Crumpled Paper Ball (ONE SHOT)

Crumpled Paper Ball (ONE SHOT)

by Izumi-chan <3 <3 <3

==================================

*pok!* 

>__________<

ARRGGHH!!!! 

Nakakainis talaga tong classmate kong lagi akong binabato ng papel! ARGHHH!!!! Sarap lamunin eh!

Sinenyasan ko si Rei ng 'stop-it-or-you'll-die'. Nginusuhan nya yung  paper ball at ngumiti.Aba't nagsmile pa ang loko! 

Argghhh!! Nakakairita na talaga sya!! So annoying!

Panu ba naman kase, lagi na lang akong pinagbabato nitong '2 seats apart' kong classmate na ubod ng gwapo este ubod ng 

kulit at sobrang nakakaannoy na talaga!!

Ang galing nga nya eh kasi kahit anong bato nya sakin ng papel, eh di sya nahuhuli ng mga teacher namin. Sinusumbong ko 

sya sa teacher namin , pero lusot pa rin ang mokong! Tapos ung mga classmates na nakaupo sa pagitan namin? AYUN! DEDMA. 

Walang pakialam. Alam na nga nilang ako ung binabatuhan ng papel eh wala lang din silang pakialam! Like, srsly?! Anong 

klaseng mga estudyante ba kayo? =___=

Palagi na lang yan, araw-araw, every subject, lagi akong hinahagisan ng crumpled paper ball! Kapag gumaganti naman ako, 

sakto naman akong nahuhuli ng teacher namin! Aba't nananadya ba ang tadhana para 

di ako makaganti?! ARRGHH!! He's too damn annoying!!!! Ever since freshmen ako, lagi nyang ginagawa yan. Lagi na lang! 

Pwede bang iba na lang yung ibully nya?! Nakakabwiset na talaga sya eh!

Sya nga pala, inuna ko pa ang lokong yun. Ako nga pala si Lena Mercado. Ewan, papa ko ata si Jennylyn Mercado. Hehe, ang 

korny ko =_=

At etong lokong to, si Rei Silvan. Ang pinakanakakairitang kuto sa balat ng mundo. Isa syang parasite sa buhay ko. He's 

goddamn annoying! Lagi akong nahahighblood sa kanya

pero nakakapagtimpi naman ako kahit papano kapag may klase. Puro terror ang mga profs namin eh .. =_=

Back to the present! Kasalukuyang umalis na si teacher namin at breaktime na. Palabas na sana si Rei nang hinarangan ko 

sya. Kala nya huh. Lagi ko na nga lang tong kinokompronta eh. Kaso ayaw nya pa ring tumigil.  Lagi nya na lang akong 

pinagbabato ng paper ball! Ano ba talagang problema nya?!

Is he really bullying me?! 

"Akala mo palalampasin ko yung pambabato mo sakin ng papel kanina? Aba't sumusobra ka na ah! Lagi na lang! Mukha ba akong 

basurahan para tapunan mo ng basura ha?! Youre goddamn annoying you know! Nakakainis ka! Nakakairita ka na umabot ka pa sa 

point na gustong-gusto na talaga kitang mabura sa mundo!

Stop bullying me coz hindi ako magpapaapekto!" at sya? nakasmile lang. ARGHH!!!! 

"Di ka naman mukhang basurahan. Ang ganda mo nga eh. Sadyang trip ko lang batuhin ka ng papel. ^_^" O////O A-ano daw?! T-

teka Lena! Wag kang magpapaapekto sa sinabi nya! ANONG SABI NYA?! TRIP NYA LANG?!

"So wala ka ng magawa sa buhay, ganun?! If that so, iba na lang ang guluhin mo dahil nakakairita ka!" sabay walk-out ko. 

Hanu yun?! Ginawa nya akong pang-entertainment??! LEchugas! Mukha ba akong clown?! ARRRGHHH!! Kahit gwapo pa sya at 

mayaman, ayokong-ayoko sa kanya!! Nakakairita!! 

