26
Chapter 26
Sunday ngayon at may date kami ni Lord. Naglalakad na ako ngayon papasok ng simbahan, medyo marami-rami ng tao at nagsisimula ng magsermon ang pari nung dumating ako, kaya naman sa pinakadulo ako umupo.
Humingi na rin ako ng sorry kay Lord, dahil ngayon lang ulit ako nakadalaw sakanya, nagthank you na rin ako sa lahat ng blessings na ibinibigay niya saakin.
Pagkatapos ng misa, palabas na sana ako ng simbahan ng biglang may humila saakin!
“Oh Stan?! Dito ka rin pala nagsisimba?” Nakangiting batik o sakanya, tumango tango naman siya. Sumabay siya saakin paglalakad, magpapaalam na sana ako pero bigla siyang nagsalita.
“Kain muna tayo Abhie?” Aniya, sasagot na sana ako pero inunahan nanaman niya akong magsalita.
“Ops! H’wag kang tatanggi, pambawi ko na ‘to.. Hindi manlang kita maihatid pauwi sa bahay niyo kapag may pasok.. Sige na Abhie..” Pakiusap niya, tinitigan ko siya sa mata at nakita ko rin ang pakikiusap ng mga mata niya.. Huminga ako ng malalim at tumango tango ako na naging dahilan para magliwanag ang mukha niya!
“Thank you Abhie!” Ngiting ngiti na sabi niya..
Sa Casa Delight kami pumasok ni Stan, maraming tao at karamihan sakanila isang pamilya na halatang kagagaling lang sa pagsisimba, nakakamiss magsimba kasama si Papa... Pancit Bihon at Puto ang inorder namin ni Stan at halos manlaki ang mata ko dahil sobrang dami ng pancit, maging si Stan natawa.
“Sorry, hindi ko alam na ganito karami pala magserve dito.” Paumanhin ni Stan.
“Okay lang yon! Maganda nga yan eh pampahaba ng buhay!” Nakangiting sabi ko sakanya, napapikit ako ng kurutin niya ang pisngi ko.
“Ang cute mo Abhie.. Kumain na nga tayo.” Aniya, nilagyan niya ng pancit at puto ang plato ko..
“Salamat Stan..”
Habang kumakain ako naramdaman kong titig na titig saakin si Stan kaya naman tinitigan ko rin siya..
“Bakit?” Pagtataka ko.
“Wala naman.. Mas lalo ka palang gumaganda kapag tinitigan ka ng matagal, yung tipong hindi ka nakakasawang titigan.” Nakangiting sabi niya, napaubo naman ako!! Mabilis akong uminom ng coke!
“Stan! Tigil tigilan mo nga ako!” Umuubong sigaw ko!
“Seryoso ako Abhie.. Bakit ba hindi mo nalang tanggapin na mayroon talagang nagagandahan sayo, at isa na ako dun.” Sabi niya saka kumagat ng puto.
“Malabo yata ang mata niyo!” Natatawang sabi ko.
Umiling iling siya.
“Pagdating sayo Abhie hindi malabo ang mata ko!” Nakangising sabi niya, tinawanan ko nalang siya at kumain na ulit ako..
“Yang kwintas mo Abhie, parang nakita ko na kung saan.. Hindi ko lang matandaan.” Pag iiba niya ng usapan. Hinawakan ko yung kwintas ko.
“Ah, eto ba? Bigay saakin ‘to ng kaibigan ko.. Ang cute noh?” Nakangiting sabi ko sakanya..Tumango siya.
“Mahilig ka sa snowman? Kasi nung nagmall tayo nila Elle, tuwang tuwa ka rin sa stuff toy na snowman.” Sabi niya..
“Hmm..actually, hindi naman ako mahilig sa snowman dati eh.. Nito nalang, nung naging kaibigan ko yung nagbigay nito.. Sobra kasing napapasaya niya ako, lalo na kapag feeling ko wala akong kakampi, siya lang yung nag iisang kakampi ko.. Yung parang kapag sobra sobrang lugmok ako bigla nalang siya darating para i-comfort ako..” Nakangiting kwento ko..
“Ayos pala yan ah. Mukhang hindi lang si Shane ang kaagaw ko sayo.. Lalaki ba?”
“Baliw ka Stan.. Oo lalaki siya..” Sagot ko sakanya, tumango tango siya at binigyan ng huling sulyap ang kwintas ko..
Pagkatapos naming kumain sumakay na kami ng jeep pauwi, naglakad nalang din kami sa subdivision at tumambay kami sa park..
Pagkaupong pagkaupo namin sa isang bench..
“Ay teka! May ibibigay pala ako sayo..” Sabi niya, tinignan ko siya at nakita kong hinuhubad niya ang kwintas niyang rosaryo..
Akala ko isusuot niya yon sa leeg ko, pero kinuha niya ang kanang kamay ko, natigilan pa siya dahil nakita niyang may suot na akong bracelet, yun naman yung bigay saakin ni Shane..kaagad siyang nakabawi at ipinulupot sa kamay ko ang kwintas niya..
“Ingatan mo yan, galing pa yan sa Mama ko.” Masayang sabi niya.
“Ha?! Hindi ba dapat tinatago mo ‘to? Bigay sayo ‘to ng Mama mo..” Pero nginitian niya lang ako at hinawakan ang kamay ko.
“Oo bigay nga yan ni Mama.. Pero siya na rin ang nagsabi saakin na ibigay ko yan sa babaeng magugustuhan ko.. Alam ko ang corny Abhie, pero ikaw kasi yung unang naisip ko nung naalala ko yung sinabi ni Mama..” Paliwanag niya, sinulyapan ko siya at dun ko lang nakita na nakatingala siya sa langit, nakakunot pa ang noo niya dahil nasisilaw siya sa araw.
“Ma..paano ba yan? Ibinigay ko na sa babaeng gusto ko yung gabay mo saakin, bantayan mo rin siya.” Nakangiting bulong niya..
“Thank you Stan..” Sabi ko sakanya, lumingon siya saakin at nginitian ako, pakiramdam ko napaka-espesyal ko dahil yung mahalagang bagay na ibinigay sakanya ng Mama niya saakin niya ipinagkakatiwala..
“Promise Stan pahahalagahan ko ‘to, kagaya ng pagapahalaga mo, para hindi magalit ang Mama mo saakin.”
“Kaya nga sayo ko ibinibigay yan Abhie, kasi alam ko kung paano ka magpahalaga.”
***
SALAMAT PO!! :))
ATE ABO.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top