45
NOTE: DALAWA PO ANG UD KO, baka po hindi niyo nabasa yung Chapter 44 :) Thank you!
Chapter 45
ABHIE'S P.O.V
"Ha? A-ayoko.." Nauutal na sabi ko sa dalawang kaklase ko, niyayaya kasi nila akong maging date nila sa Prom. Nagtitilian yung mga kaklase ko pero umiling iling ako.
Tumayo ako at naglakad papunta sa cafeteria, kasi nanunuyo ang lalamunan ko dahil na rin sa pagpapractice namin kanina para sa Prom. Pero nararamdaman kong nakasunod pa rin saakin ang dalawa kong kaklase.
Hindi naman sa nag iinarte ako pero kasi, nakapangako na ako sa isang tao. Actually last year pa nga diba? Kinontrata na niya ako na kami dapat ang magkadate sa Prom, first time kong magpo-prom at gusto ko espesyal iyon.
Pumunta ako sa bilihan ng soft drinks.. "Abhie sige na.." Narinig kong bulong nung isa kong kaklase. Nakakahiya kasi pinagtitinginan na kami dito, ayoko pa naman na nagiging sentro ako ng atensyon nakakahiya talaga.
"A-ate isa nga pong mountain dew." Sabi ko sa tindera, kaagad naman niya akong kinuha ng mountain dew, nagbayad na ako at inabot ko yung soft drinks, pero...
Bigla kong nabitawan yung mountain dew nang biglang may humila ng braso ko at halos manlaki ang mata ko nang bigla niya akong halikan sa pisngi!! Sobrang nag init ang mukha ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nakalapat pa rin ang labi niya sa pisngi ko!
Sa amoy ng pabango niya, alam kong si Shane siya.. Maging ang hawak niya sa braso ko kabisado ko.
Isang nakakabinging sigawan ang narinig ko sa mga estudyante. Pero para akong bata dito na tulala. Yung basag na bote ng mountain dew tumama sa binti ko pero parang hindi ko maramdaman yung sakit, dahil nakapokus ang buong atensyon ko sa labi ni Shane na nasa pisngi ko.
Dahan dahan siyang lumayo ng kaunti at halos magtayuan ang balahibo nang maramdaman ko ang hininga niya sa may tenga ko, alam kong nakatingin din siya sa dalawang kaklase ko na nasa likod ko lang. Humigpit ang hawak niya sa braso ko at mas lalo niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko para bumulong.
"A deal is a deal Hon.. Isang selos kapalit ng isang halik." Napalunok ako sa boses niya dahil punong puno iyon ng awtoridad at ramdam ko ang pagseselos niya sa tono ng pananalita niya.
Nanghina ang tuhod ko.
"Sh-Shane..." Nauutal na bulong ko, "Let's talk." Malamig na sabi niya at pinadausdos niya ang kamay niya papunta sa palad ko tsaka ako hinila palayo sa cafeteria, nagsisisgawan pa rin ang mga estudyante kaya tumungo lang ako habang kinakaladkad ako ni Shane!
Hawak hawak pa din ni Shane ang kamay ko at halos limang minuto na kaming nakatayo dito sa rooftop. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at nararamdaman ko ang marahan na pagpisil niya sa kamay ko.
"Sha-/Abh-" Pareho kaming napatigil sa pagsasalita. Napailing siya at tumungo, napansin kong kumunot ang noo niya at parang may tinitignan siya sa binti ko.
"Sht.." Bulalas niya at mabilis na binitawan ang kamay ko! Kaagad niyang kinuha ang panyo sa bulsa niya at nagulat ako nang tumungo siya.
Pinunasan niya ang dugo sa binti ko.
"Dito tayo.." Sabi niya at saka hinila ang kamay ko at pinaupo ako sa monoblock, may maliit na sugat ako sa binti dahil natamaan ng bubog ng bote yung binti ko, iniluhod niya ang kaliwang tuhod niya habang sa kanan naman ay ipinatong niya ang binti ko sa tuhod niya at pinunasan iyon saka niya tinalian ng panyo yung binti ko.
Magkadikit na magkadikit ang kilay niya habang ginagawa iyon, "Sorry, nagkasugat ka tuloy dahil saakin." Paumanhin niya, "O-okay lang, hindi naman masakit." Nauutal na sabi ko.
Pagkatapos niyang gawin iyon umupo na rin siya sa tabi ko, "Th-thank you.." Bulong ko, tumango lang siya saakin.
"Nagseselos ako." Biglang sabi niya, nilingon ko siya, sa malayo lang siya nakatingin habang yung kilay niya magkadikit pa rin sa sobrang inis.
"Nangako ka saakin noon diba? Na ako ang kadate mo.. Bakit may nakasunod sayong dalawang lalaki kanina?" Halata ang iritasyon sa boses niya, gusto kong matawa sakanya.
"Ngayon, kung hindi naman pala matutupad yon mas gugustuhin ko pang makita kang walang kadate. Kesa may kasama kang iba." Galit na sabi niya, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko tumawa na ako ng malakas!