///////

Okay eto nanaman. Nasa klase ako ngayon, syempre nakikinig sa teacher. Nang biglang,

*pok!* 

=______=  >______<

Nginusuhan nya nanaman ung binato nyang papel sakin tsaka sya ngumiti sakin.ARGH!H!!! gwapo ka pa naman sana pero ARGHH!!!

Pinulot ko na lang ung papel na binato nya sakin at nilagay muna sa bag ko. Tumingin ako ulit sa kanya with my evil 

glare...

"POTEK KA TALAGA REI!!!" O.O

....WAAHH!! Did I just said that loud?!!! Ang tange mo Lena!! Dapat minouth mo lang un eh!!!! TT^^TT

"Ms. Mercado, get out!" O_O -> T_T 

Yan tuloy nasigawan ako. "B-but maam!" 

"Lagi na lang Ms. Mercado! Youre disturbing the class!" T_T opo. ganyan po katerror ang teacher namin. Para syang 

balyenang baboy na leon na manok na putak ng putak na ewan.

And yun na nga,lalabas na ako. Pero bago yun, tiningnan ko muna si Rei. 

O_O eh?

 Ewan ko kung bakit pero dapat diba tumatawa na yung Rei na yun? Diba kasalanan nya naman? Eh bakit parang mukha syang 

nakokonsensya. Tch. Ayun? Makokonsensya? In his face! Asa ka pang makokonsensya ang mokong na yun! 

Magkaroon muna ng buntot ang mga ipis kapag nangyari yun! 

Habang naglalakad ako, narinig ko ung bulungan ng kabarkada ni Rei sa isa pa nyang kabarkada. He! Hindi ako chismosa! 

Sadyang malakas lang ang bulungan nila!

"Yeah. He'll be going to States tomorrow." 

"Dun na daw sya titira diba?"

"Yeah. For good na daw. Haay ewan ko dun kay pare, wala pa ring lovelife."

"Pano, eh ang torpe-torpe eh!  "

"HAHAHHAHAHAHA"

=_______= Sino kayang aalis ? Wee. si Rei kaya? Eh di mabuti. Jowk. Ewan ko. Malay ko ba? Teka,  Bakit nga ba ako 

nakikinig sa usapan ng iba?   Tch. Makaalis na nga. 

/////

Friday na!! TGIF! WOOHOO! 

*pok!*

 >____< 

=_____= ay ampucha. Opo, binatuhan na naman nya ako ng papel. Lumingon ako sa kanya, then nginusuan nya nanaman ung papel 

na tinapon nya sakin. Then he smiled. I really dont get the point kung lagi nya akong binabato ng papel. Mukha na ba 

talaga akong basurahan o kaya

isang janitor na tigpulot at tagtapon ng basura nya?

Tch. Either ways, binato nya pa rin sakin tong paper ball na to.

*KRING!*

Aba'y sakto nga naman! Macoconfront ko na ang mokong nato!

"Rei Silvan!" lumingon naman to sakin. Pero sa gulat ko, pokerface lang ito. Wow! Pokerface! Bago to ah!  Diba dapat 

tumatawa nato ngayon?! Bagong way of pang-asar ba yan?!

"Ilang ulit na ba kitang sinasabihan na wag na wag  mo na akong tapunan pa ng papel! Nakakainis ka! Kating-kati na talaga 

ako sayo eh! Inaasar mo ba ako o binubully?! Either ways, ayoko na ! Nakakairita ka na talaga!

Kailan ka ba titigil ha?! ANo bang gusto mo ha?! You better stop it or else!!! I HATE YOU!" ngumiti sya sakin. O_O ang 

gwapo nyang ngumit----este talagang inaasar nya ako ah?! Pero bakit parang........ sincere ung smile na yun? O.o

"D-don't worry. Hindi na kita guguluhin pa. Sorry. BYE." at umalis ito sa aking harapan. I was left dumbfounded. Sya? 

