1
Chapter 1
Ipinatong ko sa ibabaw ng puntod nila ang dalawang puting rosas na hawak hawak ko.. Hanggang ngayon ayoko pa ring maniwala na wala na si Papa.. Umupo ako sa damuhan at hinimas ko ang pangalan nila na nakaukit sa puting lapida..
R.I.P Abigail & Shane Bregnas
Si Mama, namatay siya nung mismong araw na ipinanganak niya ako.. Mag isa nalang akong pinalaki ni Papa, at kinaya niya lahat para saakin.. Pero iniwan na rin ako ni Papa, nagka-cancer siya at yon ang dahilan ng pagkawala niya.
Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa sarili ko, dahil nung araw na namatay si Papa hindi ako pumunta sa burol niya. Nagtago ako sa lahat ng tao, ayoko kasing maniwala na pati si Papa iniwanan na ako.. Ayoko ring makita nila na mahina ako..
Ngayon ko lang dinalaw si Papa pagkatapos ng isang buwan.
“Ang daya mo naman Pa eh! Sabi mo walang iwanan!” – sigaw ko na para bang kaharap ko lang siya!
“Paano na ngayon yan Pa?! Diba sabi mo sasamahan mo pa ako sa Korea!!” – sigaw ko! Pangarap ko kasing makapunta ng Korea kasama si Papa!
Tumungo ako at hinalikan ko ang puntod ng mga magulang ko..
“I love you Pa..Ma..” – bulong ko saka tumayo na ako, pinunasan ko ang luha ko at naglakad na ako palabas ng sementeryo kung saan hinihintay ako ni Tita Marie, kapatid ni Papa..
“Okay ka lang ba anak?” – tanong ni Tita, tumango ako at ngumiti..
Si Tita Marie, siya ang katulong ko sa pag aalaga ko kay Papa nung nagkasakit siya.. Hindi na nga siya nakapag asawa eh, dahil inalagaan rin ako ni Tita kapag nasa trabaho si Papa.. Ako na nga daw ang anak niya..
“Ang mabuti pa magpahinga ka na muna, mukhang pagod ka na..” – sabi ni Tita at inakbayan ako..
Tumango nalang ako, pinipigilan kong bumagsak ang luha ko dahil nakakahiya naman kung iiyak nanaman ako.. Pumara na ng taxi si Tita para makauwi na kami..
Pagdating namin sa bahay nagkulong na kaagad ako sa kwarto ko, at hindi ko nanaman mapigilan ang luha ko.. Oo isang buwan na nga ang lumipas simula ng mawala si Papa, pero ramdam ko pa rin yung sakit eh..
___________________________
“ABHIE!!” – nagtalukbong ako ng unan dahil narinig ko nanaman ang sigaw ng kaibigan ko!! Kung tatanungin niyo ako kung bestfriend ko siya, pwes hindi!! FRIEND lang! Dahil para saakin ang best friend ko ay si Papa! Sabado nga pala ngayon, walang pasok kaya ayan nangungulit siya!
Pilit hinihila ni Syril ang unan ko!
“Ano ba Syril..inaantok pa ako..” – bulong ko sa ilalim ng unan ko!
“DUH! FYI! Dalawang araw ka ng hindi lumalabas dito sa kwarto mo! Tignan mo nga yang itsura mo!!” – tuluyan na nga niyang nahila yung unan ko!
“Tsk!” – umupo ako sa kama ko at nagkamot ng ulo!
“See? Nangangati na yang ulo mo dahil dalawang araw ka ng hindi naliligo! Wala ka daw ginawa kundi uminom ng tubig at matulog ulit! Ghad!! Buti hindi ka pa namamatay!!” – sigaw niya saakin habang sapo sapo ang noo niya!
Tinignan ko siya ng masama!!
“Ang OA mo alam mo yon?!!”
Tumayo ako at dumiretso sa CR ng kwarto ko para tignan ang itsura ko sa salamin! Great! Ang ganda ko! Dikit dikit lang naman yung buhok ko! Tapos parang nagmee-meeting yung mga pimples ko sa noo! Inamoy ko yung sarili ko at dun ko lang narealize na...
“Ang baho noh?” – napatingin naman ako sa pintuan kung saan sinundan pala ako nitong si Syril!!
“Yaah!!” – sigaw ko saka tinalpakan ko siya ng pintuan ng CR!!
Napagpasiyahan ko ng maligo!
“HOY! Maghilod kang mabuti! Dalawang araw din yan!” – tumatawang sigaw ni Syril sa labas!
“Ewan ko sayo!!”
“May ibibigay ako sayo pagkatapos mo maligo!!” – sigaw niya ulit!
Ano naman kaya yon?
