27



Chapter 27


Kinabukasan nagulat ako ng bumungad sa tapat ng gate namin si Stan.


"Anong ginagawa mo dito?" Pagtataka ko.

"Sabay na tayong pumasok Abhie! Sigurado ako mamayang uwian si Shane ang maghahatid sayo." Nakangiting sabi niya, napansin kong bagong gupit siya at sobrang ayos maayos ang uniform niya, err? Bakit mas lalo siyang gumwapo?


"Nye? Bakit?"


"Bilang manliligaw mo kailangan maihatid o masundo manlang kita." Masayang sabi niya.


Naglakad na kaming dalawa.


"Stan? Alam mo naman siguro diba? Na si Shane--"

"Gusto mo si Shane, alam ko yun. Pero hangga't hindi pa kayo, may pag asa pa rin ako!" Sabi niya.


"Pero hindi naman ako nagpapaligaw sainyo diba?" Sabi ko, lagot ako kay Tita nito kapag nalaman niya yung mga pinagsasasabi saakin ng mga kaibigan kong lalaki.


"Hindi nga. Hayaan mo nalang gawin namin ang gusto namin."


Pumara na kami ng jeep papunta sa school. Medyo maaga pa naman kaya wala pang masyadong traffic, pagkababang pagkababa namin kaagad naming nakita si Shane sa babaan ng jeep. Nakakunot ang noo niya at titig na titig siya saakin. Kinabahan naman ako dahil alam kong nagseselos siya. Okay, ngayon hindi ako nag aassume, dahil siya na rin ang may sabi noon na nagseselos siya kay Stan.


"Tara na Abhie.." Yaya saakin ni Stan, hindi ko alam kung ihahakbang ko na ba ang paa ko papasok ng school, nakatingin pa rin kasi si Shane saamin.


Kaya naman ang ginawa ko nauna na akong maglalakad kay Stan!


Pagkapasok ko sa classroom namin kasunod ko na silang dalawa.


Umupo na si Shane sa tabi ko at hindi siya umiimik. Pasimple ko siyang nilingon, nakahalukipkip siya habang nakatungo ng kaunti ang ulo at nakapikit.


"Don't stare." Bulong niya, halos mapalundag ako sa malamig niyang boses. Pero hindi ko pa rin inalis ang tingin ko sakanya, dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at tinitigan akong mabuti. Isang malalim at makahulugang titig.


Napapikit ako ng biglang niyang inilapit ang mukha niya saakin at sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na namalayan na hinalikan niya ang gilid ng labi ko.


Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw na para bang yung mabilis na pagpintig lang ng puso ko ang gumagalaw ngayon!!


"AHHHHH!!!" Isang malakas na sigawan ang narinig ko mula sa mga kaklase ko!!


"SHABIE!! SHABIE!!" Sigawan ng mga kaklase namin..


Hindi pa rin kami nagbabago ng pwesto ni Shane, iminulat ko ang mata ko at halos maduling ako dahil sa sobrang lapit niya. Bumulong siya sa gilid ng labi ko.

"Sabi ko don't stare. Pinipigilan ko ang sarili ko Abhie. Isang selos, kapalit ng isang halik." Bulong niya bago humiwalay saakin.


"ACKKKK!! Sobrang pula ni Abhie at Shane!! Ahhhh!!" Sigaw ng isang kaklase ko. Napahawak ako sa pisngi ko dahil alam kong sobrang pula ko naman talaga!


Hindi ko na napigilan at tumayo na ako saka lumabas ng classroom namin. Rinig na rinig ko pa rin ang sigawan ng lahat.


Dumiretso ako sa cr at humarap sa salamin, nakumpirma ko nga ang pamumula ng mukha ko. Nakakahiya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko, napaka abnormal ayaw kumalma.


Maya maya lang may isang babae ang lumabas sa cubicle ng cr. Siya ang Ate ni Shane! Tinitigan ko siya sa salamin habang naghuhugas siya ng kamay. Ang ganda niya, yung ilong niya kapareho ng kay Shane sobrang tangos, maging ang lips niya manipis at mamula mula. Sobrang ganda rin ng buhok niya, at ang puti puti niya. Napalunok ako ng bigla siyang tumingin sa salamin kaya naman nagtama ang mata naming dalawa. Ngumiti siya saakin.


"Good morning.." Masayang bati niya saakin, tumango tango naman ako bilang sagot!


Ngumiti nanaman siya, siguro kung lalaki lang ako baka nainlove na ako sa sobrang ganda niya. Pati kasi ngiti niya nakakagaan ng loob, alam niyo yung kapag malungkot ka ngitian ka lang niya mawawala na lahat ng lungkot mo.

