [Tugon: Yuck!] Pinaabot ko sa friend ko para sa crush ko yung printed QR code na pagini-scan, pupunta sa spotify playlist kung saan bawat title ng kanta ay makakabuo ng message. Tapos sa description may link kung saan mapupunta sa Twitter account kung saan ko chinat yung crush ko. That sounds bad but okay. Ah, the things you do when you have a crush. Plot twist: Yung taong pinaabot ko ng QR code, jowa na niya ngayon.

Next is yung soafer doafer crush ko na real crush ko nahihiya lang ako sabihin kaya si first official crush yung sinabi ko sa mga friend ko. Itago natin siya sa pangalang GD. Ilang beses ko na siyang in-uncrush pero wala guys bumabalik talaga. Real and final na 'to. I-uncrush ko na siya dahil next sem OJT na kami at iba-iba na kami ng landas. Hindi na kami magkakasama.

So ito kasing si GD, sa friend group ko, isa sa kanila may crush din sakaniya. Then yung buong friend group tinutukso siya at sinabing may crush na rin silang lahat kay GD pero as a joke lang. Ako real na may crush kaya hindi ko agad sinabi. Nung nag-cool off na, tsaka ako nag-out na crush ko siya. Naks naman *in kuya kim's voice* Then ako na yung tinutulungan ng mga friend ko sakaniya. We have many pictures together! I even made a dump account para gumawa ng album ng mga picture namin. Even had a fan edit video of us made by my friend. Talk about unhealthy obsession. We were kinda close (hence, the pictures) until we're not *insert mr. incredibles meme*

Yes, guys, umamin ako ulit. Hindi nadala si otor niyo.  Sa chat ako umamin. Nag-send ako ng google forms link, saying na I'm helping a friend with their research. But ito makikita mo pag-click mo ng link.

Just a snippet because ang cringe niya. Hindi ko na kayang balikan. And after that, I felt na mejo lumalayo na siya sakin but we still do small talks and interactions.

Fast forward, in 4th year, we had our Diplomatic Ball. Btw, my course is International Studies. So sa aming ball, may cotillion. And guess what? Hindi ko siya partner! But sumali ako kasi siya yung nagtuturo so ilang beses niya akong sinayaw at tinuruan 1v1 dahil nagpapanggap akong hindi ma-gets yung steps. That's all I think I can share. If you check my Instagram hightlights "college peeps", makikita mo siya roon. I have the same username on Insta.

And siyempre naman, kahit si GD ang main ult soafer doafer to the highest level crush ko, may mga side crush pa rin ako.

Top on the list of my side crushes, si jeepney crush. Same university but different campus. And schoolmate ko rin siya sa dati kong highschool! And another twist, crush siya ng dati kong friend na nabanggit ko na rin somewhere dito sa crush layp but hindi na kami friend so pwede ko na 'tong maging crush. Itago natin siya sa pangalang GC.

I am a year ahead sakaniya. In highschool, we're not close. We don't even talk. We're not even friends on Facebook. But we had small interactions, since crush siya ni ex-friend and close sila, when they talk, I'm just at their side waiting for them to finish talking. Life of an introvert with an extrovert friend.

Nakita ko one time sa abangan ng jeep pero nasa jeep na ako, siya nag-aabang pa. I was like, "oh, si GC" then ok. Another time, I was in a jeep, pag bayad ko, nakita ko siya sa tabi ng driver, then ok. Pag baba ko, bumaba rin siya. Pero nauna ako maglakad, tumawid, paglingon ko, wala na siya. So here's the thing, let's call it jeep 1. Kapag wala kasing diretsuhan papunta samin, dalawang jeep sinasakyan ko. That time, nasa jeep 1 ako.

Another encounter, bumaba na ako sa jeep 1. Nasa jeep 2 na ako, naglalaro ng candy crush habang inaantay mapuno yung jeep, and isa sa sumakay, si GC! And binati ako! Sabi niya lang "uy"! And I was like "uy"! Siyempre nagulat ako. We're not close. Like for real. I don't even know na kilala niya ako. Isa siya sa mga famous campus crushes and I'm just... me.