Pagkatapos kong maligo inamoy amoy ko ulit ang sarili ko! Yay! Ang bango ko na! Kinuskos ko ang sarili ko at kumuha ako ng damit sa cabinet ko, yep nandito sa loob ng CR ang cabinet ko, si Papa mismo ang gumawa ng cabinet ko para daw lahat ng kailangan ko kapag maliligo na ako kumpleto na.. Nakaramdam nanaman ako ng lungkot, pero hindi ko pwedeng hayaan na malungkot nanaman ako,dahil unang una ibinilin saakin ni Papa na h’wag na h’wag daw akong malulungkot kapag nawala na siya dahil malulungkot din siya.. Kahit labag sa loob ko lilibangin ko nalang ang sarili ko para magawa ko ang gusto ni Papa, para makalimutan kong wala na pala si Papa..kunyari nasa abroad nalang siya..
Pagkaayos ko lumabas na ako ng CR ko habang nagpupunas ng basa kong buhok! Naglalaro si Syril sa cellphone ko habang ang sarap ng upo sa kama ko!
“Bango ah!” – puna ni Syril!
“Sira ka talaga! Bat ba pumunta ka dito? Saka ano ba yung ibibigay mo?” – tanong ko sakanya saka umupo ako sa tabi niya.. Itinabi niya ang cellphone niya at kinuha ang wallet niya, parang may kinuha siyang card dun..
“Here!!” – masayang sabi niya habang inaabot saakin yung card!
“Huh? Ano naman yan?! – pagtataka ko!
“Duh! Obvious ba?! Cinema Card! Mamaya yan! 12:51nn! Monster University!” – masayang sigaw niya!
Nanlaki ang mata ko at hinablot ko sakanya yung cinema card!! Yahh! Monster University!! Asdfghjkl!! Favorite ko si Sulley! Ang cute niya kasing monster eh!!
“Sabi ko na nga ba eh..Lalapad yang ngiti mo kahit na nagmumukmok ka dito!” – sigaw niya! Hinampas ko naman ang kamay niya!
“Baliw! Gusto ko lang sundin si Papa, kahit na labag sa loob ko na magpakasaya ngayon!” – sabi ko sakanya..
“Haay, condolence ulit Abhie.. Pasensya ka na ha? Gusto lang naman kita palabasin ng lungga mo..” – malungkot na sabi niya..
“Sira ka talaga, okay lang yun! Sasamahan mo ba akong manood?” – pag iiba ko ng usapan..
“Actually..hindi..libre lang kasi yan eh! Bigay ni Ate saakin! Nag iisa nalang yan! Eh ikaw ang una kong naisip kasi nga si Sulley yan!”
Tinignan ko siya ng masama! Manonood ako mag isa ng sine?!! Sa madilim at malamig na lugar na yon mag isa lang ako?!!!
“Chill!! Buti nga makakanood ka eh!” – dispensa niya!
Kainis naman! Solo lang ako?! Pero sayang din ‘to kung hindi ko gagamiti! Ang mahal mahal kaya ng sine ngayon! Nagtatrabaho kasi sa mall yung Ate ni Syril, nakaassign sa sinehan.. Kaya ayon minsan nagkakafree siya ng ticket o cinema card..
__________________
12:30 na! Nandito na ako sa tapat ng Cinema 4, nagsasoundtrip ako nung kanta nila Krissy and Ericka na 12:51 sa cellphone ko! Yun lang naman ang purpose ng phone ko eh pang soundtrip o kaya pang games! O kaya pang facebook kung may pang unli net ako! Hihi.. Natawa ako ng makita kong 12:51 pa yung start ng papanoorin ko, sakto pa sa kantang pinapakinggan ko!
Napalingon ako sa may bilihan ng pop corn, malapit lang naman sa kinatatayuan ko yung bilihan eh..May isang lalaki dun na nakatayo, nakablue na tshirt siya tapos pants na white saka vanz na sapatos..Napa-woa ako dahil sa tangkad niya! Hanggang balikat lang niya yata ako! Ang puti niya! Maputi pa siya saakin! Tapos yung kilay niya medyo makapal ng konti pero bagay sakanya!! Tapos yung ilong niya ang tangos, yung lips niya ang nipis!! Tapos yung mata niya parang...parang ang sungit ng dating pero mukhang anghel! Ah ewan!
Kinakagat kagat niya yung straw ng softdrinks niya habang nakapamulsa yung kaliwang kamay niya! Napaka manly ng tindig niya! Hindi ko alam pero napakagat ako sa labi ko! Lord bakit may mga lalaking katulad niya ang nakakalat dito sa mall, kung kalat lang siya kanina ko pa siya pinulot pero hindi ko siya itatapon! Itatabi ko siya kahit mabulok pa siya!
Pero napanganga ako ng tumingin siya sa pwesto ko habang magkadikit ang dalawang kilay niya! Ngumiti ako! Yung parang ngiting aso! Pero hindi siya ngumiti! Shet! Nakakahiya! Kasi naman eh! Nakita niyang nakakagat labi ako habang mukhang tangang pinagnanasaan siya! Pero mukha yatang mas nabadtrip siya sa ngiti ko dahil hindi niya inalis yung tingin niya saakin na sobrang sama!!