Bago pa siya lumabas ng cr, nginitian niya ulit ako. Mabait siguro ang Ate ni Shane dahil hindi naman niya ako kilala pero kung ngitian niya ako parang kaibigan niya ako.


Maya maya lang nagbell na kaya naman nagmadali na akong pumasok ng room namin, ramdam ko pa rin yung pang aasar ng mga kaklase ko saakin, hindi lang sila makasigaw dahil may Prof na kami. Napatingin ako kay Stan, umiwas siya ng tingin saakin. Bigla akong nakaramdam ng hiya sakanya..

"Dala niyo na yung palaka?" Tanong ng Prof namin sa biology, ngayon nga pala kami magdadisect ng palaka!! Shemay!! Naiwan ko!!


"Shane!! Naiwan ko!!" Hindi ko napigilan ang pag sigaw dahil ang tanga tanga ko.


"Uyyyy..." Panunukso ng mga kaklase ko.


"Okay lang yon." Sagot saakin ni Shane at ngumiti siya.


"Pero Shane, zero tayo sa activity ngayon.." Sabi ko sakanya.


"At least sayo hindi ako bokya." Nanlaki ang mata ko at lumingon yung dalawang nakaupo sa harapan namin!


"Hoy kayo ang aga aga ang keso niyo!" Pang aasar nila saamin, tumahimik nalang ako. Nakakahiya kasi.


"Okay yung mga walang dalang palaka, mag observe nalang kayo sa laboratory. Pero zero pa rin kayo, bumawi kayo sa next activity!" Sigaw ng Prof namin, hindi lang pala kami yung walang dalang palaka, kasi may mga hindi nakahuli.


"Mr.Briones, first time in history na wala kang activity." Puna ng Prof namin, tsk.. Kasalanan ko 'to..


"Sorry po Ma'am! Kasalanan ko po naiwan ko po kasi yung palaka!" Sabi ko, hinawakan naman ni Shane ang braso ko.


"Okay nga lang." Mariin niyang sabi.

"Ms.Bregnas, alam mo naman siguro na rank 1 saakin yan si Shane.."

"Opo Ma'am! Sorry po talaga."

"It's alright. Next time gabi palang ayusin mo na yung mga gagamitin mo sa klase para hindi mo na makalimutan. Bumawi kayo." Sabi ni Ma'am saamin, tumango naman ako bilang sagot.


"Kulit. Sinabing ayos lang." Naiiritang sabi ni Shane saakin.

"Kasi Shane baka makaapekto sa pagiging rank 1 mo sa biology yan." Sabi ko.

"Number lang yon Abhie. Hindi naman importante kung rank 1 o 2 ka sa klase. Ang importante nag aaral ka. Lahat naman tayo dito pare-parehong nag aaral. Kaya h'wag ka ng maguilty." Paliwanag niya saakin.


"Uyyyyy..." Panunukso nila Elle sa likod namin.


Maya maya lang lumipat na kami sa Laboratory ng biology, nagsimula na silang magdisect, kami naman ni Shane nag oobserve lang ng ginagawa ng mga kaklase namin, pero napansin kong nagsusulat si Shane sa notebook niya, at tanong siya ng tanong sa mga kaklase namin kung paano ang ginawa.. Basta parang kapag hindi niya alam talagang nagtatanong siya, nakakalungkot, hindi tuloy namin maexperience ni Shane ang pagdisect ng palaka.



Pagkatapos ng klase namin sa biology hinila ni Shane ang kamay ko papunta sa library, nagpaxerox siya don ng mga isinulat niya. Ibinigay niya saakin yung photocopy.


"Itago mo yan. Sigurado ako lalabas sa exam yung ginawa nila kanina dun sa palaka." Sabi ni Shane saakin, tumango tango nalang ako at tinitigan yung sulat niya, lalaking lalaki yung pagkakasulat niya, hindi naman pangit, maiintindihan mo talaga yung nakasulat.


Pero ang nakatawag ng pansin ko yung nakasulat sa ilalim ng papel.

PAALALA:

--Isang selos, kapalit ng isang halik.--


Halos manlaki ang mata ko.

"A deal is always a deal Abhie." Bulong niya at nauna ng lumabas ng library.. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin, Shane!!!!

Wala naman kaming deal na ganun diba? Siya lang yung nag deal mag isa! Nagsimula lahat yun dun sa swing sa park namin, nakakahiya sobra.


****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top