Chapter 1

MAE POV

Pabalik na kami sa classroom nang may mapansin ako, na hindi naman ganon kalayuan sa kinatatayuan namin.

Matangkad, maputi, at higit sa lahat ang pumukaw sa aking attention ay ang mga ngiti niya. Pero wala namang kakaiba duon, kaya hindi ko nalang pinagtuunan pa ng pansin.

ONE WEEK AFTER

Siya nanaman?  sabagay hindi naman kalakihan ang school ko para hindi kami magkita.

ONE MONTH AFTER

Feel ko talaga yung katawan ko na kumikilos para saakin o sadya talaga na halos nitong mga nakaraang araw lagi ko na siyang nakikita.

THE NEXT DAY

"Ikaw nanaman?"  hindi ko namalayan na napalakas pala yung bulong ko sa sarili ko dahilan para tumingin siya saakin at sabay taas ng dalawa niyang kilay. Na para bang tinatanong kung may probloema ako sakanya. Nagulat ako sa nangyari kaya agad akong napailing sa kanya at bahagyang napangiti, sabay alis sa pila.

Bumalik ako kung nasaan ang mga kaybigan ko.

"Oh, Akala ko ba bibili ka ng kanin?" Tanong ni Cat saakin, ng makita niya na wala akong binili na pagkain.

"Ah, ano kasi parang busog pa pala ako" sige Mae panindigan mo yang sinabi mo ha

"Sure ka?" Tanong ulit niya saakin, sakto naman dumating si Kyla sa table. 

"Aba aba himala hindi ka kakain ngayon?" Puna ni May saakin, sabay alok naman ng pagkian na nabili niya saamin.

"Busog pa daw siya eh" Sagot ni Cat.

"Ay siya kung wala naman pala kakain saatin ng kanin eh tayo nang bumalik sa classroom" Aya ni Kyla kaya umalis na kami. Habang nasunod ako sakanila ay hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi mapalingon kung nasaan siya kanina. 

Hindi ko siya makita dahil sa sobrang dami na ng estudyante kaya't hindi ko na sinubukan pa na hanapin siya. Saktong pagkalingon ko sa mga kaybigan ko ay nauntog na ako sa mismong glass door ng canteen.

Napatingin yung tatlo saakin ganon nadin ang mga tao nakarinig at nakakita sa nakakahiyang nangyari saakin. 

Hindi napigilan noong dalawa at pinagtawanan akop habang si Cat naman ay inalalayan ako, feel ko kasi nahilo ako ng slight lang.

"Kung saan saan ka kasi nakatingin eh"

"Sino ba nililingunan mo duon? yan tuloy muntikan mo na makita si san pedro"

"Hala ka beshy namumula na yung ulo mo"

"Gusto mo dalhin ka namin sa clinic, baka kung ano nayan?"

Hindi ko maintindihan kung sino sakanila ang nagsasalita, mas iniintindi ko yung kahihiyan at yung sakit na natamo ko dahil sa nangyari.

Hindi na nila ako makausap nang maayos ka dinala na ako ni Cat sa clinic at iniwan ako habang yung dalawa naman ay bumalik na sila sa classroom.

"Dito ka muna. Ako na magsasabi kay sa proof mo sa nangyari sayo" Tumango tango nalang ako sa sinabi ni Cat, saka ako humiga sa kama ng makaalis na siya at makausap yung nurse na naka assign sa clinic.

ONE MINUTE LATER

"Grabe ka tanga mo naman Mae ano, ang malala pa nito ang lakas ng pagkakaumpos ko sa glass door na'iyon"

"Kasalanan kasi noong lalaking yun, hindi Mae maninisi ka pa eh. Ikaw yung may kasalanan. Siya oo na ako na may kasalanan" 

Pagkatapos ko kausapin yung sarili ko ay nagiba na ako ng gawi ng aking pagkakahiga, laking gulat ko na may nakahiga sa kabilang kama at nakatingin siya saakin ngayonl.

Bakit hindi ko manlang siya napansin kanina?

"Grabe ka talaga Mae, pero okay lang yan isa ka na sa mga tao na nauumpog sa pintuan" Bigla kong naramdaman ang pamumula ng aking mukha, kaya agad kong tunakluban nang kumot ang aking mukha.

"Oh kinakausap ka  pa eh tas bigla mo nalang tatakpan yang mukha mo. Wag kang mahiya, lahat naman tayo nagkakamali" Sino ba siya, at kung makapagusap naman siya saakin parang close kami.

Ibinaba ko nalang yung kumot ko at sabay tingin sakanya. Ano bang problema niya.

"Ba't ang sama ng tingin mo saakin?" 

"The way na makapag salita ka para kasing close tayo. eh hindi naman tayo close, at isa pa hindi ako nakatingin ng masama sayo ganito lang talaga ako makatingin sa hindi ko kakilala"

"Hindi mo ba ako kilala?" Bigla tuloy ako napaisip sa sinabi niya. Baka mamaya mataas pala posisyon ng isang to dito sa school. Pero base naman kasi sa suot niya uniform ng panglalaki, kaya student lang naman ata siya dito.

"Hindi" Yan nalang ang sinagot ko sakanya.

"Pwes-" Naudlot yung sasabihin niya ng biglang out of no where nagsalita yung nurse.

"Mukhang nagkwekwentuhan lang namin kayo dito, kaya kung wala na naman kayong nararamdamang masa pwede na kayo umalis" Malakas ata yung boses namin kaya siguro pinapaalis na kami ni ate nurse.