But that's just it. The conversation ends there. But kinilig ako onti. And another time, nasa jeep 1 na ako. Nakasakay ko siya! Pero may mga tao sa pagitan namin. And as time goes by, nababawasan tao, nagtabi kami. Pero hindi ako lumilingon sakaniya. I'm an introvert, I don't want to talk to people I know in public places specially if not planned. I'll pretend to not see you, even if we're close, lalo na kung hindi!

But pareho kami ng binabaan. And binati na ako ulit! And ang daldal niya. My social battery cannot. That was our first conversation ever. Sabi niya naalala niya ako na schoolmate niya rin dati noong highschool. Blah blah blah. Sabi niya, "ikaw yung chess player dati, diba?" And I was like, "ikaw yung table tennis player dati, diba?" Sabi niya pa, nakikita niya raw ako sa McDo malapit sa school dahil lagi siya doon kumakain pero may mga kasama ako kaya nahihiya raw siya lumapit, and I was like "same." Look, I don't know how to make a conversation. But we converse habang tumatawid papunta sa kabilang sakayan ng jeep 2. Sabay kaming nag-abang at sumakay! Pero hindi na kami nagkatabi. Nauna siyang bumaba and bye!

Another jeepney encounter *alexa play jeepney love story by yeng constantino*, nagkasabay kami sa abangan ng jeep 1, sabay sumakay ng jeep, magkatabi, and we talk and talk about random things and yes kinikilig ako but I'm crying inside kasi nga ang daldal niya sobra and that was like 7pm, ubos na energy ko buong day sa school and we'll talk?! All I wanna do is go home, scroll in the social media a little bit, then sleep.

Sabay ulit kami bumaba, tumawid, nag-abang ng jeep 2, pero sa motor na siya sumakay dahil may nag-alok ng sa lugar niya and I was like "doon ka dba? sakay ka na!" at ginawa niya nga. Hindi naman sa tinataboy ko siya pero parang ganun na nga. Nakipag-fist bump pa nga! That was the last time na nagkasabay kami sa jeep.

Nakita ko pa siya one time sa McDo pero nagtago ako para hindi niya ako makita. And one time, in-add ko siya sa FB at chinat siya para magpatulong sa aming research. REAL RESEARCH NA 'TO HINDI KAGAYA KAY GD.

And I had some 1-day crushes, like a lot. Some just crushes for like few weeks because I like talking to them and stalking their Instagram accounts. Nagka-crush sa isang kaklase ko na hindi ko naman kinakausap, ni hindi nga kami firneds sa FB, pero napanaginipan ko siya in a not PG13 way kaya naging attractive siya sa paningin ko sabi ko sa friend ko na friend din siya na i-accept ako sa FB but as a joke pero ginawa niya nga! I even have had a crush sa mag-jowa so double kilig! Like what? Dude, hindi ko kinakaya kapag kausap silang dalawa like uhm hello open po ba kayo sa throuple/3some? 👉👈 EME LANG! I won't elaborate much sa magjowang ito but we had a lot of interactions. LIKE A LOT. Had a trio group work with them for school purposes. Even ate sa McDo with them! Kumusta naman? Syempre nawindang ako sobra. Kunyari ayaw maging third wheel pero deep inside, kilig na kilig.

Anyway, I think that's all. Oh, and if anyone of you is thinking (but I hope not), na malapit nang mag-isang dekada yung Crush Layp and hanggang crushes pa lang din ako and no jowa? Turns out, I'm Aromantic. Can you believe it? All these crushes shenaningans but I don't really feel romantic attraction. But that's a story for another day. And hey, dito ako magaling, magka-crush. Maging unhealthily obsessed with someone who doesn't feel the same, do weird things for their attention until I get bored and tired and find a new one to obsessed with.

If anyone is still reading this through all these cringy years, thanks so much!


ㅡ27DEC2024

Crishane🩷

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top