Mariin niya akong tinitigan at napatakip ako sa bibig ko dahil galit talaga yung itsura niya.
"Tss.." Naiirita talaga siya, ibinaba ko ang kamay ko at nginitian ko siya.
"Shane..wala ka namang dapat ipagselos eh, dahil ikaw lang din naman yung gusto kong makasama sa gabing yon. Hinihintay ko lang na yayain mo ako dahil hindi ko naman nakalimutan yung promise natin sa isa't isa." Diretsong sabi ko sakanya, napaawang ang bibig niya at awtomatikong naghiwalay ang magkadikit niyang kilay.
Napansin kong napalunok siya, nag iwas siya ng tingin saakin at napansin kong namula siya. Hahaha, ang gwapo pa rin niya kahit namumula siya.
"K-kahit na, h-hindi ka dapat lumalapit sakanila. Tss, hinihintay kita pero hindi ibig sabihin non pumapayag na akong may manligaw sayong iba." Natawa ako dahil sa pagkatuliro ng boses niya.
"Psh, sige tawa lang." Mas lalo siyang nairita dahil sa pagtawa ko, ang cute magselos ng Shane KO.
Sa hindi ko malamang dahilan bigla ko siyang hinalikan sa pisngi! Halatang nagulat siya, maging ako nagulat sa ginawa ko.
Dahan dahan siyang lumingon saakin at nagtama ang mata naming dalawa, nakaawang bibig namin pareho. Napatingin siya sa labi ko at halos magwala ang puso ko nang makita kong dahan dahan siyang tumungo para maabot yung labi ko, kaagad kong ipinikit ang mata ko! Ahhhhh!!! Abhie ito na ba ang first real kiss?!! Ahhhhh!!
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang maramdaman kong nagtama ang ilong naming dalawa, naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga.. Hinawakan niya ang baba ko at alam kong isang galaw nalang magdidikit na ang labi naming dalawa, nang biglang...
"HOY!!!!" Napapitlag kaming pareho dahil sa isang sigaw! Napalingon kaming dalawa ni Shane at nanlaki ang mata ko!
Kaagad akong tumayo!
"Mi...Ms.Ash!!!" Kinakabahan na sigaw ko! Nakapamewang siya ngayon at sobrang sama ng tingin saaming dalawa! Lumapit siya saamin ni Shane at nagulat ako nang mahina niyang hampasin yung bibig namin ni Shane!
"Ke bata bata niyo pa! Maghahalikan na kayo?!!" Sermon niya saamin, napakagat ako sa ibabang labi ko at nag iwas ko ng tingin.
"Tss, bakit ikaw ba yung hahalikan ko?" Pagsusungit ni Shane, hinampas ko ang braso niya pero nakasimangot pa rin siya.
"Hoy!! Ako ang masusunod dito! Hindi pa kayo pwedeng maghalikan!! Gosh!! Ang bata niyo pa!!" Sigaw ni Ms.Ash.
"Ipapatawag ko ang parents mo Shane!!" Dagdag pa nito, nanlaki ang mata ko!
"H'wag po Ms.Ash!!" Sigaw ko saka umiling iling ako! Pero galit talaga si Ms.Ash, huhuhu. Sa hindi nakakaalam siya ang babaeng inatasan ng Principal namin na hulihin ang lahat ng estudyanteng nag-PPDA!
"Psh, ge patawag mo." Walang ganang sagot ni Shane, ngumuso naman si Ms.Ash.
"Haaay..ge hindi na, basta bawal kayong maghalikan ha! Bawal pa!" Sigaw niya, tumango tango ako. Narinig ko naman ang pag tss ni Shane.
"Osige kiss mo siya sa cheeks." Utos ni Ms.Ash, nanlaki ang mata ko.
"Ayoko. Ano ka hilo? Papanoorin mo kung paano ko halikan yung pisngi niya?" Pagsusungit ni Shane.
"Ah!" Nagulat ako nang pingutin ni Ms.Ash si Shane. "Kiss mo siya." Utos niya, marahas namang tinanggal ni Shane ang kamay ni Ms.Ash, magkadikit nanaman ang kilay ni Shane.
"Tsk, oo na." Iritadong sagot ni Shane at mabilis pa sa alas kwatro ay dumapo na ang labi niya sa pisngi ko.
Ngumiti naman ng malapad si Ms.Ash..
"Very good, osige na. Diyan na kayo. Bawal magdikit yang mga labi na yan ha!!" Sigaw niya saamin saka tumalikod na, nagkatinginan kami ni Shane.
"HOPIA!!" Napapitlag nanaman kami ni Shane nang humarap si Ms.Ash.
"Magtitinginan pa kayo ha! Bumaba na kayo!" Sigaw niya habang nakangiti.
Napakamot ng ulo si Shane at hinila ang kamay ko saka sabay kaming bumaba. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Ms.Ash..
Halata naman ang pagka irita ni Shane. Natatawa nalang din ako, grabe. It's a breath taking moment! Wooooh!
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top