Tumayo na ako, ganon din siya sa pagkakahiga. Bago ako lumabas ay nagpasalamat ako sa nurse, sumunod naman saakin yung lalaki kanina. Pagkabukas ko noong pinto laking gulat ko ng magkatinginan kami. May nakatayo sa harap ng pintuan. Unang lumabas yung lalaki na kausap ko sa loob ng clinic, kaya lumabas nadin ako. Dahan dahan kong inilayo ang atensyon ko sakanya.

Pakiramdam ko nag slowmo bigla. Pabalik na ako sa classroom ko pero iniisip ko parin yung nangyari kanina sa clinic, bakit nasa harap siya ng clinic? may nangyari ba sakanya?

Saglit lang! bakit.. bakit ayon ang iniisip ko ngayon. Hala ka Mae grabe na talaga trip mo. Pero saglit nga lang bakit ba etong lalaking to eh nasunod parin saakin.

Mas binilisan ko yung paglalakad ko, ganon din ang ginawa niya. 

Kaya ayon pakarating ko sa tapat ng classroom ko hinihingal na ako. Binuksan ko na yung pinto pero nasa likod ko parin siya. I'm sure na hindi ko talaga siya kaklase kaya bakit nandito parin siya hanggang ngayon?

Pumasok na ako sa loob, akmang sasarhan ko na yung pinto ng bigla niya akong pigilan.  Kaya binitawan ko nalang yung pinto at umupo nalang sa upuan ko. Buti nalang wala pa yung proof namin.

Bakit umupo siya sa tabi ko? Hindi porket bakanti yung sa tabi ko eh basta nalang siya uupo. 100 percent sure ako na matagal nang bakanti yung katabi ko kaya sure ako na hindi siya yung katabi ko.

"Bakit nandito ka? hindi naman kita kaklase" Sabi ko sakanya

"Hindi ka kasi napasok kaya hindi mo alam na kaklase mo ako" Huh eh ibang klase din pala trip ng isang to eh. 

Ako pa talaga yung hindi napasok no. Bahala ka nga sa buhay mo, hindi nalang kita kakausapin.

-----------

Napagalaman ko sa adviser namin na siya pala yung student sa bakanteng upuan na katabi ko. Mukhang ako lang yung hindi nakakaalam, dahil hindi naman sila nag react ng pumasok nalang siya sa loob. Siguro pumasok siya noong first week na wala ako, kaya ako lang ang hindi nakakaalam na kaklase namin siya.

"Nako, nako hindi kasi pumapasok" Kanina pa niya ako iniinis, pamula ng itanong ko sa adviser ko iyon.

"Kasalanan ko ba na first week palang eh nagkasakit ako, ikaw nga eh halos one month ka na hindi napasok" Ganti ko naman sakanya at sabay kuha ng bag ko. Palabas na ako ng classroom. Kami nalang kasi naiwan dito since yung seat number namin naka assign ngayon para maglinis ng classroom. 

"Nagkasakit kasi ako kaya kaylangan ko muna magstay sa hospital ng ilang araw" Napapikit ako saglit sa sinabi niya. Da't kasi Mae hindi mo nalang siya piunatulan pa, ayan tuloy nag mukha tuloy ikaw yung masama sa inyong dalawa.

"Sorry, hindi ko kasi alam" yan nalang ang sinabi ko kahit hindi ako nalingon sakanya, at saka ako lumabas ng classroom.

--------------

Kinuwento ko sakanila yung tungkol sa student na lalaki sa clinic na Lue pala yung name, habang hinihintay namin yung order namin pang hapunan.

"Lue? as in Lue Hans?"

"Hindi ko sure if may Hans yung name niya pero Lue yung name niya" Sagot ko sa tanong ni Kyla.

"I think si Lue Hans yun" Sabi naman ni May.

"Ano meron sakanya?" Nagtatakang tanong ko sakanila.

"You don't know? He is the son of the owner of our school, and the reason he said to you is not true dahil bali balita na first week palang eh nakipag away na siya, hindi ko alam ang rason pero yun yung balita noon" 

"Well kaya hindi mo alam kasi your Mea mas binibigyan mo ng pansin ang mga academic works kaysa sa mga ganong issue sa school" dugtong naman ni Kyla sa sinabi ni May.

"And I think you should be careful with him. As much as possible don't be involved with him" Sabi naman ni Cat saakin. I don't know how I feel right now, dahil sa mga nalaman ko.

Maybe he has his reason, and I can't judge him so quickly.

 Naguumpisa na kami kumain ng may mapasin ako pumasok na isang grupo sa loob. Hala! Bakit nandito siya? Muntikan na kami magkatingin buti nalang at ibinalig ko sa ibang bagay ang mga mata ko.

Nagulat nalang ako nang biglang may tinawag si Cat mula sa grupo na kakapasok lang. Shit may kakilala pa siya sa grupo.

"Uy Mark!" sigaw niya at may lumapit nga sa table namin. 

"Hi Cat nandito din pala kayo. Mga kaybigan mo?" Tanong noong Mark ang pangalan.

"Oo, ikaw sino mga kasama mo? Mga barkada mo?"

"Yeah, ay wait papakilala ko sila sayo" Wait saglit lang bakit need ng introduction? Hindi ba, hindi nayan uso sa panahon natin ang intro intro. Putek saglit lang hindi pa ako ready hahahahahah


30/10/2023

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #highschool