61

Lianneee
12:00 PM

Lianne:
Kain tayo?

Marian:
Pass

Lianne:
No guys

Tayo lang dalawa

Marian:
Ayaw

Lianne:
Nagalit ka ba kay Yen kanina kasi
nireto ka sa kaibigan niya?

Sorry na makulit siya

Di na natin siya papansinin mext time

Marian:
Hindi yon

Okay lang, naintindihan naman nung kaibigan nya na hindi ako pwede

Lianne:
Lagay ka ng id "not available. reserved for jacob ford"

Marian:
Patigilin ko na kaya si Jacob?

Lianne:
?!!!!

Marian:
Papatigilin ko kako

Lianne:
AND WHY?!!!

Marian:
Nahihirapan na siya eh

Lianne:
Sabi niya????

Marian:
Sobrang ramdam ko eh

Lianne:
Mas kawawa ata siya
kapag pinatigil mo?

Marian:
Sa umpisa lang yan

Lianne:
Ano baaaa

Hindi ko naman alam nangyayari. Sino ba ako para mag-dikta pero

MARIANNNNN

Marian:
Pakiramdam ko din hindi ko pa kaya i-express yung nararamdaman ko

Kahit assurance hindi ko siya magawang bigyan

Lianne:
Hindi ka lang vocal

Marian:
Mahirap din yung sitwasyon namin

Ang dami nyang binibigay na oras sakin na dapat pinapahinga nya nalang. May mga susunod na pagkakataon pa rin naman. Malay mo mas maluwag na sa pangalawang pagkakataon kung magkakaroon man.

Parang hindi lang din kaya ng kunsensya ko kasi alam kong hindi ko pa kaya pantayan yung binibigay nya.

Lianne:
Choice niya naman yan

Pinipilit mo ba siya? Hindi naman, tsaka diba nanliligaw palang naman sya

Marian:
Bahala na, nahihirapan din kasi ako e

Lianne:
Pag-isipan mo nang ayos ha?

Marian:
:))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top