Nagsosorry? Anong nakain nun? Bakit mukhang sincere nga sya sa sinabi nya? Sincere.... nga ba sya?

//////

MONDAY NA!! Nagtataka ako kung bakit hindi pumasok si Rei? Bakit kaya? Teka, bakit ko nga ba hinahanap ang lalaking yun?! 

Tch. Well, maybe nasanay lang ako sa presence nyang batuhin ako ng papel. Oo , yun lang.

"Class, I have news to announce." ani ni teacher namin. Ano kaya? Walang klase? Hehe. Joke. Eto naman, syempre yan din 

naman ang una nyong iisipin diba? Sana wala nga! Gora teacher! Tell it na! 

"Mr. Rei Vegas just left the country last Friday night. Nabigla nga din ako eh, he said he'll be living there for good."

O_________O

"Maam joketime ba to maam?" nakataas kamay kong sabi na parang nagrerecite. "No. Totoo ang sinasabi ko Ms.  Mercado."

"Maam pwede nyo na po kaming sabihin ng 'YOURE FOOLED!' na parang ginagaya sa mga gag shows maam." si maam talaga, 

mapagbiro =_____=

"Sana nga... pero... he said he's very sorry sa biglaan nyang pag-alis. Personal reasons daw eh."

H-he left the country? 

He left without saying goodbye? 

B-bakit biglaan? 

Teka, ano namang pakialam ko dun?! Yun nga ang gusto ko diba?! Ang mawala sya sa buhay ko!!!

Pero bakit ganun? Pakiramdam ko, tinutusok ang puso ko.

Teka, bakit nga ba ako apektado?!

 Dahil umalis sya ng bansa?! 

Eh ano namang paki ko dun?! 

Pero bakit parang .............nasasaktan ako? 

////

"Deadline of your compilations will be tomorrow. Mga hand-outs and quizzes ang ilalagay nyo dun. Put it in a pink 

clearbook. That's all . Dismiss."

Uwian na naman. Haay, ang  boring ng araw na to. Di ako sanay na walang sigawang nangyayari kada afterclass. Di ako sanay 

na walang inaaway palagi. Di ako sanay na walang bumabato sakin ng papel. YEah ryt, nagustuhan ko pa talaga noh?

Ay ewan ko sa sarili ko, nasanay lang talaga siguro ako. Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit ko, napadaan ako sa armchair ni 

Rei. Wala nang nakaupo dito. Buti naman. Wala nang asungot sa buhay ko. Wala ng kutong laging bumabato ng papel sa ulo ko.

Wala na yung annoying na Rei na yun..... pero.. aaminin ko. Nakakamiss din ang lalaking yun. Nakakamiss ung mga ngiti ny-- 

ay ano bang nangyayari sayo Lena?!! Smirk lang yun, okay?! Ngiting pang-asar nya lang yun!!

Nakarating na ako sa bahay. Pumasok na ako ng kwarto ko at nagsimula nang gawin ang mga dapat gawin. First of all, 

kailangan kong icompile lahat ng mga handouts at mga quizzes ko. Naku, kakalkalin ko nanaman ang bag ko neto.

*kalkal*

*kalkal*

*kalkal*

At sa wakas! Whew, ang daming papel namang nakalagay sa bag ko. ( opo, makalat akong tao =____= )

Inisa-isa ko ito ng buklat, yung iba kasi crumpled na tapos may mga nakahugis bola pa. Nakuu, kung sakaling isa dito ang 

mga quizzes ko, paplantsahin ko na lang.

Nagulat ako nang mabuklat ko ung isang paper ball. Imbes na quiz ung makita ko, 

' I LOVE YOU LENA.' 

O_______O

Yan ang nakasulat sa papel na to.

EHHH?!! Kanino to?!!! OBVIOUSLY.  Hindi akin to! Hindi ganito ang handwriting ko at lalong-lalong hindi ako magsusulat 

nito!  Ano yun?! I love myself?! 

Pero bakit nandito to sa bag ko?!

