32
Chapter 32
Napansin kong namula ang mukha niya dahil sa sinabi ko! Pero ramdam ko rin na mas namumula ang mukha ko.
"Maupo ka na hija.." Nakangiting sabi saakin ni Tito Mario, kaya naman umupo na ako sa couch nila, ramdam kong tinititigan ako ni Shane, maya maya lang umupo na rin siya sa tabi ko. Nagbabasa siya ng libro.
"Anong binabasa mo?" May maitanong lang Abhie?!!
Pero hindi niya ako inimik..
"Mom--my.." Parang biglang natigilan si Shara ng makita niya ako, nanakbo siya papunta sa sala.
"Hi Ate Abhie!!" Masiglang bati niya saakin.
"Hello Shara.."
Nginitian niya ako, napansin kong hindi siya makatingin kay Shane, na para bang may malaki siyang kasalanan.
"Shara, kuhanin mo yung laptop sa kwarto ko." Utos ni Shane ng hindi inaalis ang tingin sa libro.
"Hah?! Bakit Kuya?!!" Para namang gulat na gulat si Shara sa inutos ni Shane.
"Bakit? Natural gagamitin nga diba?" Pagsusungit ni Shane.
"Wala Kuya! Sira yung laptop mo!" Sigaw niya, padabog na isinara ni Shane ang libro niya at mariin na tinignan ang mukha ni Abhie!
"Ahh..ehh..kasi Kuya..a-ano.. Yung laptop mo..nilaro ko. Hehe." Napansin kong nanlaki ang mata ni Shane.
"May laptop ka naman diba? Bakit pinapakialamanan ang gamit ko?" Pagsusungit nanaman ni Shane.
"A..ano, Kuya kasi..maliit yung laptop ko!!" Paliwanag ni Abhie, pabalik balik ang tingin ko sakanilang dalawa, nagsukatan sila ng tingin na akala mo magwre-wrestling! Tumayo si Shane, tumayo din si Shara!
At nagulantang ako ng mag unahan silang tumakbo paakyat sa kwarto!
"KUYA!! Waaa!! Hindi pwede!!"
"Anong hindi pwede?!! May ginawa ka nanaman sigurong kalokohan sa laptop ko!!" Naiiritang sigaw ni Shane!
"Wa..wala ah!! Ang sungit sungit mo!!" Sigaw ni Shara! At narinig kong ang yabag ng mga paa nila!
"SHANE! SHARA!" Biglang tumahimik ng marinig ko ang sigaw ni Daddy nila.
"Anong kalokohan nanaman yan? Mamaya magkakasakitan nanaman kayo!" Suway ni Tito Mario.
"Kasi Dad si Kuya..yung laptop niya ayaw niya ipahiram saakin."
"May sarili ka namang laptop diba?" Narinig kong bulong ni Shane.
"Umayos kayong dalawa. Shane mas matanda ka matutong magbigay." Pangaral ni Tito Mario.tumahimik sa taas, pero si Tito Mario rinig na rinig ko pa rin ang boses.
"Nag aagawan kayo sa gamit, kaya nga binilhan kayo ng kanya kanya para hindi mag away."
"Eh Dad may tinignan lang naman ako sa laptop ni Kuya."
"Kahit na! Hindi naman tama na nakikialam ka ng gamit ng iba, hindi ka pa marunong magpaalam." Halata sa boses ni Shane na naiinis na siya.
"Damot.." Si Shara.
"Tumigil na kayong dalawa, h'wag niyo ng hintayin na ang Mommy niyo pa ang makakita sa inyong dalawa. Shane maging Kuya ka naman dito sa kapatid mo!"
Narinig kong sumagot si Shane pero hindi ko masyado naintindihan yon.
Maya maya lang bumaba na si Shane na dala dala yung laptop niya. Kasunod niya si Shara. Para silang sinakluban ng langit at lupa, padabog na umupo si Shane sa tabi ko, si Shara naman naka.cross arms. Ang cute nilang dalawa! Hahaha.
"Sorry na Kuya..sorry kung napagalitan ka nanaman ni Daddy." Bulong ni Shara.
"Tatanggapin ko lang yang sorry mo kapag umamin ka saakin kung anong ginawa mo sa laptop ko.." Masungit na sabi ni Shane.
"Ah..ano.." Nauutal na sabi ni Shara.
"What?!" Bulyaw ni Shane, tumayo si Shara!
"Open your facebook!!" Sigaw niya at tumakbo ulit sa taas, narinig ko ang pag lock niya ng pintuan niya sa taas!
Nakakunot noong binuksan ni Shane ang laptop niya, sumilip ako doon. Halos mag init ang mukha ko ng makita kong ako ang wallpaper sa laptop niya, yun ba tawag dun?
Tinaype niya ang facebook at napansin kong parang nagulat siya dahil pumasok kaagad ang account niya, na parang hindi ina-out.
Clinick niya ang Profile niya at halos manlaki ang mata ko ng mabasa ko ang nakatag na pangalan ko.
--I love you, Abhie.--
"Bullsht." Bulong ni Shane.
Clinick niya ang pangalan ko at nakita niya ang post niya na. 'I missed you.'
"Shara!!!" Sigaw ni Shane!!
Hinila ko ang kamay niya dahil akmang tatayo nanaman siya at pupuntahan si Shara! Umiling iling ako!
"Dammit! Abhie hindi ako ang nagpost ng mga yan.." Nahihiyang sabi niya saakin, pulang pula ang mukha niya! Mas mapula pa yata saakin!
Sinasabi ko na nga ba, ang pasaway ng kapatid niya!
"Si Shara?" Pagtataka ko sakanya, tumango siya.
"Aish!!" Padabog niyang ibinaba sa center table ang laptop niya at ipinikit niya ang mata niya!
"O-okay lang Shane.. Hayaan mo na si Shara." Bulong ko.
"Hindi pwedeng pabayaan Abhie, masyado na siyang spoiled." Naiinis na sabi niya.
Umupo ako sa sahig at hinila palapit saakin ang laptop niya.
"Buburahin ko nalang Shane.." Sabi ko at akmang buburahin ang mga post ni Shara.
"H'wag na Abhie.." Napatingin ako sa kamay niyang nakapatong sa balikat ko.
"Pero Shane, hindi mo naman gusto na magpost ng ganito diba? Tignan mo ang dami daming comments.. Inaasar ka na nila Elle."
"Okay lang.. Totoong namiss kita." Napalunok ako sa bulong niyang yon, at sobrang nagmamabilis sa pagtibok ang puso ko.
Pero ang mas nakapagpabilis ng tibok ng puso ko ay nung bigla siyang yumakap saakin mula sa likod ko! Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at halos manigas ako sa kinauupuan ko ng bumulong siya sa tenga ko.
"I love you.."
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top