Pwe-pwede bang kainin nalang ako ng lupa?! Ayaw niya kasing alisin yung tingin niya saakin eh! Pakiramdam ko matutunaw na ako! Pero ang sama kasi talaga ng tingin niya saakin! Nakakatakot! Shet! Ang powerful ng mga mata niya! Hinihila ako palapit sakanya! Para siyang Monster ng kagwapuhan!
Inalis ko yung earphone ko dahil parang tumigil na rin yung tugtog sa phone ko gawa ng titig niyang masama na makalaglag panty! Ano ba naman ‘tong sinasabi ko!
“Kuya! 12:51 na! Monster University na!” – biglang may sumulpot na batang babae sa harapan niya! Mukhang elementary, kapatid niya yata? Kulay gatas eh!
Te-teka Monster University din ang papanoorin nila!?
Bago pa alising nung Monster ng kagwapuhan yung tingin niya saakin, ibinato niya sa basaruhan yung hawak niyang softdrinks! Ang galing nagshoot!
“Nabili mo na ba yung gusto mong kainin sa loob ng sinehan?” – nanlamig yung buong paligid ko, nagtindigan lahat ng buhok sa katawan ko dahil sobrang lamig ng boses niya! Lalaking lalaki yung boses niya pero walang emosyon!
“Yes Kuya! Let’s get inside na! Excited na akong mapanood si Sulley!!” –masayang sabi ng kapatid niya, tumango naman siya.. Pero kinabahan nanaman ako ng bigla nanaman siyang lumingon saakin! Shet! Crush at first sight ba ito?!
Pero nanlumo ako ng ngumisi siya, yung ngising parang nang-aasar dahil nakita niya kaninang nakakagat labi ako! ASDFGHJKL!! Ang tanga tanga mo Abhie!! Sino bang matino ang kakagatin ang labi nila kapag nakakita ng lalaking kinakagat kagat yung straw?!
Nang makita kong nakapasok na sila sa loob ng sinehan, pumasok na rin ako! Sa taas ako umupo sa may bandang gitna para kitang kita ko! Mga 5 minutes lang namatay na rin yung ilaw at nagsimula na yung M.U..
Simula palang tawa na ako ng tawa! Ang cute ni Sulley! Ang yabang ng dating niya sa school nila!
“HAHAHAHA!” – hindi ko mapigilan yung tawa ko! Sobrang nakakatawa kasi eh!!
“Hahaha! *sob! *sob!” – parang may humihikbi! Puro tumatawa naman yung mga nanonood! Pero bakit parang may umiiyak?!
“Aish..” – napatingin ako sa katabi ko!
O_O
“Ma-monster?? Ng kagwapuhan?!!” – napatakip ang bibig ko ng mapasigaw ako!
“Kung iiyak ka lang hanggang matapos yang palabas, lumabas ka na.” – mariin na sabi niya!
Te-teka ako ba yung tinutukoy niya?! Napahawak ako sa mata ko! Kinabahan ako! Dahil umiiyak nanaman pala ako.. nakakatawa napagkamalan pa yata akong baliw nito dahil sa pag iyak tawa ko.. Hindi ko alam na sarili ko na pala yung naririnig kong umiiyak..
“So-sorry..” – paumanhin ko, naghanap ako ng panyo o kahit anong tissue sa bag ko pero wala akong makita!
Laking gulat ko ng may tumapat na panyo saakin! Napatingin ako sakanya, pero nakasandal lang siya sa upuan niya habang nakapikit at inaabot saakin yung panyo..
“Nangangalay na ako.” – seryosong sabi niya..
Dahan dahan kong kinuha yung panyo sakanya.. Mabait naman din pala siya kahit paano!
“Te-thank you..” – bulong ko na hindi inaalis ang tingin sakanya, matutulog lang siya? Woa sayang naman yung binayad niya..
Pinunasan ko na yung mukha ko, at tahimik nalang akong nanood.. Ang hirap pala talagang pilitin maging masaya.. Lalo na kapag naaalala ko si Papa.. Pasimple kong pinunasan yung luha ko.. Sumisinghot singhot pa ako dahil sinisipon ako sa pagpipigil ng luha..
“Blow your nose.” – napatingin nanaman ako sakanya! This time nanonood na siya! Kitang kita ko yung pagkinang ng masungit niyang mata kapag natatamaan ng ilaw mula sa big screen!
Lumingon siya saakin at napamulat ako sa sunod na sinabi niya!
“Bingi ka ba? I said blow your nose so you could breathe better.” – pagsusungit niya!
Ha?!! Sabi ko sa isip ko! Nakakahiya!! Bakit ba ganyan siya?! Puro kahihiyan ang inaabot ko sakanya!! Bakit niya ba ako pinapasinga?!! Sipon niya ba ‘to?!! Siya ba yung nahihirapang huminga?!! Hindi naman diba?!! Ako lang!! Lord! Bakit ganito!? Ang gwapo ng katabi ko ngayon pero bakit po napapahiya ako sa kanya?!!
****
Thank you po sa bumasa! ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top