Hinayaan ko lang ito at pinagpatuloy ko ang pagbubuklat ng iba pang crumpled papers na galing sa bag ko pero sa laking 

gulat ko. May mga nakasulat sa bawat papel.

'I love you Lena. Buti na lang napulot mo ito!'

'Hoy Lena, sorry na. Hindi naman basura ang tingin ko sayo eh. I just wanted to say I love you.'

'Haay. Bakit ang hirap maging torpe? Tch. Sorry, eto lang kasi ang paraan na alam ko. I love you Lena.'

'LENA SORRY NA!! Wag mo namang sabihing gusto mong mawala ako sa buhay mo. Nasasaktan ako eh.'

'OY LENA! Nakakainis ka na! Ilang ulit na kitang binabato ng  paper ball hindi mo naman pinupulot! Alam mo bang may mga 

nakasulat dun?! I LOVE YOU ang nakalagay dun Lena!'

Hindi ko inaasahan ang mga salitang iyon na nakasulat sa bawat papel na hinahagis nya sakin. Eto ba ang dahilan kung bakit 

lagi nya akong binabato ng papel? 

Wow Lena, one word na maidedescribe ko sayo. Ang MANHID mo. Period. Hindi ko aakalaing sa paraang ito pinaaabot sakin ni 

Rei ang nararamdaman nya para sakin. 

Torpe nga sya... pero eto naman akong mamanhid-manhid at tatanga-tanga. Simpleng pagbuklat lang ng papel di pa magawa. 

Lagi ko tuloyng iniisip na binubully nya ako or what..

Pero mas naluha ako nang mabasa ko ang huling crumpled paper ball.

'Lena, aalis na ako ng bansa mamaya. Sana this time, nabasa mo na ito. Last na to ei. Matagal ko nang gustong sabihin sayo 

na MAHAL NA MAHAL KITA LENA. Sorry kung napakatorpe ko. Sorry din kung nagiging perwisyo ako sa buhay mo, eto lang naman 

kasi ang alam kong gawin para di ako tamaan ng pagkatorpe ko. Ang pagbabato sayo ng papel. Ang totoo nyan, may mga 

nakasulat sa bawat papel na yun.Sorry kung pinamumukha kong binubully kita. Sorry talaga Lena. Mahal na mahal kita Lena. "

Bakit?......... Bakit ngayon ko lang nabasa ang lahat ng to?..........ngayong..........wala na 

sya.........ngayong........malayo na sya at di ko na makikita pa............bakit ang tanga ko?! ANG TANGA-TANGA KO ! Kaya 

pala laging nginungusuan ni Rei ang bawat papel na binabato nya sakin.

Kasi gusto nyang mabasa ko to......  gusto nyang makaabot sa akin ang nararamdaman nya......... Pero anong ginawa ko? 

Pinamumukha kong masama sya! Tapos lagi ko syang sinasabihan ng masasakit na mga salita! Nag'I hate you' pa ako sa kanya 

kanina! Pocha! Ang manhid ko!!!

 Kahit ang totoo........ ay minahal nya lang naman ako.... Ang tanga mo Lena!! 

/////

EPILOUGE: 

=======================================

"NASA HULI ANG PAGSISISI."

Tama nga sila. Kung kelan marerealize mo ung feelings mo sa kanya, 

yun pa yung time na nawala pa sya. Its like wasting your happiness. 

2 years. Sa dalawang katuting na taong yun, marami nang nagbago.

Nakapaggraduate na ako... Nakapagtrabaho....

Pero isa lang ang di nagbago....

NBSB PA RIN AKO. 

BWAAHAHHAHAHAH!! 

Pano ba naman kasi, wala pa akong nagugustuhang ibang tao. 

Well *ehem* di naman sa nagmamayamabang ah? 

Marami namang nanliligaw sakin pero ni isa WALA AKONG TYPE SA KANILA.

Ewan? Instincts na rin cguro?

Tsaka isa pa....

MAHAL KO PA RIN SYA.

