❤Advantage of having a crush
Magandang araw!
May nagtanong sakin kung ano daw ang mga advantage pag meron kang crush. So yeah?
Pero para sakin depende. Depende kung paanong crush. Kung crush na paghanga o crush na paghangad.
( ̄ε  ̄)( ̄ε  ̄)( ̄ε  ̄)( ̄ε  ̄)( ̄ε  ̄)
1: INSPIRATION: Hygiene
Infires men~
Siyempre nai-inspire kang gumising kada-araw para kay crush. Kaya blooming at fresh ang awra.
Syempre pa'no ka mapapansin kung pawisin o gusgusin ka? Syempre ayusin mo yung saliri mo.
Magsuklay ka para hindi ka mukhang wish. Magpulbos. Magayos. Proper posture. Basta.
Siyempre mai-inspire ka ring maligo araw-araw. Juzme naman kahit wala kang crush dapat kang maligo.
Mag-toothbrush ka rin para pag nagkausap kayo hindi siya himatayin.
Kahit maganda ka, kung di mo inaayos yung sarili mo, panget ka pa rin lol.
2: INSPIRATION: High Grades and "Health is wealth"
HAHAHAH Natawa ko lol. So,
Crush is paghanga, ika nga. Pero yung iba ginagawang paghangad.
Hanga lang mga bes. Gawin mo siyang inspirasyon.
Kunwari kung magkaklase kayo. Isipin mo kung paano ka niya mapapansin. Edi magrecite ka! Nagka-grades ka na, napansin ka pa. Depende na nga lang kung mali ang sagot mo o kaya wala siyang pake sa nangyayari sa paligid. May na-update na ako tungkol pano magpapansin, backread na lang. Basta yung mga tungkol sa pag magka-groupings kayo or whatsoever.
Kung hindi naman kayo magkaklase, edi gawin mo lahat para makita mo siya. Libutin mo yung buong campus! Nakapag-exercise ka pa. It's good for the health. Basta mag-warm up at cool down ka, lol.
Nae-exercise din yung leeg natin kakahanap sa kanya. At lumilinaw yung mata natin dahil kahit gaano kalayo ay kita mo siya. Tumatalas din ang memory natin dahil alam mo agad yung bag niya, maski sapatos, ballpen, notebook, libro, pencil, eraser, uniform, sando, medyas, underwear, etc. Kahit full name, nickname, birthday, parent's name, favorites, and such ay alam mo.
Nakakakompleto ka rin ng tulog o kaya naman ay maaga matulog. Syempre dahil iniisip mo na baka maturn-off siya sa babaeng mahilig magpuyat. Dahil pag nagpuyat ka, magkaka-eye bags o pimples ka. Syempre iisipin mo na papangit ka kaya nai-inspire kang matulog ng maaga.
3: Inspirasyon sa buhay at pagiging Positive Thinker
Siyempre nai-imagine mong magkasama kayo ng crush mo, magkaholding hands, naghahalikan, nagaanohan and such. Lumalawak rin ang imagination natin.
Syempre naiimagine mo na rin yung buhay mo (or niyo kung talagang adik ka na sakanya) in the future. Naiisip mo na rin yung future babies niyo with name pa. Aba!
Edi siyempre kailangan mong magsipag para magkaroon ka ng magandang kinabukasan.
Yung kahit down na down ka na, maisip mo lang si crush, eto na ang motto "Kakayanin ko 'to. Para sa future namin ni crush!"
Yes naman! Laban! Kapit lang! Umasa tayo na magugustuhan rin tayo ni crush!
Kahit may problema ka sa buhay, isipin mo na pa'no kung kayo magkatuluyan in the future? Paano kung hindi? Paano kung puro paano na lang?
Kahit feeling mo wala ka nang pag-asa sa buhay, isipin mo lang yung crush mo. Ikakasal pa kayo! Magkakaanak pa kayo!
Well, hindi ko naman sinasabing umasa kayo kahit sa wala. Pero parang ganon na rin, lol. Positive thinker nga diba?
May ikukwento lang ako sa inyo, lol. Basahin niyo! HAHAHA!
Dati nanaginip ako at namatay daw ako \ㅇㅁㅇ/ As in grabe yon! Nasabi ko na lang, 'yon na 'yon! I mean, yon na talaga yon? Like, ang bata ko pa! Parang nagbasa ka ng libro na hindi man lang umabot ng climax, ending agad. Epilogue agad.
Hindi ko pa nga naaabot yung pangarap ko eh. As in, una ko tlgang naisip ay yung mga crush ko specially mga oppa ko sa Korea. Hindi pa ako nakakapunta ng Korea tas ganon na?
Kaya humingi daw ako kay.. San Pedro ba yon? Basta yong lalaking naka-all white. Tas sabi niya pwede naman daw kaso after 10 years, may sinabi pa siyang date at time kaso nakalimutan ko, yon na daw talaga at wala nang extension.
So yon. Moral lesson: Ang pagkakaroon ng maraming crush, hahaba ng 10 years yung buhay mo.
Kidding aside, ang pagiging positive thinker ay nakakahaba talaga ng buhay.
Kahit depress na depress ka na sa buhay, wag kang magpakamatay.
Say no to suicide. Isipin ang mga crush. Be a positive thinker. Be like a proton, always positive. Cliché man, pero totoo.
¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯Author's Note¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯¯\_(ツ)_/¯
All in all, inspirasyon lang mga bes.
Kung ano man ang masasabi mo, comment lang↓
Pindutin ang maliit na bituin at magiging kulay kahel ito.
Kung kailangan ng advice o gustong mag-share, just PM me. Magisip na rin kayo ng ita-title para di ako mahirapan magisip.
Yun lang po, salamat sa pagbabasa! God bless!
07-06-17
©CrishaneAen❞
P.S. NAGKATINGINAN KAMI NG BEBS KO KANINA TAS NGITIAN NIYA AKO TAS TUMAWA SIYA TAS AKO DIN KYYYAAAA HOMAYGHAD. EPAL NGA LANG YUNG DALAWA KONG KAIBIGAN KAYA AYUN, POKER FACE ULIT SI CRUSH🙄🙄
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top