Weeeeee. Gulat kayo noh ?

Dati hate na hate ko ang kutong-lupa na yan pero time passed by until I realized na MAHAL KO NA PALA SYA.

Masasaktan ba ako kapag sinabing umalis sya ng bansa? Diba oo? Tapos, I just found out myself crying at my bedroom. Baliw 

ang

heart ko eh, ang manhid. Ang tagal magprocess ng feelings. Wala na nga din pala akong balita sa kanya, I tried searching 

him ALL OVER THE NET..

but unfortunately.. =____= WALA. Tinataguan ba ako nun?! Bakit ni isang information tungkol sa kanya wala akong makuha? 

Anlabo naman nun =_=

Or baka hindi lang talaga un updated sa technology at kahit ni facebook wala talagang account?

"Lena, nakuu! Tatanda kang dalaga nyan! Sumama ka na kasi sa dating tropa natin! Im sure may mga single na students dun! 

hahaha!" binatukan ko. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi eh. 20 yrs old na kami tapos papatol kami sa mga 17?! 18?! 

HELLER?!sya nga pala si Bea.Kaibigan ko and at the same time, classmate ko nung highschool. Kinukulit nya kasi akong 

pumunta dun sa dati naming school. Miss na daw kasi nila kaya pinipilit nya akong pumunta bukas.

"Hmm... medyo busy ako eh."

"Ano ka ba Lena! Alam kong busy ka !  Pero pwede bang isantabi mo muna yan? Ayaw mo bang makita ang mga teachers natin 

dun? Nandun sila Tricia! Tsaka isa pa, nakakamiss kaya ung high school times natin! Sige na bisitahin na natin!"

" Sige na nga! Pupunta na ako! ^_^"

//////

Nakakamiss nga talaga ang high school. Yung mga tropa,chismisan,activities,bondings... haaaay.. Naglalakad-lakad lang kami 

ngayon sa dati naming school. 

"Nakakamiss ano?" -Bea

"Oo nga eh." 

"Eh si Rei? Namimiss mo?" panunukso ni Tricia. Oo nga pala, alam din nila ung tungkol kay Rei. Tumango ako at ngumiti 

bilang sagot. Ewan ko kung bakit hanggang ngayon, sya pa rin ang laman ng puso ko. Ang lakas pala talaga ng tama nya 

sakin. Tsk.tsk. Kamusta na kaya sya? May asawa na kaya yun? May mga anak? Iniisip ko pa lang, sumisikip na ung dibdib ko. 

Haay, ewan ko sayo Heart, bakit kahit anong pilit ko ayaw mo pa ring mag-moveon?!

Lakad lang kami ng lakad at nagchichismisan. Nakakamiss talaga. Umuna na sila ng uwi sakin samantalang ako, nagmuni-muni 

pa. Kung pwede lang sana ibalik ang oras, ginawa ko na. Gusto kong maging bata ulet! I wanna be young, wild and fre----- 

*POK!!*

Ay ampucha na bata! Sinong high school student ang nangahas na batuhin ako ng papel?! Papatayin ko!! +_+ 

Pinulot ko ung paper ball at binuklat. (huehe , lesson learned na eh)  (A/N : eh pano kung may sipon dyan? ewww.) (shut up 

author! pero malay mo diba? may message din dito gaya dati ?! ) 

Binuklat ko ito and surprisingly, may nakasulat nga dito.

"I LOVE YOU LENA MERCADO."

I turned at my back. 

Then I saw HIM .

//////

Minsan may mga bagay na tinuturing nating napakaliit na bagay.

A piece of trash? May be the MAIN reason for a GREAT thing to happen.

Mahal ko sya at mahal nya ako.

Ano mang pagsubok, kakayanin naming harapin yun. Basta't magkasama kami, lahat ng yun, malalampasan namin.

Ang love story ng torpe at manhid. Posible din pala..

And it's all thanks to a piece of a CRUMPLED PAPER BALL.

///^^^^^^^^^^^///

===

FIN

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top